(9) Love Trouble

289 23 4
                                        




Biglang naisipan ni Mafelle na ilibre ang mga kaibigan kaya nagtataka ang iba dahil 'don. Tinutukso nila Yhanie ito dahil sa napaka blooming niya ngayong araw.

 




Pumunta sila sa Mall at dumiretso sila sa arcade zone ang paborito nilang pang palipas ng oras nila. Bigla silang hinatak ni Leah at dinalaito sa isang game na may two circles na may censor sa kamay at paa.




Naging paborito ito ni Leah ng matuwa siya sa paglalaro nito noon. Tatanungin pa sana ni Yhanie kung sure na ba talaga si Leah doon pero sa nakikita nito ay ready na siya talaga.





"Tara Yna partner tayo tapos Maf dito kayo sa kabila. Highscore bessy ha." Tuwang tuwang sabi yaya ni Leah. Kinakabahan ang dalawa sa kabila dahil hindi sanay si Mafelle dito at hindi marunong si Yhanie.

  




"GAME!!" Sabay sabay nilang sigaw, kinabahan lalo ang dalawa dahil may mga nanonood na sakanila.





Kapag nag kakamali sila ay sabay sabay silang nag titilian. After ng more than 4 songs, tie ang scores nila. Kaya walang consequences.




"Tara mag lakad lakad lang tayo, tapos yung may mga ishe-share dyan mag salita na!" Biglang singit ni Yna na kanina ay tahimik lang. Kaya nanlaki ang mga mata nila Leah at Maf at 'tila kinabahan.




"OO NA! E-eh?" Sabay na sigaw nila Leah at Maf kaya nagulat sila sa isa't isa.

 




Naglalakad lakad na silang apat habang nag kwe-kwento ang dalawa tungkol sa kanilang love life. Nung una ay nagkakahiyaan silang umamin pero nang mapilit sila ay nagsalita na rin sila.





Si Mafelle inamin na niya sa mga kaibigan na sila na ni Zayne, syempre masaya sila para sa kaibigan nila pero nabilisan si Yna sa pangyayari.





Si Leah naman ay tinutukso nila na nasa stage pa lang ng 'getting to know each other' In short, nang liligaw pa lang si Liam sa kaibigan nila, natutuwa namna ang mga kaibigan niya tungkol sa mga pag ibig nito.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon