(23) Officially Yours

145 4 0
                                        





Papunta na si Yhanie sa school para manood ng laban pero tinatamad ito dahil nga wala siyang susuportahan doon dahil hindi na kasali si Leah na pambato nila.





Pero pag dating nilang dalawa ni Shin ay hindi na nila naabutan ang laban ng volleyball instead naabutan na nilang nag sisimula na ang basketball game.



Nakita naman agad ni Yhanie ang kaibigan niyang nakaupo malapit sa pwesto ng team nila Liam. Pinapanood lang nito maglaro si Liam, napatingin ito sa score at leading pa naman ang year nila.




"Yaaa~. Di ba kasali ka diyan??!" Tinitigan ng masama ni Yhanie si Shin at hinampas nito ang braso niya pero parang walang epekto ito sa kanya.





"Nagpaalam naman ako kay coach na male-late ako, sweety eh." Nag peace sign pa ito at ngumiti kay Yhanie. Napailing na lang si Yhanie dito.





"Kahit na. Hala pumunta ka na dun, gusto kitang panoorin." Nabigla naman si Yhanie sa nasabi niya dito pero nabawi niya rin ang reaksyon niya ng magsalita si Shin.





"Yes sweety ko! I love you." At ninakawan ni Shin ng halik ito at mabilis na tumakbo sa pwesto ng team nila at umapir pa sa Coach nila.





Palakad na sana si Yhanie sa pwesto ni Leah ng mapansin niyang kakarating lang din nila Ken. Mabilis ding nagpaalam si Ken kay Yna at tumakbo na rin sa tabi ni Shin at sabay ng pumasok sa locker room ng gym.





Tinabihan ni Yhanie si Leah na mukhang malalim ang iniisip nito. Nilakasan nito ang pag upo niya at kunyaring natabig niya si Leah.




"Bessy na ano ka na dyan. Haha!" Nagulat si Leah dito dahil nanlaki ang mga mata nito.



" Be-b-bessy! Kanina ka ba nandiyan?" Tumango lang si Yhanie dito.




"Ano bang iniisip mo kasi?" Lumapit na rin si Yna sa kanila at kumaway lang bago umupo.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon