Lakad lang ako ng lakad, hinang-hina at 'di alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Para akong isang kawawang kuting na naliligaw, walang mapuntahan. Hindi pa nag sisink-in sa akin ang mga nanyayari. O kung naabsorb man ng utak ko, wala na akong maramdaman. Parang yung pain receptor ko eh may nag-abang at ginulpi-gulpi para hindi umabot sa utak ko.
Lalabas na sana ang luhang kanina ko pa pinipigilang ilabas ngunit napadako ang tingin ko sa isang tindahan na nagtitinda ng iba't-ibang produkto. Napako ang paningin ko sa isang diyaryo sa labas na nakadisplay.
Anak ng may-ari ng Sanchez Real Estate engaged na kay Mr Eduard Goh.
Napatda ako sa kinatatayuan ko at napailing hindi ito maaari. Nakita ko ang larawan ng kapatid ko habang katabi niya ang hayop na si Eduard Go. Nanlamig bigla ang buo kong katawan.
"Miss, bibilhin mo ba ang diyaryo?" tanong sa aking ng isang ginang. Tiningnan ko siya at napatunayan kong Pilipino rin siya.
Ngumiti ako at tumayo sabay hablot ng diyaryo. Nagbayad na ako at nagmamadaling umalis pauwi ng bahay.
Pagdating sa bahay agad kong binuksan ang laptop at nag log-in sa Facebook account ko na ilang years ko na ring dineactivate dahil nga sa nangyari sa akin. Nag online ako sa chat at nakita kong online rin ang bestfriend kong si Eline kaya inoff ko na ang chatbox ko sabay message sa kanya.
Isabelle: Bes
Naghintay pa muna ako ng ilang minuto bago siya nagreply.
Eline: Bes???????????????????????????
Alam ko nagulat siya.
Eline: I know you're still alive, I can feel it Bes, nasaan ka?
Isabelle: Give me your number.
Binigay niya naman sa akin at agad kong tinawagan.
"Bes!!!!" 'yun ang unang sumalubong sa akin ang tili ng bestfriend ko.
"What happened?" agad kong tanong hindi tungkol sa tili niya ang tinatanong ko kundi dahil sa kapatid ko.
"Where are you?" instead 'yun ang sinagot niya.
"Far from home" walang ganang sagot ko.
"Then you should come home na. Maraming nangyari na dapat mong malaman at dapat gawin para sa kapatid mo".
Napabuntung-hininga ako "Yeah, you're right I should go home and do something before it's too late" nangingilid na ang luha ko at napakuyom ang palad ko.
Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya "Hindi muna kita tatanungin tungkol sa nangyari sa'yo, ang mas importanteng bagay na mas dapat mong gawin muna sa ngayon is to come back and fix this mess"
Napahikbi ako "Bes, are you okay?" alalang tanong ng nasa kabilang linya. Pero hindi ako sumagot. "I wanted to offer you my shoulder and my super hug but I don't know where you are. Please be strong for your family and for your sister, Sa" 'yun ang tawag niya sa akin Sasa.
Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko "Thanks bes, I should go.
"Okay, Mag-isip ka muna ng mga gagawin mo and let me know, nandito lang ako".
Binaba ko na ang telepono, pabagsak akong napahiga sa kama ko. Napatingin sa kisame habang walang sawang lumalabas ang luha sa aking mga mata. Hindi na ba talaga titigil ang mundo sa pagpapasakit sa akin? Kailan kaya ako tuluyang magiging masaya? At sasaya pa ba ako?
Nasa headlines ang kapatid ko kahit dito sa Japan dahil isa ang Sanchez Real Estate sa pinakamalaki at kilalang company sa Pilipinas.
Umupo ako ulit at nag dial.
"Kon'nichiwa, Migan. Firipin e no katamichi kippu no tame ni watashi o yoyaku ("Hello, Megan? Book me for a one-way ticket to Philippines") sabi ko sa kabilang linya. "Yeah, for tomorrow's date".
Uuwi ako bukas na bukas din, ayoko munang isipin ang problema dito sa Japan, kailangan ngayon ako ng kapatid ko at mas mahalaga siya sa akin.
Napagod ako sa mga nangyari kaya hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naramdaman ko na lang na parang may nakatingin sa akin kaya minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang imahe ni Jeremy. Si Jeremy ba talaga 'yun or naghahallucinate lang ako? Kinusot ko ang mga mata ko at minulat ulit pero ayun pa rin siya nakatayo.
"You're crying!" hindi iyon tanong kundi isang pahayag.
Inilihis ko ang paningin sa kanya. Naramdaman kong umupo ito sa tabi dahil sa pag-uga ng kama.
"I don't want to see you like this, Yuri" nahihirapang sabi niya. Naakita ko ring kumunot ang noo niya at napatiimbagang.
Tumingin ako sa kanya.
Napailing ako, gusto kong magsalita pero parang hirap ang kalooban ko. Ayoko munang bigyan siya ng alalahanin, alam kong marami na rin siyang iniisip at ayokong makadagdag pa doon. Mahalaga si Jeremy sa buhay ko mula pa noong bata kami, hanggang ngayon.. hanggang ngayong nalaman ko kung sino na siya. Pero hindi ko pa alam kung ano ang motibo ni Diaz bakit binigay niya ang misyong ito. Uuwi muna ako at asikasuhin ang dapat asikasuhin.
Mahal ko si Jeremy.. I mean, hindi naman nawala ang pagmamahal mula noong bata pa kami. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko, marami akong iniisip at dapat kong ipasintabi muna ang pansarili kong kaligayahan alang-alang sa pamilya ko.
"Sino ka nga ba Yuri? Bakit bigla ka nalang dumating sa buhay ko at ginulo mo ito? May kung anong damdamin sa kaibuturan ng puso ko na pinukaw mo" nakita kong naguluhan siya at parang may iniisip. "Bakit ganun ang epekto mo sa akin? Bakit hindi pa rin kita natitiis sa kabila ng mga ginagawa mo?".
Hindi ko alam ang tinutumbok ng usapan namin pero siguro ito na ang panahon para masabi ko sa kanya. "Naniniwala ka ba sa sinabi ni Miss M na siya si Isabelle?" nakita kong kumunot ang noo ni Jeremy. "Jeremy..." bakit parang ang hirap sabihin? "Ako...".
Bigla nalang tumunog ang doorbell. Paksyet naman oh! Bakit sa tuwing sinasabi ko na ito? Ito na eh, marami talagang kontrabida. Pero kaya ko nga ba talagang sabihin?
Tumayo kaming dalawa at pumunta sa pintuan sa labas. Binuksan ni Jeremy at tumambad sa amin ang isang lalaki.
"Dezumondo ā, anata wa koko de nani o shite iru? ("Oh Desmond, what are you doing here?)" sabi ni Jeremy.
"Anata no otōsan ga nyūin shite iru, kare wa shinzō hossa ni kurushinde ( "Sir, 'yung Daddy n'yo po nasa ospital inatake siya sa puso".)
Agad kong nakita na tumigas ang anyo ni Jeremy "Okay, pupunta ako doon" at 'yun lang at umalis na ang lalaki.
"Aalis muna ako, mag-usap tayo ulit okay? Dito ka lang 'wag kang aalis" sabi nito na hinawakan pa ang mukha ko. Kung siguro sa ibang pagkakataon nangyari ito ay kikiligin ako, pero not now, not now dahil marami akong iniisip.
"Take care!" 'yun lang at agad akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko, napatigil ako for a few seconds dahil sa gulat nga. Feeling ko nawala lahat ng naramdaman kong pagkalungkot, galit, at kung ano pa na ikinagulo ng isipan ko ngayon dahil sa isang halik lang na galing kay Jeremy. Parang 'yung feeling na hindi ko maeedescribe, at kay gaan ng pakiramdam ko. Bigla nalang akong nangiti at napakapit sa dibidib ko.
"Oh shit!"
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
ActionHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...