P-38 (Fearless)

5.3K 58 0
                                    

"What are you doing here?" lumapit sa kinatatayuan ko si Jeremy. Nanginginig pa ang kamay ko pero kinontrol  ko bago ko pa mabitawan ang hawak kong picture frame. Pawalang-bahala kong nilapag iyon sa pinanggalingan niya.

"Gusto kong mag c.r kaya lang 'di ko alam kung saan eh" tumawa ako pero parang bahaw na tawa na hindi tumagos manlang sa lalamunan ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Nasa sahig lang ang paningin ko. Biglang kusang bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng sakit na dala ng isang alaala.

"Come, I'll show you the way" at pinauna ko na siyang pinalabas sa pintuan at sumunod na ako. Tiningnan ko ang likuran niya. Hindi ko alam ang mararamdaman para sa kanya. Parang may tumusok na maraming kutsilyo sa aking puso. Nanginginig ang tuhod ko, hindi ko mapigilan ang mapakapit sa pader.

"Are you okay?" kunot-noong baling sa akin ni Jeremy ng maramdaman medyo bumagal ang paglalakad ko.

Ngumiti ako sa kanya "Yeah, i'm okay" at nauna ng maglakad sa kanya dahil nakita ko na ang pintuan ng c.r.

Naging napakaboring ng sumunod na sandali dahil sa purong mga matatanda ang nandito sa pagtitipong ito. Si Jeremy naman ay abala sa ilang kakilala niya, pinakilala niya ako sa mga ito pero lumayo rin ako sa kanila. Oo, ako na ang anti-social. Hayssss..

"Gusto mo nang umuwi?" napapiksi ako sa narinig. Nasa likuran ko na pala si Jeremy, nakatayo kasi ako habang nakatingin sa pool. Nag-eemo. Naramdaman ko pa ang hininga niya sa batok ko, nanindig naman ang balahibo ko.

"Ikaw? Baka kasi..."

"Kilala kita Yuri, nabobored kana and let's go" hinila ako nito sa kamay. Dire-diretso ang lakad namin palabas ng bahay.

"Ah.. eh Jeremy paalam muna tayo sa mommy at daddy mo" nag-aalangang sabi ko.

"Huwag na!" at hinila pa rin ako hanggang sa kotse niya.

Binabagtas na namin ang highway pauwi, walang imikan. Ayoko din magsalita hindi ko alam pero biglang bumalik ang isip ko sa nakita ko kanina sa music room at nag-iba ang pakiramdam ko. Bigla ang panginginig ng kamay ko, sinulyapan ko si Jeremy pero busy yata ito sa pagmamaneho. Tiningnan ko ang mukha niya, matiim pero sa huli binawi ko rin. Baka kasi biglang pumatak ang luha sa mga mata ko at 'di ko mapigilan.

Gusto ko siyang yakapin at sabihing 'ako ito Jeremy si Isabelle ang bestfriend mo, kilala mo pa ba ako? Naalala mo pa kaya ako?'

Unti-unting bumalong ang luha sa mga mata ko, kumisap ako ng ilang beses para hindi malaglag iyon. Pero nabigo ako, tumingin ako sa gilid para hindi mahalata. Parang bumara ang laway sa lalamunan ko, hindi ko alam pero parang ang lungkot-lungkot ko. 

Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko ng maalala ang panahong nagising ako at wala sila ni Lulu sa tabi ko. Iniwan nila ako, akala ko pa naman bestfriends ko silang dalawa.

"Are you okay?" biglang narinig kong tanong ng katabi ko sa akin. Hindi ako sumagot.

"Yuri, tinatanong kita are you okay?" tinigil nito ang kotse, napatingin ako sa paligid at puro kadiliman ang nakikita ko, malayo yata kami sa syudad.

Hindi ko napigilan at napasigok ako, ano ba 'to pakshet naman bakit ngayon pa? Hinawakan nito ang braso ko at pinapatingin ako sa kanya. Pero bago iyon ay may narinig kaming putok ng baril. Bigla akong sumigaw. Nanlamig ang buong katawan ko.

"Dapa, Yuri!" sigaw ni Jeremy habang nakasiksik ako sa gilid ng upuan. Pumutok pa at nanginig ako. Nanalamig ang buo kong katawan at hindi ko alam kung anong gagawin.

"Aaahhhhhhhhhhhhh.. ahhhh" at hindi ko na napigilan ang umiyak.  "Huwag pooooooooo".

"Shhhh, 'wag kang maingay Yuri" tumabi sa akin si Jeremy. Biglang huminto ang pagputok ng baril. Grabe ang kaba ko at parang aatakehin yata ako sa puso. Oo, takot ako sa baril, takot ako pagkatapos ng nangyari sa akin noon. Ang baril lang naman ang kinakatakutan ko sa lahat, para kasing bumabalik ang alaala ko nung nakaraan.

"Dito ka lang, huwag kang bababa okay?" narinig kong bulong ni Jeremy.

"Pero Jeremy, umalis nalang tayo"

"No, baka pagbabarilin pa rin tayo pag pinaandar ko 'to" tumingin ito sa likuran. Pero nakita ko nalang na binuksan na nito ang pintuan sa tabi niya, at pagapang na lumabas. Pero narinig ko na naman ang putukan.

"Jeremy!" sigaw ko. Shit! Tumingin ako sa labas at nakita ko nalang na nagsusuntukan na si Jeremy at ang lalaki. Namilog ang mga mata ko ng biglang may bumukas sa pintuan sa tabi ko at hinila ako nito palabas. Nahulog ako sa semento, napasigaw ako sa sakit ng pagbagsak ko.

Packing tape!

Hinila ulit ng lalaki ang braso ko at pinatayo ako, pero mabilis ang naging aksyon ko. Kinuha ko ang sapatos ko at agad pinukpok sa ulo nito.Nabitawan niya ang hawak na baril at nahulog. Napuruhan ito pero agad nakabawi at sinampal ako. Parang lumuwag yata ang turnilyo sa ulo ko at naramdaman ko ang lasa ng dugo sa bibig ko sa lakas ng pagkakasampal nito.

"Aissssshhhh!"  binigyan ko ito ng isang uppercut sa mukha, kasabay ng isang sipa sa likod. Napasubsob ito sa lupa, sinubukan nitong tumayo ngunit binigyan ko ito ng ilang sipa at tadyak sa mukha. Nawalan na ito ng malay. Walang ka thrill thrill...tsssss.

Agad ang ginawa kong pagtingin sa kabila kung saan si Jeremy. Nakita kong nakasubsob ito sa lupa, puno ng dugo ang mukha. Napatingin ako sa kalaban niya at nakita kong nakatutok ang baril nito kay Jeremy. Bigla yatang nanlamig ang buo kong katawan. Noooooooooooooooo!

Nagpanic ako at nahagip ng mata ko ang baril sa lupa. Bigla ang naging galaw ko, nanginginig pero hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko sa pagdampot sa baril na iyon. Tinutok ko sa lalaki at napapikit ako pagkalabit sa gatilyo ng baril. Abot langit ang kaba ko at nabitawan ko agad iyon. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahandusay na ang lalaki sa lupa.

"Yuriiii!" sigaw ni Jeremy at agad akong pinuntahan "Are you okay?"

Pero natulala yata ako, hindi ko naimagine na kinaya kong gawin iyon. Pinatayo ako ni Jeremy "Kailangan nating makaalis dito, baka may mga kasamahan pa sila" at pinapasok sa kotse, pumasok na rin siya at pinaharurot ang sasakyan.

Pero ako... tulala pa rin...





Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon