"Liam, may problema ba?" Hindi naituloy ni Liam ang sasabihin niya dito kanina. Hinawakan ni Leah ang mga kamay nito at tinitigan itong mabuti.
"Natatakot ako..." Halos pabulong na sinabi ni Liam 'yon pero sapat na para marinig ni Leah.
"Sorry talaga Liam. Pero wag ka namang ganyan, babawi na nga ako sayo ngayon oh. Dapat niyayaya mo na lang din akong sumayaw eh." Biro ni Leah dito dahil ayaw na niyang malungkot ito pero totoo ang sinasabi niya dito.
"Sorry, I love you." Ginulo ni Liam ang buhok nito at niyakap ng sobrang higpit habang walang sawang sabihin ang salitang 'i love you' dito.
"Tara na nga, at baka hinahanap na nila tayo." At last nakita na ni Leah ang ngiti nito kaya hinalikan nito ang pisngi ni Liam. Hindi niya rin alam kung bakit naging kissing monster na siya ngayon pero siguro nga tama sila hindi mo na alam kung ano pa ang mga pwede mong gawin sa taong mahal at mahalaga sayo.
Bago pa man makaalis silang dalawa doon may dumating na tatlong lalaki, kung titignan sila ay mukhang mayayaman pero halatang may mga edad na ito.
Nagkibit balikat lang si Leah at dumaan na silang dalawa ni Liam sa tatlong lalaki pero bago pa man makalayo ay hinawakan ng isang lalaki si Leah sa braso nito na ikinagulat ng dalawa.
"W-waeyo?" Inis na tanong ni Leah pero kinakabahan na siya. Tinanggal ni Liam ang kamay ng lalaki sa braso nito.
"Aba't.. Sino ka ba?!" Sigaw nito kay Liam, hinila niya si Leah para maitago niya ito sa likuran niya dahil halatang nanginginig na ito sa takot at kabang nararamdaman niya.
"Ikaw, sino ka ba?" Sinagot nito ng tanong ang tanong ng lalaki. Ngumisi ito at akmang susuntukin niya sa mukha si Liam pero nahawakan nito ang kamao niya.
BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Novela JuvenilMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...