P-55 (Last Part)

6.4K 96 10
                                    

Daddy? Bakit Daddy ang tawag niya kay Diaz? Naguguluhan na naman ako.

“Mica? Anak? Ikaw ba ‘yan?” ngayon umiiyak na si Diaz. Anak? Anak niya si Mica? Paano...?

“Da…ddyy.. pata..warin mo a..ko” parang kinakapusan na ng hininga si Miss M. “Ga..ya mo gusto ko… rin maka.. ganti. Pero..pero hu..li na ba ang la..hat?”. Anong makaganti? Sino ang gagantihan niya?

Umiling si Diaz, “Hindi pa.. huli ang lahat anak. Nagsisimula pa lang tayo. Bakit?”. Umiiyak ito na parang baliw.

“Dad….” at bigla nalang lumupaypay si Miss M sa bisig ni Diaz.

Si Mica? Siya 'yung nakita ko sa litrato noon sa bahay ni Diaz sa Japan. Yung kasama ko sa picture na 'yun. At naalala ko nga siya yung parati rin naming kasama ni Jeremy at Cio, yung batang laging tahimik sa tabi. Pero bakit sabi niya katulad rin siya ng Daddy niya na gaganti? Wala naman akong ginawa sa kanya ah? At napasinghap ako ng may maalala.

"Lagi nalang sa'yo, lahat nalang sa'yo Isabelle!" iyak ng isang batang babae. "Tandaan mo ang lahat ng saiyo magiging akin din". 

Napasinghap ako sa naalala ko. Kung ganun... siya nga! Anak pala siya ni Diaz? 

“Micaaaaaaaaaaaaaaaaaa, Mica!” sigaw ni Diaz. Napatingin ako sa kanila at nakita ko naman ang takot sa mga mata ni Eduard.

Tumingin ako kay Geneva at sumenyas. Agad akong tumayo at kinuha ang tali ni Geneva. Nakita kami ng mga galamay ni Diaz kaya sumugod sila. Agad namang tumayo si Jeremy at Cio. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang tali pero ayaw ko na munang isipin iyon. Mabilis ang mga kilos ko habang kinukuhanan din ng tali si Carmela.

“Gen, ilabas mo muna si Carmela” tawag ko dito. 

Agad namang inalalayan ni  Geneva ang kapatid ko. Nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko si Eduard. Tumakbo ako palapit sa kanya at sinipa ang baril sa kamay niya. Tumilapon ito at agad akong inundayan ng suntok. Nakailag ako kaya binigyan ko siya ng sipa sa tiyan. Tumilapon sa sahig pero agad nakatayo. Ngumiti ito.

Lumusob ito sa akin at binigyan ako ng sipa, hindi ako nakailag dahil nawalan ako ng balanse ng makita kong tumilapon si Jeremy sa ‘di kalayuan.

“Shit!” mura ko ng mapasubsob sa sahig. Agad akong tumayo at inundayan ng suntok sa mukha si Eduard.

‘Pak!’ sinundan ko isang roundhouse kick. Tumilapon siya at nawalan ng malay. Pero naramdaman ko nalang na parang masakit sa braso ko at narinig ang putok. Nang tingnan ko ang pinanggalingan niyon ay nakita ko Eliza na hawak ang baril na nakatutok sa akin. 

“Isabelle!” sigaw ni Jeremy.

Nakita kong nanginginig ang kamay ni Eliza habang hawak ang baril. Daplis lang naman ang tumama sa akin. Tinakbo ko ang kinatatayuan ni Eliza at sinipa ang baril na hawak niya.

“Ahhh” sigaw nito. Binigyan ko rin siya ng isang sipa sa mukha at tumilapon ito sa gilid. Nawalan ito ng malay.

Agad akong tumingin sa paligid at nakita kong abala sa pakikipaglaban sila Jeremy at Cio. Agad rin akong sumugod para tulungan sila.

Napatumba namin silang lahat. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasaan si Diaz? Agad akong nagpanic.

“Isabelle, okay ka lang?” tanong ni Jeremy.

“Si Diaz!” bulalas ko at agad tumakbo palabas.

 Sumunod rin sila sa akin.

Hinanap ko muna si Geneva at Carmela.

“Carmelaaaaaaa” sigaw ko. Pero walang sumagot. Tumakbo kami papuntang kabila sa may bahay sa gilid pero walang tao.

“Ateeeeeeeeee” nakarinig kami ng sigaw sa likod ng bahay. Dali-dali kaming lumabas at nakita naming si doon si Geneva na nakatali sa puno at sa gilid naman si Carmela na nakatali rin habang nakatayo si Diaz.

Dahan-dahan akong lumapit.

“Hanggang diyan ka lang Isabelle. hahaha. Hindi ko hahayaang mawala ang lahat ng pinagpaguran ko mula pa noon. Simula pa ay ao lamang ang nakakaalam ng sikreto ng pamilyang nakapaligid sa’yo. Mula sa pagkakaibigan ng mga magulang n’yo, si Jeremy, Cio at ikaw. Magmula  kay Lucio na anak ni Alejandro at Lucia na nagluwal ng kambal ngunit ninakaw lamang ni Mercy na ina ni  Jeremy. Oo si Jeremy at Cio ay kakambal. At sa ama ni Jeremy na nagkaroon ng relasyon sa ina mo at nagbunga at ikaw ‘yun. Diba ang saya lang? Ang saya ng pamilya n’yo. Pero hanggang dito nalang ang lihim ng pamilya ninyo. At mabubura rin kayo isa-isa sa mundong ito” at tumawa ng malakas.

Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig, kahit narinig ko na sa kanila ni Jeremy at Cio pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Ang ina kong napakabait, bakit niya gagawin iyon?

“At pati ang kapatid mo ay idadamay ko!”.

Agad akong tumingin kay Diaz. “Huwag na huwag mong idamay ang kapatid ko, Diaz!” sigaw ko. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit. Patayin niya muna ako bago ang kapatid ko.

“Ibigay mo muna sa akin ang chips, Isabelle”.

Napakunot ang noo ko. “Chips? What the hell with that chips? Wala sa akin iyon Diaz, wala kang makukuha sa akin”.

“Hahaha, hanggang ngayon hindi mo pa ba nakikita? Itinanim ko sa likod mo Isabelle!”.

Nagulat ako at agad kong kinapa ang likod ko pero hindi ko makita. Hanggang sa maalala  ko ang parteng ibaba ng balikat ko na makati. Doon ko nakapa ang isang maliit na bagay. Napatingin ako kay Diaz at nakita ko pang napangisi pa siya.

“Hayop ka talaga, Diaz!” sigaw ko dito. Anong gagawin ko? Nakita ko sa likuran ni Diaz si Jeremy, napamulagat ako kasabay niyon ay ang agad na pagsipa ni Jeremy kay Diaz.

Agad ang ginawa kong pagresponde, kinuha ko ang tali sa kamay ni Carmela at si Cio naman kay Geneva. Nagbunuan naman si Jeremy at Cio hanggang sa may narinig kaming putok. Napatingin ako at agad kong nakita si Eduard. Bigla ang pag takbo ni Cio at nasapol sa mukha si Eduard, agad silang nagbunuan rin.

“Geneva!” sigaw ko at hinila si Carmela papuntang labasan.

Nakita kong may paparating na isang lalaki kaya pinalayo ko si Carmela at agad sinunggaban ng suntok ang lalaking iyon. Nasipa niya ako sa tagiliran pero hindi ako natumba. Binigyan ko siya ng isang sipa sa mukha at isa pa sa tagiliran. Agad itong natumba. Sisipain ko pa sana ulit ito pero narinig ko ang sigaw ni Carmela.

“Ateee!!!!” narinig kong sigaw ni Carmela. Kasabay ng pag-alingawngaw ng baril sa paligid ko.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon