(14) Wrong Hint

251 19 12
                                        






Pumasok na si Leah at ngayon ay nasa loob na siya ng classroom nila. Hinihintay nila ang adviser nila dahil 'yon ang first subject nila at may news daw ito about sa upcoming programs and surprise events ng school nila.





Habang nag hihintay si Leah ay ikinabit nia ang earphones niya at nakinig ng mga kanta at inilagay sa maximum volume. Yumuko ito sa bag niya na nakapatong sa desk niya at pumikit. Nagrerelax lang naman ito dahil sa hindi parin niya alam ang sagot sa mga tanong sa utak niya.






Napatingin naman ito sa labas ng bintana at napansing mamaya maya ay babagsak na rin ang ulan. Nagproprotesta ang ulo niya na hindi dapat umulan dahil ayaw nito. Ayaw niya sa tunog ng kulog, kaya bumalik siya sa pagkaka yuko niya.





Biglang may kumalabit kay Leah kaya naistorbo ito na ikinainis niya.



"wae?!"



"S-si Sir kasi Leah, kanina ka pa tinatawag." Napatingin na lang si Leah sa harapan at nakitang nandoon na nga ang teacher nila. Nakaramdam din siya ng hiya dahil nakatingin ang lahat sa kanya dahil sa pag sigaw niya sa kumalabit sa kanya.




"Mianhe." Tumayo si Leah at nag apologize na lang, wala kasi siya sa mood mag taray pa. Yumuko ito at pag tingin niya sa teacher nila ay nakita naman tumango na 'to.




"Anyway, here's the first good news, since may program tayo and it's SPORTFEST. So here's the calendar of activities, each of you will be given a calendar and each sections will have a representative for every —-"




'It's sportfest again, I wonder who will be the volunteer now. Nakakapagod pa naman sumali.' Iniisip ni Leah kung sino ang pwedeng sumali at lumaban sa kabilang sections.




"Sir!! Si Leah po!!" Tinignan ng masama ni Leah si Maf, dahil siya ang sumigaw at nag volunteer kay Leah sa spot na 'yon. Ngumiti lang naman si Maf dito dahil alam niyang hindi siya matatangihan ni Leah.




"Best, ikaw na lang kaya." bulong ni Leah kay Maf.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon