(25) Welcome Back!

17 4 2
                                    






Halos dalawang buwan ng wala si Mike. At kasalukuyang nagpapagaling siya noon ng malamang ibinigay na ni Leah ang sagot nito kay Liam. Masaya siya para sa kanila walang halong kaplastikan.





Maayos na ngayon si Mike, maayos niya ring napatakbo ang pinagawa sa kanya ng tatay niya. Pero syempre nalaman niya 'yun dahil sa kapatid niyang naiwan sa Pinas.





Gusto mang sabihin ng kapatid niyang si Mae kila Leah tungkol sa nangyari sa kanya two months ago ay hindi niya ito pinayagan dahil gugulo lang.





Dahil na rin sa nangyari hindi parin maiwasan ni Mike na masaktan. Naglasing at walang sawang party ang ginawa nito at halos ubusin at simutin ang mga babaeng nilalandi nito pero ni isa sa kanila ay walang makakapalit kay Leah sa puso niya.






"Oppa! Inis ka ha!" Natutuwa si Mike dahil nakaka pag tagalog na rin ng konti ang kapatid niya pero kung papakinggan ay maarte ang pronounce nito.





"Oh, pagpahingahin mo muna si Kuya mo, mamaya na sermon. Poong gwa kiseu." Nag flying kiss naman ang kapatid nito at nag paalam na rin. Pinatay na ni Mike ang laptop nito at natulog na muna dahil bukas na bukas ay babalik na rin siya ng Pinas.





Pinatay na rin ni Mae ang laptop nito at pumunta sa sala. May hinahanda kasi ito para sa pagdating ng kuya niya. At gusto nito na bukas pagdating ng kuya niya ay kasama ang mga kaibigan nito.





Inayos niya ang bahay na tinutuluyan nito iba pa sa bahay na iniwan sakanya ng kapatid niya at tinawagan ang mga bago niyang classmates. Sunod sunod namang nagsidatingan ang mga ito.





"Why are we here?" Tanong ni Yhanie pag pasok ng bahay ni Mae. Mataray talaga si Yhanie dito dahil nalaman nito kay Liam na siya ang babaeng kasama ni Mike sa picture.





The Last Promise (On Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon