"Yahhhhh!..." sigaw ko.
Napatingin silang lahat sa akin, tinging nagtataka. Pero bago ko pa mabasa ang susunod nilang reaksyon ay sumugod na ako. Wala akong pakialam kung mag-isa lang ako at wala akong pakialam kung masaktan man ako. Naiinis ako dun sa mga kasama barkada ni Jeremy, naturingan pang barkada eh ayaw naman siyang tulungan. At ito na siguro ang araw na masasabi kong poprotektahan ko siya.
'Tsk' napailing ako. Kailangan ko nga bang gawin ito? Hanggang ngayon pikit mata pa rin akong sumusunod sa gusto ni Diaz para lang sa kapatid ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa misyong ito.
Hindi man kami masyadong close ngayon ni Jeremy pero kailangan ko 'tong gawin. Kahit inis ako sa kanya vice versa, kailangan ko pa rin itong gawin. Udyok ba ito o sarili ko na ang nag-uutos? Ah! Ewan, bahala na. Wala na akong pakialam kung nagrarambulan na rin ang interior, posterior vena cava, aorta, heart, ribs sige sabayan na ng circulatory system ko. Hyper rin kasi eh.
Napatingin ako sa gawi ni Jeremy. Biglang sumakit ang bahagi ng puso ko. Ah, Letse!
Pero bago pa ako makalapit sa mga taong iyon ay naramdaman kong may dumaan sa tabi ko at nakita ko na lamang ang mga kaibigan ni Jeremy na nakikipag-away na. Napatigil ako sa pagsugod dahil sa natulala ako naramdaman ko na lamang na may tumihaya sa harapan ko at nakita ko si Cio na sinuntok ang lalaking iyon. Napaismid ako.
Naalerto naman ako at nakisuong na rin sa pakikipaglaban nila.
Sinipa ko sa mukha ang isang lalaki at binigyan ng isang suntok ang isang lumapit pa. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas sa tuwing napapasabak ako sa ganitong pangyayari pero isa lang ang masasabi ko; nasa dugo ko na siguro ang pagiging isang werreieur (tawag sa isang warrior sa French). Para kasing automatic na sa akin ang bawat galaw ko. Sabay sa indayog ng bawat nakakalaban ko.
Hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyari at natamaan ako sa tagiliran. Natumba ako pero agad namang nakatayo pero nakita ko na lang na wala na itong malay at ang nakatayong si Jeremy ay nakatingin dito.
"Shit!" mura ko.
At nakita ko nalang na nakatihaya na si Jeremy sa sahig dahil sa sipa ng isang lalaki. Agad kong sinunggaban ang braso ng lalaki at binigyan ng isang twisted joint crash. Namilipit ito sa sakit at binigay ko ang lahat ng lakas ko para bigyan siya ng pamatay kong roundhouse kick.
Napatumba namin ang mga kalaban ng walang kahira-hirap. S'yempre nahirapan din kami pero kunti lang.
Pinuntahan namin si Jeremy habang nakaupo at nakasandal sa pader. Bigla itong tumingin sa akin, hindi ko mabasa ang iniisip nito.
"Are you okay?" narinig kong tanong ni Gico kay Jeremy.
Hindi ko alam pero bigla akong na tense nung tingnan niya ako. Parang biglang lumamig ang paligid. Umiwas ako ng tingin at napadako ang tingin ko sa labas. Nakita ko si Cio na umangkas na ng kanyang motor bike at umalis na. Binalik ko ang tingin sa kanila at nakita kong pinagtutulungan nilang itayo si Jeremy at inakay patungo sa kotse niya. Paika-ikang naglakad si Jeremy, una ayaw sana nitong pahawak kaso sa huli siguro masakit ang sugat niya. Tigas talaga ng ulo ng mokong na 'to. Siya na nga tinutulungan siya pa ang magagalit. Sarap sakalin eh!
"Ako na ang maghahatid sa inyo Yuri" nakita kong binuksan ni Gico ang sasakyan ni Jeremy at iniupo ito sa harapang bahagi. "Pat, ikaw na magmaneho ng sasakyan ko" dagdag pa niya at inihagis sa naka blue na buhok ang susi niya.
Lumigid na ako sa likurang bahagi at binuksan. Tahimik lang ang buong biyahe namin, isang napakatahimik na biyahe talaga.
Inihatid kami ni Gico hanggang sa unit namin at nagpaalam na.
"Take care of him, Yur" isa iyong utos. Naglakad na ito palabas ng pintuan pero bumalik ulit ito. "Kaya mo?" sa akin ito nakatingin. Nag-aalala ba siya? Bakit? Nakatingin lang ako kay Gico na parang nag-aatubili ang itsura. Napakunot-noo ako.
Tumango ako at ngumiti "Ako nang bahala sa kanya". Siyempre sino pa ba ang mag-aalaga kay Jeremy kundi ako lang. Haisssst! Buhay nga naman. Bigyan ba ako ng sakit ng ulo.
Pero parang hindi pa rin ito kumbinsido. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang nag-aalangan. Hindi naman siguro nangangain si Jeremy 'pag galit diba?
Galit! Napasinghap ako at bigla kong naalala ang eksena sa carpark at bigla ang kaba ko. Aisssh! Bakit 'di ko naisip agad yun?
Ngumiti sa akin si Gico "Sabi mo eh!" saka umalis na ito. Parang hindi na nga magkakandaugaga sa pag-alis. Madapa ka sana. Patay na naman ako nito! Kase naman...
Wala na si Gico pero nakatayo pa rin ako sa gilid ng sofa habang nakaupo naman si Jeremy at parang walang anong nangyari at nanunuod ng tv. Yung mukha ko naka poker face lang. Nag-iisip na strategy para makaalis na sa harapan niya. Napapiksi ako ng maramdaman kong tumingin siya sa akin, automatic lang talaga ang reflexes ko pagdating sa kanya. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at towel, naisip ko rin naman ang sugat sa mukha niya. At may konsensya naman siguro ako. Nanginginig pa ang mga kamay ko at teka bakit naman panginigan ako ng kamay? Mabagal lang ang bawat hakbang ko papunta kay Jeremy at muntik ko pa ngang mabitawan ang dala kong palanggana. At mas masarap sana sa kanya ko bibitawan para basa siya.
Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang dugong natuyo sa mukha niya. Nag-aalangan pa ako kung pupunasan ko ba, parang kinakabahan kasi ako at baka singhalan niya ako. Nakita naman ninyo siguro kung pa'no kami magrambulan nito.
Pero sa gulat ko hindi ito nagreklamo, inilapit pa nga niya ang mukha sa akin. Napalunok ako, Shit! huwag kang manginig Yur! sigaw ng utak ko habang kinocontrol na huwag manginig. Pero hindi ko talaga mapigilan ang panginginig ng kamay ko, pati paghinga ko bumilis na rin. Yung parang lahat ng paro-paro nag-diriwang sa loob. Bakit hindi muna sila manahimik kaya? Aissshhh! nakakainis! Naiinis kaya ako dapat inis rin yung mga paro-paro na yun sarap sunugin eh.
Siguro busy ako sa pagpapatahan ng aking sarili at hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa mukha ko. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok, parang adik lang. Kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Matiim lang siyang nakatingin sa akin. Fudge! Nakakahalina ang pungay ng kanyang mga mata.
"Ahmm.. ku-kunin ko lang 'yung gamot sa kwarto" aishhh.. bakit nagstastammer ako? Tumayo na ako bago pa lumabas ng rib cage ang puso ko. Pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay naramdaman ko na lang na hinila niya ang kamay ko at napadagan ako sa katawan niya. Kapwa kami nakatingin sa isa't-isa.
'Oh no!' sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko at ang kuryenteng tumutustay sa kaliit-liitang parte ng mga nerves ko.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AksiHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...