"Ma'am, may bisita po kayo." Binaba na ni Maf ang telepono at pumunta ng pintuan niya.
"Aga mo ata ho—— " Natigilan ito dahil hindi niya inaasahang iba ang pupunta ng ganitong oras sa kanila.
"Hi Mafelle." Bati nito sa kanya. Nanginginig si Maf at sobrang na te-tense siya.
'Posible kaya?' Naisip ni Maf na baka na figure out na rin ni Liam sa wakas.
"Oy L-liam? Bakit ka napadaan? Biglaan ata." Pinatuloy niya ito at pinaupo.
"May gusto lang sana akong itanong sayo eh, can we talk?" Seryosong tanong ni Liam dito na tila sobrang urgent at importante ang pag uusapan nila.
"Ah, sure. Ano pala ang pag-uusapan natin? Don't tell me nag away kayo ni bessy." Mukhang problemado kasi si Liam at halatang na puyat siya.
"About that oo, pero hindi pa yan ang gusto kong sabihin." Tumango naman si Maf, at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Liam.
"Kilala mo naman siguro ako... 'Yung dating ako." Hindi nakapag salita si Maf sa sinabi ni Liam. Alam na kasi ni Liam ang lahat na si Leah at silang tatlo ang mga kasama niya noon.
"Ang childhood friend niyo?" Hindi alam ni Maf ang isasagot niya dahil nagtataka rin siya na bakit ngayon lang ito nag tatanong sa kanya. Dapat nung una pa lang alam na niya, pero hindi ko siya masisisi ilang taon na rin ang nakalipas.
"W-wag na nga tayong maglokohan dito Liam, ano yang s-sinasabi mo?" Nag wi-wish siya na sana hindi na dumalaw sa kanya si Liam.
"Just please tell me now Mafelle, I don't know what to do!" Yumuko lang ito at ipinatong ang dalawang kamay sa batok niya na parang gulong gulo sa nangyayari.
"What is really going on Liam? I mean nag-away lang kayo ni Le——" Napatigil si Maf sa nakikita niya ngayon.
"I'm begging you, please..." Lumuhod kasi si Liam sa harap niya at naaawa siya dito dahil ngayon na lang niya itong nakitang umiyak.

BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Подростковая литератураMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...