(4) My Day

369 27 2
                                    

 

 



Maagang tumawag ulit kay Leah ang lalaki at nakipag kwentuhan naman si Leah dito. Hindi na rin nagawang magalit ni Leah dito, hindi niya rin alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Mabait naman kasi ito sa kanya at oras oras ay tumatawag siya kay Leah.






Saktong kakatapos lang ni Leah maligo ng nasagot niya ang tawag.





"Tell me kung sino ka ba talaga?" Ilang araw ding pinipilit ni Leah na paaminin ito pero hindi siya nag wawagi. Puro secret lang kasi ang sinasagot nito sa kanya. Kaya sa sobrang inis naman ni Leah dito, tinapat niya ang blower sa mouth piece ng phone nito. Narinig naman ni Leah na sumisigaw ang lalaki sa kabilang linya na ikinatuwa niya.





"So noisy!!" Narinig ni Leah na sinisigaw niya 'yun. Habang tawa ng tawa si Leah dahil naiisip nito kung ano ang itsura niya habang naiirita sa ingay ng blower nito. Kaya pinatay na ni Leah ang blower niya at kinausap na ulit siya.




"What are you doing?" Tanong ng lalaki ng mawala na sa pandinig nito ang ingay ng blower ni Leah. Hindi niya kasi alam kung saan galing ang narinig nitong ingay.

 




~~~~



Kausap na naman ni Leah ang lalaki, at hindi niya napansin ang oras dahil doon.




"Ma'am it's already late, hindi pa po ba kayo matutulog?" Tanong ng katulong nila at kumatok sa pinto ni Leah.





"What's wrong?" Sabay tanong ng lalaki sa kabilang linya. Narinig kasi nito ang sinabi ng katulong nila Leah. Kaya sinabihan na rin nito na matulog na sila at bukas na lang ulit mag usap.





"No way, hindi mo pa nga sinasabi kung sino ka. Unfair!"




"You want to meet me up?" Napatigil si Leah at nag isip kung gusto niya nga ba. Handa na ba siyang makita ang lalaking lagi niyang kausap. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

The Last Promise (On Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon