Nakaupo ako ngayon sa loob ng kwartong pinadalhan sa akin Mr Diaz. Isa iyong Clinic pero hindi pangkaraniwang Clinic. Malaki ito na parang ospital sa laki. Dito ako ooperahan, kausap ngayon ni Mr Diaz ang doctor na mag-oopera sa akin. Marami pa ang ginawang test sa akin bago ako isusuong sa operasyon. Lahat chineck kung normal ba lahat sa akin.
Nakakatakot, 'yung feeling na parang kakatayin o bibtayin ka ngayong araw na 'to. Hindi ko maintindihan, nanginginig at namamawis ako ng mga sandaling ito. Kung ano man ang kahihinatnan ipinapasa-diyos ko nalang. Desisyon ko naman 'to kung may sisihin sa huli walang iba kundi ang sarili ko.
Ngunit handa na ba talaga ako sa pagbabago sa sarili ko? Parang hindi ko pinag-isipan 'tong mabuti. Nagpadalos-dalos ba ako sa pagdedesisyon ko? Pa'no kung hindi magiging succesful ang operation ko? Saan kaya ako pupulutin? Baka mamatay ako! Sa naisip kong 'yun ay napa sign of cross ako.
Calm down, Isabelle! Everything will be alright.
Magback-out na lang kaya ako?
Sa naisip kong 'yun ay bumukas ang pinto sa harapan ko at iniluwa niyon si Mr Diaz at ang mga doctor. Bigla tuloy rumagasa ang kaba ko.
"Are you ready, Isabelle?" si Mr Diaz, nakangiti sa akin. Para talagang demonyo ang tingin ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
"Okay, let's go" saka giniya na kami ng dalawang doctor sa operating room. Ang paglalakad ko ay mabagal, parang ang bigat ng mga paa ko.
Tinuro na sa akin ang operating table kung saan ako hihiga. Nanlalamig ang kamay ko habang papahiga.
Naramdaman ko lang ay ang mga yabag ng mga taong iyon sa loob habang nagsasalita ng kanilang lenggwahe na hindi ko naman maintindihan. Nasa banyagang lugar ako, at kung ano mang mangyari sa akin ay walang makakaalam. Mamatay akong walang nakakaalam. Oo nga pala, patay na ako sa Pilipinas, ang alam nila patay na ako.
Kasabay niyon ay ang pag-ayos sa akin. Binigyan ako ng isang doctor ng oxygen mask at kasabay niyon ay ang pagkawala ng aking kamalayan.
****
Nakita ko ang dalawang bata sa balintataw ko habang masayang nagtatakbuhan. Isang babae at isang lalaki. Masaya sila habang patakbo sa isang garden na puno ng mga bulaklak. Ang saya-saya nila. Hanggang sa madapa ang batang babae.
"Isabelle........" tawag ng batang lalaki. Agad naman nitong dinaluhan ang umiiyak na batang babae.
Napakunot ako, kaparehas ko ng pangalan ang batang babae. Tiningnan ko ang mukha ng batang babae, kung nung una ay malabo ngayon ay unti-unti ng nagiging malinaw sa aking mga mata.
It's me! sigaw ng utak ko. Napatingin ako sa batang lalaki na katabi ko lang o ng batang ako.
Sino siya? tanong ko sa utak ko.
Tiningnan ko pa siya ulit, pinatitigan ko siya ng maigi. At napasinghap ako ng maalala siya.
Miggy! Siya nga, si Miggy. Si Miggy na kababata ko. At naalala ko na ang mga sandaling magkasama kami ni Miggy nung mga bata pa kami. Napangiti ako, pero may isang batang lalaki ang biglang sumingit sa eksenang iyon.
Napakisap ako, bigla niyang tinulak ang batang lalaki.
"Isabelle, okay ka lang ba?" tumingin ito sa batang lalaki "Parati mo na lang sinasaktan si Isabelle, umalis ka na!" sigaw nito.
Parang iiyak naman ang itsura ng batang lalaki. Aalis na sana ito..
"Miggyyyyyyyyyyyy!" sigaw ng batang ako.
Pero hindi yata ako narinig ni hindi nga lumingon.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
ActionHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...