(3) Our Conversation

403 29 6
                                    




Nung isang araw pa hinahanap ni Leah ang phone niya dahil hindi niya 'yon makita sa loob ng bag nito.



Nagtingin tingin na siya sa loob ng room nila kahit sa ilalim ng mga desks nila, wala rin 'yun doon. Hindi rin matawagan ni Leah ito, kaya ngayon ay naisipan niyang hanapin 'yon sa Library ng school nila dahil doon siya laging nagpupunta kapag vacant time niya at gusto niyang magbasa basa. Hinanap niya ulit 'yun doon pero wala talaga kaya umuwi na muna siya.




Sinabihan na siya ng mga kaibigan niya na bumili ng bago pero hindi siya sumang ayon dito. Alam din naman ng mga kaibigan niya kung bakit, dahil ito ay bigay sa kanya ng nanay niya nung mga 13 years old siya.






'Matawagan nga.' Tinawagan ni Leah ang number niya gamit ang phone ng katulong niya.





Isang beses pa lang nagri-ring ay may sumagot na agad. Pero hindi muna nagsalita si Leah dahil ang akala niya ay isa sa mga kaibigan nito ang nakakuha. Pero dahil hindi pa nagsasalita ang nasa kabilang linya ay siya na ang unang nagsalita.




"Ah, You see I am the owner of the phone you—" Hindi pa natatapos ni Leah ang sasabihin ay agad nagsalita ang nasa kabilang linya.



"I know, You are Altea right?" Nagulat si Leah dahil boses ng lalaki ang narinig niya sa kabilang linya.




'He knows me, Oh come on, think brain!'




"Uhm yeah that's right. So you could give my phone back?" Naging seryoso na rin ang tono ni Leah dahil ayaw niyang magpahalata na nagtataka siya dito.




"Actually, dapat ngayon nasayo na ito. Pero since tumawag ka na delay yung mag de-deliver."



'So ako pa may kasalanan ngayon, Oh crap. Yeah, I am the one to blame nga naman, ako ang nakawala eh. Buti nga niyan mabait pa siya at naisipan pa niyang ibigay sakin ulit eh.' Naisip din ni Leah na may point din ang nasa kabilang linya, dahil kung iba rin ang makaka kuha nito ay maaring hindi na nag aksaya ng oras para hanapin ang may ari.




"Ah forgive me, I'll hang up so you can send it back to me. Thanks anyway." So Leah hang up the phone.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon