Maagang nagising si Leah dahil para sa kanya ay maganda ang araw niya. Hindi niya rin alam pero nagkaayos na rin sila ni Mike.
Ng matapos mag unat ito ay biglang tumunog ang phone niya. Tinignan naman niya 'yon agad dahil nagtataka ito ang aga ng tumatawag sa kanya.
"Ang aga naman nito." Ng makuha ang phone ay text lang pala 'yon. Pero naibalik niya ang tingin ng makita ang nag text.
From: Payatot >:D
"Takaw, meet me here at the park. Take care :)"
Hindi alam ni Leah pero kinakabahan siya bigla kasing nagwawala ang dibdib niya. Pero nag isip na lang si Leah na good news 'yon. Syempre bati na sila eh, at masaya si Leah ng magkaayos sila.
To: Payatot >:D
"Okay payatot :) I will be right there in just 10 minutes. (^ o ^)v"
At pagpindot niya ng send ay nagmadali na lang siyang mag ayos. Hindi niya alam kung bakit 10 minutes lang ang sinabi niya kay Mike.
Ng makapasok sa banyo si Leah ay napaisip ito habang nag sha-shower ito. Nagtataka rin siya sa sarili bakit biglang masayahin siya pagdating kay Mike dahil ang alam niya ay mahal niya si Liam pero bakit bumabaliktad na.
Nakarating agad si Leah sa park na napag usapan nila ni Mike. Natagpuan niya agad si Mike doon nakaupo lang ito sa may bench na nasa tabi ng malaking puno.
"Payatot. Bakit pala? Ang aga aga namang tambay natin dito. Yiiii, namiss mo ko no? Pwede mo naman akong itext muna hindi ;yung pinagmamadali mo ko pu-"
Hindi natapos si Leah sa sasabihin niya ng hilain siya at yakapin ng sobrang higpit ni Mike. Naisip ni Leah na baka nga bad news ang mababalitaan niya ngayon kaya pinilit niyang 'wag isipin 'yon.
"U-uy. Pa-payatot? B-bakit ka ba ganyan?" Kinakabahan si Leah sa pwedeng isagot ni Mike sa kanya. Pinipilit ni Leah na kumawala sa yakap ni Mike pero mas lalo niyang hinihigpitan kapag ginagawa niya 'yon.

BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Подростковая литератураMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...