Isang linggo na matapos maging sila ni Liam ay sobrang saya pa rin ni Leah at hindi ito nagsisisi na sinagot niya si Liam. Hindi kasi ito pumapalyang pakiligin lagi si Leah kahit araw araw pa yan at oras oras.
"Baboy!!"
"Makababoy ka naman! Bakit ho?" Ngumuso naman si Leah dito. Sanay na rin si Liam dito dahil ganoon ang paraan nilang dalawa sa paglalambingan sa isa't isa.
"Wala lang, tara dun sa tambayan." Ngumiti lang si Liam at kinuha ang kamay ni Leah.
"Nandun din sila?!" Excited na tanong ni Leah dito. Parang hindi sila nagkikita araw araw ng buong barkada.
"Opo madam!" Nagpunta na silang dalawa sa tambayan ng buong barkada. Masarap kasi ang simoy ng hangin doon at kahit mainit may silong dahil sa malaking puno na nakatayo roon.
"Best Leah!" Sabay sabay na sigaw ng girls dito.
"Baliw kayo." Natatawang sabi ni Leah dito ng makalapit sila ni Liam.
Natutuwa naman si Maf ng makitang masaya si Leah ngayon, doble ito kumpara noong wala pa sila ni Liam.
Napailing na lang si Maf ng maisip na naman ang dating Leah noong nasa Korea pa sila. Sobrang masayahin kasi 'yon parang ngayon dahil din kasi kay Liam. Energetic ito at sobrang hyper pa.
"Hon, kiss mo ko ulit, dali na. Yung matunog ha!" Tinuro naman ni Zayne ang labi nito at pumikit pa.
"Eto matunog oh!" Sabay inangat ni Maf ang kamao nito at dinikit sa labi ni Zayne pagsabay noon ay dumilat ito.
"Hon naman eh." Ngumuso si Zayne na parang batang naagawan ng candy. Kaya lahat ay tumawa sa kanilang dalawa.
"Oy, may class pa tayo! Tara na sa classroom." Natahimik ang lahat sa pagtawa ng magsalit si Yna.
BINABASA MO ANG
The Last Promise (On Going - Slow Update)
Roman pour AdolescentsMagbabarkadang nagkaka-inlove-an, bawat isa may sarili sariling problema. Mga pangakong gustong tuparin pero hindi nagawa. Mga pagsubok na gustong lagpasan pero mas piniling iwasan. Ikaw, PAANO KA MAGMAHAL? Kung hindi mo rin alam, pwede kang magbasa...