Naglalakad ako papuntang simbahan.
Wala na akong maisip na puntahan na lugar kundi yun lang.
Litong-lito ako, nadudurog ang puso ko.
Gulong-gulo ang isip ko.
Bumuntong-hininga ako ng malalim kasabay ng pagpatak ng butil ng luha sa aking mga mata.
Gusto kong lumayo sa lugar na ito pero wala akong mapuntahan.
Lalo lamang nanariwa ang sakit na naramdaman ko ng maalala ang mga nangyari.
Tumakbo na lang ako, malapit na ako sa bukana ng simbahan.
Lumingon ako wala masyadong tao dahil ala-una na ng madaling araw.
Madilim sa parteng iyon.
Tumingin ako sa unahan. Parang may nakikita akong sasakyan na nakapark sa gilid ng kalsada.
Dinedma ko na lang 'yun, malay ko ba at doon lang talaga nakapark 'yun.
Pumasok na ako sa gate ng simbahan. Mayroong imahe ng Mama Mary sa labas kaya doon na lang ako lumuhod.
Napaiyak na naman ako. Pagod na pagod na ako sa kaiisip.
Ahhh.. kailan ba titigil ang luha ko sa pagpatak?
Siguro kahit luluha pa ako ng dugo 'di na mababago ang sitwasyon.
Gusto kong mawala na sa mundo pero alam kong masama iyon; kaya napausal na lang ako ng panalangin at humingi ng pasensya sa naisip ko.
Hindi ko namalayan ang oras, nakalahating oras na rin pala akong nakaluhod.
Tumayo na ako at nagpaalam.
Lumabas na ako ng gate at lumayo sa lugar na iyon.
Lumingon ako, nanduon pa rin ang sasakyan.
Nagmamadali ang mga hakbang ko.
Pero narinig ko lang ang paparating na sasakyan.
Papunta sa daraanan ko.
At huli na ng bumukas ang pinto ng sasakyan at bigla na lang akong hinablot..
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
ActionHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...