Dedicated to: Hislilshorty - siya si Tuko my long lost sister :D Anyway read her stories sinegway ko dito mga characters niya sa isang story niya. Basahin niyo din po. :) <3 xoxo
——————————————————————-
Biglang napasigaw si Maf, naisip na naman niya 'yung ginawa ni Liam kahapon sa gym eh. Naiinggit siya kahit na naramdaman na niya ang kantahan ng taong mahal at may gusto sa kanya.
'Ewan ko na lang kung di pa siya mapatawad ni bessy.' Nakangisi siya habang nag de-daydream.
"Ay! Palakang may anim na monay!" Nasapo niya ang dibdib niya dahil sa sobrang gulat. Nag ring kasi bigla ang phone niya kaya dali dali niyang sinagot 'yon kahit hindi niya tinignan kung sino.
"Yoboseyo?"
"Hon, I will be there at exactly 10 am. Dress properly and I love you." Magsasalita pa sana si Maf pero hindi na siya naka sagot pa. Binaba na kasi ni Zayne ang tawag nito.
Ginulo gulo lang ni Maf ang buhok niya at nagsisigaw sigaw na parang nababaliw na. Hindi niya kasi alam kung para saan at mag aayos pa siya.
Napatingin siya bigla sa orasan at mas lalo pa siyang nabaliw ng nakitang 30 minutes na lang at dadating na si Zayne sa kanila.
"Seriously?!!" Nagmadali na siyang maligo at mag ayos ng sarili, hindi niya alam kung anong dapat suotin kaya mas lalo siyang nagkanda ugaga sa pag iisip ng bagay sa kung ano man ang pupuntahan nila.
Naisip naman ni Maf na baka mag de-date lang din sila kaya simpleng stripes na sleeveless at pinatungan niya 'yon ng brown vest, kumuha rin siya ng washed maong pants at isinuot niya ang nakitang blue covered heels na katamtaman lang ang tangkad.
Saktong matapos siyang mag ayos ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto niya.
"Ma'am, Sir Hernandez is waiting outside"
"Okay po, I'll go outside na." Sigaw ni Maf sa kausap na si Tatay James pero hindi niya 'yon Daddy kasambahay lang din nila 'yon.
BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Teen FictionMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...