Dedicated ito kay Yada_Yada. Kasi sa kanya ako kumukuha ng links ng TBYD :D and gusto niya ding magbasa ng any story, wala na daw stock eh, so Ate enjoy na lang po ah.
——————————————————————————-
Si Liam Hae ang masungit na classmate at best buddy ni Zayne. He is half American, tumira siya sa California for about 11 years. May katangkaran din ito, at puti ang kulay ng buhok niya. Sobrang konti lang ang nasasabi niyang tagalog dahil doon, hindi rin siya sanay sa pagsasabi nun. Ang totoo ay dito talaga siya nag aral sa Pilipinas dahil nagbabakasakali siyang mahanap niya ang taong mahal niya na inilayo lang sakanya noon.
Pero hindi pa man niya nahahanap ang taong 'yun ay may nakita namang siyang ibang babae na may kahawig ng taong minahal niya noon. Siya si Diane Adleahna Altea or Leah for short, it's like Liam have fallen in love with her. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganun na lang ang nararamdam niya kay Leah dahil hindi pa nga niya ito nakakasama ng matagal.
Nagkaroon man ng maraming babae si Liam ay hindi parin nawawala ang pagmamahal niya sa isang babae lang. Na sana masaya na sila hanggang ngayon pero kung hindi lang dahil sa nagawa niya noon hindi sana sila magkahiwalay ngayon.
Palaging sinisisi ni Liam ang sarili niya sa nangyari noon. Ang pangako ni Liam noon ay hahanapin at pro-protektahan niya ito pero until now hindi pa niya 'yon nagagawa.
Nang makita niya si Liam sa hallway kung saan sila nagkabanggaan ay parang may kung ano siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag kaya hinayaan na lang niya 'yon.
Pinipilit ni Liam na maging masungit dito dahil wala na siyang balak na umasa pa sa kung anong iniisip niya. Hindi rin naman siya sigurado noon.
Natutuwa si Liam sa halos oras oras nilang pag uusap ni Leah, pero hindi parin siya kilala nito.
Siya ang nakakita ng phone ni Leah at siya rin lang ang nagbura ng lahat ng laman noon. Ayaw niyang magpakilala agad kay Leah dahil hindi nito alam kung ano ang gagawin nito sa kanya pag nagkataon.
Naisipan niyang makipag kita na noong isang araw pero tinakbuhan lang siya nito na parang gulong gulo sa kanya si Leah.
Nang narinig ni Liam ang bell ay hindi pa rin siya naglalakad papuntang room nito. Nadala na lang siya ng sariling paa sa library, hindi niya alam pero wala siyang ganang makinig at pumasok.
BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Teen FictionMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...