(22) School's Program

166 8 4
                                        




Pagkatapos nilang manood ng Smurfs ay bumalik din sila agad ng school dahil mag start na rin ang program nila.




Naiingit si Leah dahil hindi siya makakalaro ng volleyball, pero masaya dahil nandyan ang mga kaibigan niya na inaalagaan siya.





Nagulat si Leah ng makitang busyng busy ang dalawa -sila Maf at Zayne. Ngayon lang kasi nalaman ni Leah na sila ang organizer ng program ngayon ang kala ni Leah ay puro sila date pero mali pala ito.






Nanood lang sila ng unang game ng volleyball, hindi na sila lumapit sa mga kaibigan nila dahil masyadong maraming tao kung sisiksik pa sila.





Freshmen vs. Juniors na, section na nila Leah ang lalaban kaya lumapit na sila sa mga ka section at year nila at doon sila umupo ni Liam.





"Baboy, new student?" Tinuro ni Leah ang babaeng nakatayo sa harapan ng net. Matangkad ito, sexy at maganda rin. Napatitig siya dito dahil parang may kamukha ito.




"Oo ata eh. Nood ka na lang, malay mo magaling din yan." Napailing na lang si Leah at nanood na nga siya. Sinandal lang ni Leah ang ulo nito sa balikat ni Liam at inakbayan niya ito para alalayan ang ulo ni Leah.





Nanalo ang unang round ng game at panalo sila, aaminin ni Leah na magaling din ang bagong pasok sa team nila.




"Sayang hindi ako pwede." Ngumuso ito habang nanonood. Hindi din alam ni Leah pero gusto niya sanang maglaro na akala niya nung una ay maboboring ka lang, mas nakakabagot pala ang manood.




"Hayaan mo, para sakin ikaw lang pinaka magaling." Hindi maiwasan ni Leah ang mamula at kiligin sa sinabi ni Liam. Hindi maiwasan ni Liam ang ngumiti pero pinipigilan nito ang tawa dahil namumula ang katabi niya.





Kinurot ni Leah ang pisngi ni Liam dahil ayaw parin nitong tumigil sa kaka pigil ng tawa nito. Nang tumahik sila at naalala naman ni Leah si Mike, wala na kasi itong balita sa kanya ng umalis siya ng bansa.




Kitang kita naman silang dalawa nila Maf at Zayne na kanina pa sila pinapanood sa sweet sweet-an ng dalawa.




"Hon, sabihin mo nga  dyan sa torpe mong best friend na baka maunahan siya ng iba diyan. Haha." Tinapik ni Maf si Zayne na busy sa pag aayos ng sound system.





"Hayaan natin sila, diskarte niya 'yun hon. Mahirap kaya mangliagaw, mukha lang madali." Lumapit na rin naman si Zayne kay Maf at inakbayan ito. At lumakad na sila papunta sa pwesto nila Liam.




"Bessy, nasaan na sila?" Kinalabit ni Maf si Leah na mukhang nag de-day dream na naman.




"Hindi pa nagte-text eh." Sumagot si Leah ng hindi tumitingin kay Maf. Nang tignan ni Maf ang tinititigan ni Leah ay nagulat din ito dahil may bago na naman silang classmate.



Umupo na lang ang dalawa sa tabi nila Liam at nakinood na lang din ng laban.



——————————————————————————————————————————-


VOTE COMMENT FAN

The Last Promise (On Going - Slow Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon