Hindi parin makalimutan ni Mafelle ang pag yaya sa kanya ni Zayne pagkatapos niya itong haranahin sa harap ng maraming school mates nila.
Pumunta sila agad sa restaurant na malapit sa school nila, pag pasok niya doon ay gusto na niyang maiyak at nang tumalikod siya at tignan ang nobyo, nginitian lang siya nito.
Kasama ng nobyo niya ang mga staffs sa restaurant na 'yon. Inaamin ni Maf na kinikilig siya sa nakikita niya. Sobrang pinaghandaan din ni Zayne 'yon, at pinaghirapan talaga para lang sa nobya niya.
"Hon naman eh, super thank you Hon." Mangiyak ngiyak si Maf dahil sa sobrang saya niya. Hindi siya makapaniwala na may ganoong side pala si Zayne.
Hindi na naiwasan ni Maf na yakapin ng mahigpit ang nobyo niya, hindi niya maisip na pwedeng maging ganon ka sweet si Zayne sa kanya.
"You're always welcome Hon, c'mon let's eat. Don't you dare cry Hon." Tinitigan lang ni Zayne ang nobya nito. Natutuwa din siya at napapasaya niya si Mafelle. Hinawakan ng mahigpit ni Zayne ang kamay nito at hinila na siya papunta sa table nila.
After ng date nilang dalawa ay hinatid naman siya agad ni Zayne sa bahay nila. Pinilit ni Mafelle na yayain muna ang nobyo na pumasok sa loob pero hindi na ito pumayag kaya hinayaan na rin ito ni Mafelle dahil baka pagod lang din siya.
"No need Hon, I will go ahead. Sleep tight, wag magpupuyat." Medyo nalungkot si Mafelle dahil aalis agad ang nobyo niya pero naiintindihan naman niya ito.
Bago pa siya makapag paalam ay inunahan agad ng halik ni Zayne ito. At dahil don ay natulala at nakaramdam ng kilig si Mafelle, 'yon kasi ang first kiss niya.
"Hon?" Inisip ni Mafelle na baka nahalata nito ang pagbabago ng mukha niya dahil sa nalulungkot ito. Inasar naman siya ni Zayne sa ginawang pag halik nito sa kanya at nagpaalam na rin.
~~~
BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Novela JuvenilMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...