(20) Too Far

235 14 5
                                    



Ng gabing nagpaalam si Mike ay 'yon din ang araw na umalis siya ng Pinas. Hindi niya alam pero bago pa man matawag ang flight niya ay may gusto siyang makitang hinahanap siya at sasabihing wag na lang siyang umalis pero alam niyang imposible.



"Sir we have to go." Sinabi ng isang bodyguard ni Mike pagkatapos nitong ibaba ang phone nito. Paniguro ay ang tatay ni Mike ang kausap 'non.




"And sir it's time." Sabi ng isa pa at binuhat na ang mga maleta ni Mike. Konti lang naman ang dala niya dahil sa pupuntahan niya ay may mga damit na siya doon.




"Okay. Let's go!" At nauna ng maglakad si Mike, sumunod naman ang mga tauhan ng tatay niya.




Ilang oras na ang byahe nila Mike at naisipan niya tignan ang mga pictures nila together ni Leah.




Napatingin naman ito sa may bintana ng eroplano medyo okay naman ang panahon maulan nga lang.




Hindi niya rin malaman kung bakit niya nagawang pumayag sa tatay niya at iwanan si Leah ng ganun lang. Pero naisip niya rin na baka sa pag alis niya malaman na ni Leah kung sino talaga.




Hindi rin malaman ni Mike kung magulo lang ba ang mga tauhan nila sa likuran niya o may mali. Pero kahit ganon pa ay sinikap niyang umidlip kahit sandali dahil sumasakit ang ulo niya sa mga napagdadaanan niya ngayon.




~~~




"Hello Liam!!! Come over at Leah's place, noooow!" Nailayo ni Liam ang phone nito dahil parang mabibingi na siya sa sigaw ng nasa kabilang linya.





"What's wrong?" Wala kasing narinig si Liam bukod sa sigaw sa kabilang linya.




"Kung pumunta ka na lang kaya." Biglang mahinahon na ang sumagot sa kabilang linya.





"Okay, give me 5 minutes." At binaba na ni Liam ang phone nito at madaling nag ayos at umalis ng bahay niya.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon