Ruwi’s Pov
TINUNGO ko ang pinakamataas na bahagi ng building na 'to at hinayaan ang mga kaibigan ko na patayin ang mga miyembro ng Dark dagger. Ako lang mag-isa ang umakyat para hanapin ang leader nila.
Nang makarating ako sa pinakadulong palapag at nakita ang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Puro puti ang buhok niya pero matikas parin ang katawan.
Alam kong siya ang leader ng Dark dagger. Siya ang taong hinahanap ko para matapos na ang isa sa mga kalaban naming grupo. Sila lang talaga ang balakit sa buhay namin.
Nakita ko ang usok na halatang nagsisigarilyo ang matandang lalaki. Dahan-dahan siyang humarap sa 'kin habang ang isa niyang kamay ay hawak ang isang katana.
Ngumisi siya sa 'kin habang bumubuga ng usok. "Sa wakas… nagkaharap na din tayo leader ng Crimson." Saad ng matandang lalaki habang nakangisi sa "kin.
Humigpit ang hawak ko sa aking espada habang nakatitig sakanya. "Handa ka na bang mamatay?" Tanong ko sakanya.
Mas lalo lang siyang tumawa ng malakas. "Masyado ka namang nagmamadali, bata. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa mag-ina ng traydor na isang miyembro ng Dagger?" Tanong niya na tinutukoy ang girlfriend ni Thaddeus.
"Hayop ka! Dapat sainyo ay tinatapos para mawala na kayong lahat." Saad ko sa walang emosyong boses.
"Mukhang hindi mo alam na ginahasa ng mga tauhan ko ang babae bago nila pinatay at ibinitay sa kisame." Saad pa niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Kaya naman pala may dugo din ang mga binti ng girlfriend ni Thaddeus.
"Sabay-sabay na ipinasok ng mga tauhan ko ang sandata nila sa pagkababae ng babae. Ahm.. ang sarap pakinggan ng iyak habang nagmamakaawa ang babae." Pagkwekwento niya at para bang inaalala ang ginawa nila sa girlfriend ni Thaddeus.
"Sana magawa namin sa’yo. Mukhang fresh ka." Sabi niya saka itinapon ang sigarilyo sa sahig.
Pinaikot-ikot ko sa aking kamay ang hawak kong katana upang umatake. "Hindi niyo magagawa yun sa 'kin. Dahil papatayin na kita upang mawala na kayo sa mundo!" Sigaw ko saka ako tumakbo habang hawak ang espada. Nasalag niya ang espada gamit ang espada na hawak niya.
Umatake lang ako ng umatake at masasabi ko lang ay mahusay din siya pagdating sa labanan. Hindi siya magiging leader ng Dagger kung hindi siya magaling.
Pero, mas magaling ako sakanya kaya natatamaan ko siya ng espada. Dumaplis ang atake ko sa mukha niya kaya napangiti ako ng tumulo ang dugo niya sa pisngi.
"Magaling. Totoo pala talaga ang sinasabi nila na mahusay ka sa labanan. Sayang, magkalaban tayo." Saad ng matanda habang hinahaplos ang dugo sa pisngi niya saka niya dinilaan ang kamay niya na may dugo.
"Balang araw ay magiging kasapi ka din ng grupo namin. Hindi man ako ang leader no’n pero mangyayari yun sa tamang panahon." Makahulugan niyang sabi.
"Hindi mangyayari yun!" Sigaw ko at umatake ulit sakanya. "Isusunod kita sa kanang kamay mo." Saad ko habang umaatake ulit sakanya.
Tumawa lang siya na para bang hindi takot mamatay. Sa inid ko ay umikot ako at mabilis na kumilos saka pinutol ang braso ng matandang lalaki. Napasigaw siya sa sakit ngunit saglit lang yun na para bang handa na siya sa katapusan niya.
Nagkalat ang dugo sa sahig habang ang brasong pinutol ko ay nasa sahig. "Mapapatay mo ko. Mapapatay ng mga kaibigan mo ang grupo ko. Ngunit, tandaan mo na mabubuhay ulit ang grupo namin dahil ang anak ko ang bubuo no’n. Ikaw ang unang magiging target nila." Saad ng matanda na tumatawa pa. Mukhang inihabilin na niya lahat at alam na niya na mamatay siya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Crimson Blade Assassination
Action||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala silang maasahan kundi ang isa't-isa. Kaya napagdesisyonan nila na bumuo ng grupo para ipagpatuloy a...