“Jere…my?” mahina kong sabi parang namamaos na ang boses ko. Parang nanghina ako ng tuluyan ng makita siya.
“Yuri…” nagtataka niyang bulalas pero agad itong ngumiti siya ng mapakla. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa ngiting iyon. Shit! bakit ganito ang nararamdaman ko sa gitna ng mga pangyayaring ito? Nababaliw na ba ako or what? Nakakunot na ang noo niya habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko maikakailang namiss ko rin ang mukhang hindi nagpatahimik sa akin sa mga nakaraang araw. Tumingin ako sa nakabukang labi niya, ang labi niyang dumantay sa mga labi ko. Omg! ano ba 'tong naiisip ko? Hindiiii! Nasisiraan na talaga ako ng bait! Napaisip ako, bakit siya nandito?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin na nagtataka. Ganun pa rin kahit may kunting pasa sa mukha (na gusto kong haplusin) ay gwapo pa rin siya. Nagkalintikan na!
“Nakakapagsalita ka ng tagalog?” napapikit ako, syeteeee.. nadulas na ako. Akala niya pala Japanese ako. Hindi ko na kayang mag-isip pa ng idadahilan sa kanya, pagod ako ang utak ko.
“Oo, Pinoy ako” walang gatol na sabi ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Napakunot pa lalo ang noo niya. Parang hindi makapaniwala sa narinig. Parang may kung ano itong iniisip.
“Sino ka ba…”
“Bakit ka nandito?” sansala ko sa sasabihin niya.
“Hinanap kita… nakita kasi kitang papunta dito kaya sinundan kita”.
"Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Bakit ka nandito sa Pilipinas?” tumaas-bumaba ang dibdib ko. Ayokong pati siya madamay sa gulong ito. Hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman niya ang katotohanan. Hindi pa ako ready na sabihin sa kanya, marami pa akong kailangang tapusin sa ngayon. Naguguluhan pa ako pati ang puso ko. Baka wala ng matirang kunting katinuan sa isip ko at mabaliw na ako sa mga nangyayari. Get a grip, Isabelle! Biglang sansala ng isang bahagi ng utak ko. Kailangan kong maging malakas para sa lahat. Tatapusin ko ito at kailangang manalo ako. Kumuyom ang kamao ko.
Bigla siyang natahimik at nakita kong napakuyom din ang kamao nia.
“Hinahanap ko si Isabelle..” mahinang paanas niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Bigla ang pagkaba at the same time ang pag galak ng puso ko. Ako? hinahanap niya? At naalala pa pala niya ako? Pero hindi niya pala alam na ako si Isabelle. Tumikhim muna ako. Gaga! huwag kang magdiwang hindi pa ito oras para sa ganyang bagay.
“So, nakita mo na siya?” seryusong tanong ko. Seriously? Nakapag-usap pa kami ng ganitong bagay sa gitna ng panganib? Ah! ewan, 'di ako makapag-isip ng matino.
Narinig kong naging malungkot ang boses niya kasabay ng pag-iling niya pero nakita kong tumiim ang anyo niya. “Wala na daw siya..” mahinang tumawa na may kasamang lungkot. “Hindi manlang ako nakahingi ng tawad sa mga nagawa ko noon sa kanya.” tumingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Hindi ko manlang nasabi kung ano ang nararamdaman ko sa kanya noon at huli na nga, wala na siya”. Tumingin siya sa ibang direksiyon. Bigla ang pag ramdam ko ng sakit sa dibdib, nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya.
Ngumiti ako, “Siguro kung nasaan man si Isabelle ngayon, napatawad ka na niya”.
Kumunot ang noo niya “Paano mo nasabing napatawad na niya ako?” nakita kong naging matigas ang anyo niya. “Hindi mo alam ang pinagdaanan niya. Wala kang alam!”. Tumaas ang tono ng boses niya. Ayan na naman ang supladong mukha niya.
“Oo, wala nga akong alam” at ngumiti ako ng mapakla.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “Bakit ka pumunta dito at bakit ginawa nila sa’yo to?” nag-aalala niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AcciónHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...