(21) Movie Date

186 8 7
                                    




A week after ay naging maayos na rin si Leah. At dahil sa nangyari ay hindi siya pwedeng maglaro sa Sportfest kaya iba ang pinanglaban ng section nila.



Pinatawad din ni Leah si Liam ng malaman sa buong barkada na hindi tinantanan nito ang bantayan siya.




Maayos naman ang buong barkada pero hanggang ngayon wala paring Mike ang lumilitaw sa kanila. Kaibigan parin nila ito kahit na rival ito ng barkada nila dahil kahit papano ay tumulong siyang mag bati sila Leah at Liam noon.







Hindi naman nila masisi kung bakit siya nagkagusto kay Leah dahil sa sobrang bait nito at maintindihin na tao.




Nasa school grounds sila Maf ngayon kasama ang iba pang organizers ng program nila. Mamaya na rin kasi mag start ang sportfest nila kaya dapat ay tapos na nila ang dapat asikasuhin.




Nang makitang ayos na ang lahat ay nagpahinga muna sila Maf at Zayne sa garden ng school nila.




"Hon, pahiga nga." At ginawa naman unan ni Zayne ang mga hita ni Maf. Hinawakan nito ang kamay ni Maf ng mahigpit at ipinatong nito ang braso sa mata niya at pumikit na rin.



"Napagod ba hon ko?" Napangiti si Maf sa ginagawa ni Zayne ngayon dahil nararamdaman niyang mahal na mahal siya ng lalaking kasama niya ngayon.




"Mahal kita, Mafelle San Jose." Dahil sa kilig ay hinampas ni Maf ang tyan nito at ngumiti lang si Zayne sa ginawa nito.



"Mahal din kita, Zayne Hernandez. " Inabot ni Zayne ang mga labi ni Maf at hinalikan niya ito. Ang halik na akala mo sila lang ang taong nandoon at walang paki elam sa sasabihin ng iba. Basta masaya silang dalawa sa isa't isa.




~~~



Tuwang tuwa si Liam na maging maayos na ulit sila ni Leah. Ang totoo ay hindi parin sila pero kahit kailan pa 'yon ay kayang mag hintay ni Liam dahil sobrang mahal niya si Leah.




Hindi rin makahanap ng tyempo si Liam dahil nga sa nangyari last week, kaya hinahayaan niya muna ang mga pwedeng mangyari.




Nasa Mall ang dalawa dahil biglang nagpasama si Leah dito na maglibot lang daw saglit. At dahil nga si Leah ito ay pumayag agad si Liam na samahan siya.




"Yaaa~. Dun tayo, bili tayong Zagu watermelon flavor." Hinawakan ni Leah ang kamay ni Liam at hinila ito papunta sa stall ng Zagu.




"Oo na, mag order ka na diyan." Napangiti na lang si Liam sa ginawa ni Leah. Aaminin niya na kahit wala pang ginagawa si Leah para sa kanya ay napapasaya niya parin ito.




"Ahh, Miss isa ngang Grande watermelon flavor and ..." Leah pauses at humarap kay Liam para itanong kung anong flavor ang gusto nito.





"Ah, Cappuccino will do." Lumapit naman si Liam sa babae at inabot agad ang bayad.





"Why do you order watermelon instead of strawberry? I thought you li—"



"Kasi hindi masarap ung shake na strawberry dyan eh. Lasang gamot." Tumango na lang si Liam dito .




"Ma'am order niyo po." Inabot na ni Liam ang plastic bag at inabot niya kay Leah ang shake niya pati ang straw.



"It's good." Halatang kinikilatis ni Liam ang iniinom niya.




"Hihi, first time mo?" Tumango lang siya dito at narinig ni Liam ang pag giggle ni Leah.




"Let's watch movie?" Tanong ni Liam dito dahil ayaw niya pang matapos ang araw na magkasama sila.




"Tara." Hinawakan ni Liam ang kamay ni Leah at napansin niyang napatingin ito dito pero hindi niya parin tinatanggal 'yon at hinila si Leah papunta sa bilihan ng ticket.




Bago pa sila pumasok ng sinehan ay nagpabili lang si Leah ng popcorn kay Liam dahil 'yon lagi ang gusto niya kapag nanonood ng kahit anong movie. Excited naman si Leah na manood ng Smurfs, kaya napangiti lang si Liam doon dahil napaka isip bata talaga ni Leah.




'Im just super happy when she's around. I hope this will not end.'




—————————————————————————————————————————————



VOTE.LIKE.TWEET.COMMENT


The Last Promise (On Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon