P-4 (The agreement - continuation)

15.3K 171 2
                                    

"Kung ganun, pinakidnap ako ni Eduard Go!" nanginginig na sabi ko. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Na hayop talaga si Eduard, wala siyang sinasanto. Lahat gagawin niya.

"Walang kinalaman dito si Eduard" bawi nito at dahan-dahang lumapit sa akin. Lumayo ako sa kanya, huwag na huwag niya akong hawakan at magkalintikan kami. Kunting lapit niya pa...

Pero paano ko siya paniniwalaan kung siya ang kanang kamay ng kalaban ni Daddy?

"Anong kailangan mo sa'kin?" umisod ako sa kabila. Parang gusto kong basagin at tumalon sa glass window sa harapan ko. Nanganganib ang buhay ko sa lalaking ito. Lalo akong kinabahan at nanlamig. Marami nang nangyari sa buhay ko pero bakit ito hindi ko napaghandaan at hindi ko talaga alam na mangyayari sa totoong buhay. Oo, maraming kalaban si Daddy pero sa tagal na hindi pa rin naman kami kinidnap o anuman. Yung nangyari kay Mommy 'yun lang ang pangyayaring nagpatakot sa amin.

Ni walang nakakalapit sa amin dahil siguro bantay sarado kami kahit hindi namin alam. Ngayon lang nakatiyempo dahil tumakas ako sa bahay. Tumakas ako dahil hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Papa.

Naalerto ulit ang isip ko para kung sakaling aatake siya sa akin ay handa ako.

Tumayo ito at may kinuha sa drawer. Nilibot ko ang paningin sa paligid, nagbabakasaling makakita ako ng pwedeng madaanan. Pero wala, sarado lahat ng kwarto maliban sa pintuan. Wala ngang bintana na nag-uugnay sa labas, tanging ang glass window na kita ang sa labas ng stadium ang tanging nandoon.

"Ipinadala ka rin ba ni Eliza para patayin ako?" nagdududa kong tanong. Shit! Ang gagang Eliza na 'yun, siya ba ang may pakana nito? Hindi talaga ako titigilan ng babaeng iyon. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya nakikitang nahihirapan ako. Ano bang gusto niyang mangyari? Makita niyang mamatay kami ng kapatid ko? Oo, yun ang gusto niya sigurong mangyari. Sa itim ng budhi niya kahit patayin niya kami hindi makukunsensiya iyon.

Tumingin siya bigla sa'kin "Alam mong hindi ako kakampi ng babaeng iyon".

Napasimangot ako. Ahuh! Talaga lang ha. Hindi ko siya papaniwalaan. Alam kong pareho rin niya ng ugali ang Eliza na 'yun. Hindi ako kailanman naniniwala kung kani-kanino lang. Ngayon pa? Ngayon pa na pinakidnap niya ako? So paano ko siya paniniwalaan kung ganito ang ginawa niya sa akin.

"So, anong kailangan mo sa'kin?" napasimangot ako at napahalukipkip. Baka niloloko lang ako ng kalbong ito. Humanda siya! Hindi ako matatakot sa isang katulad niya lang. Lalaban ako ng patas, lalabanan ko sila.

"Don't be so rush, Isabelle" saka lumapit . "Yan permahan mu 'yan" saka binigay sa'kin ang papel na hawak nito. Tiningnan ko muna iyon.

"Ano ito?" pero hindi ko hinawakan o tiningnan iyon.

"Basahin mo muna" saka naupo na ito paharap sa glass window at masayang nanuod ng laban sa labas.

Tiningnan ko naman ang nakasulat sa papel at binasa iyon.

KASUNDUAN.

Isang kasunduan ito. Pero para saan?

Tinapos ko munang basahin. At napasinghap ako.

"Hindi ko pipirmahan 'yan", binalik ko sa kanya ang papel na hawak ko. Nainis akong tumingin sa kanya. Anong akala niya, mauuto niya ako sa lintik na kasunduan na 'yan? Kung pahihirapan niya ako 'wag 'yan. Pucha!

Nasorpresa siya at napatingin sa akin. Na parang hindi makapaniwala na hindi ko gagawin ang nakasulat sa pesteng papel na 'yan. Nakatingin siya sa akin ng dalawa.. tatlo.. apat na minuto.

"I didn't expect this" sabi nito, tumayo ito at papalapit sa akin.

"Hindi ko gagawin ang mga nakasulat d'yan" saka mabilis na akong lumakad sa pintuan. Akala ng kalbong ito.

"Hahayaan mo bang maagaw ng Eliza na 'yun ang kumpanyang pinangangalagaan ng Ama mo?"

Mabilis ang paglingon ko sa kanya. Katulad din ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit pag ang Elizang iyon ang pinag-uusapan nagiging high blood ako? Tsk! sisiguraduhin kong sa pagkikita nating ulit Eliza, ingungodngod ko sa lupa ang mukha mo.

"Pero kung sa kanya ibibigay ng Daddy ang kumpanya wala na kong magagawa dun". Napaisip ulit ako.

"Pero mawawalan kayo ng tirahan at kayamanan. Magiging mahirap na kayo at hindi mo gustong mangyari iyon, diba Isabelle?" napangisi siya, ngising alam niyang kahit kailan hindi siya matatalo sa usapan na ito.

"At ang kapalit naman niyon ay ang paglaban ko d'yan sa walang kwentang bagay na yan?" at tumingin ako sa baba. At kung iisipin ko ay parang lumiliit ang bituka ko sa mga nakikitang naglalaban ng patayan? Hindi ko alam pero nakikita ko ang dugo sa mga katawan nila.

"Isipin mo na lang na tulong mo yan sa kapatid mo, alam kong gusto mong mapunta sa kapatid mo ang kumpanya. Paano na 'yun kung maagaw sa inyo ng Eliza na 'yun?" napangisi ulit siya. Putang-ina ng kalbo na 'to ah, ginagalit niya talaga ako.

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hinding-hindi maaari iyun. Hinding-hindi ko papayagang mapasakanya ang kumpanyang hinahangad namin noon pa. That b*tch! That biiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii*****ch!

Kasabay ng paglakad ko pabalik ay agad kong kinuha ang ballpen sa ibabaw ng mesa at nagpirma na ako. Tumaas-baba pa ang dibdib ko dahil sa galit. Nakita kong mas malapad pa ngayon ang pag ngisi ng kalbo na iyun. Nag-iwas ako ng tingin at napatingin sa ibaba. Iba naman ngayun ang magkalaban sa gitna. Napuno ng galit at hinanakit sa puso ko ng maalala ko ang Ama ko. Ang Ama ko na simula ng mamatay si Mommy ay nag-iba na.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon