P-54 (Mica?)

5.2K 75 0
                                    

Bigla akong napangiwi ng maramdaman ko na nasagi ng patalim ang kamay ko. Ramdam ko ang sakit. Pero wala akong pakialam ang mahalaga ngayon makatakas kami dito.

“Are you okay, Isabelle?” nag-aalalang tanong ni Jeremy sa akin ng mapansin nitong nakangiwi ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa harapan ko.

“I’m okay” agad na sagot ko, bulong ko habang patuloy pa rin sa ginagawa ko.

“Isabelle?” takang tanong ni Cio. Hindi ako tumingin dito, busy ako sa pagkakalag ng tali. Hindi pa pala niya alam kung sino ako.

“So alam na pala ng lahat na siya ang tunay na Isabelle?” lahat kami napatingin kay Miss M. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Napatigil ako at napakunot ang noo ko. 

“Sino ka ba talaga?” galit na sabi ko. Hindi ko pa rin maubos maisip kung sino siya at bakit niya ginagawa ito. Oo nga't nabigla ako nung nakita ang mukha niya na mukha ko noon sa Japan pero nawala sa isip ko dahil sa marami nga akong iniisip. Pero ngayon mas sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung anong motibo niya sa lahat ng ito.

“Ate, sino siya? Bakit nasa kanya ang mukha mo?” naguguluhang turan sa akin ni Carmela.

“Bakit mo kinukuha ang mukha ko pati na ang mga bagay na mahalaga sa akin?!”  sigaw ko dahil sa hindi ko na mapigilan ang galit. "Impostor ka!"

“Ikaw ang impostor Isabelle, nagsinungaling ka kay Jeremy at Cio” si Miss M. Paano nito alam ang lahat ng iyon? "At sino sa atin ang nang-aagaw ng mukha? Tingnan mo ang mukha mo? Alam mo ba kung kanino 'yan?" At humalakhak pa ito. Baliw na yata siya. Pero bakit?

“Hanggang ngayon ba nagluluksa ka parin sa pagkawala ni Chandi?” patuyang ngumiti ito sa akin.

Napaisip ako at biglang bumalik sa aking alaala ang sulat ni Chandi.

Oo, si Mica, bumalik siya. At pinagbabantaan ako, akala ko rin patay na siya.

Napatingin ako kay Miss M, kung ganun… kung ganun.. napasinghap ako. Siya si Mica? 

“Mi…ca?” mahinang sabi ko. “Ikaw si Mica.....” pero parang wala ako sa sarili ng sabihin iyon. Narinig kong nagsalita si Cio.

“Anong sinabi mo, Yuri?” Narinig kong humalakhak si Miss M. Napaisip ako, bumalik sa akin ang alaala ko noon. Yung sinabi ni Chandi na kamukha ko raw si Mica, pero bakit naman ginawa ni Diaz 'yun? Bakit niya sinunod ang mukha ni Mica at iyon ang ginawang mukha ko?

Aishhhh! Hindi ko na alam, gulong-gulo na ako.

“Matalino ka nga, Isabelle. Pero hanggang diyan ka nalang” saka tumawa ito, nababaliw na nga yata ito. "But you're a fucking idiot!".

“Mica??” narinig ko pa rin ang tinig ni Cio na parang hindi makapaniwala.

“Kamusta ka na dear Cio? Long time no see? Miss me?” sagot ni Miss M kay Cio. Anong pinagsasabi niya? Prang naloloka na siya.

“Reunion ba ‘to?” agad kaming tumingin sa biglang pumasok sa stadium. Nakita naming parang haring maglakad si Eduard papunta sa amin, kasabay nito si Eliza. Agad ko siyang tiningnan ng masama. So, magksabwat nga si Diaz at si Go, napakuyom ang kamay ko. Kalma muna, Isabelle. Bakit agad-agad akong nagtiwala kay Diaz? Bakit hindi ko naisip noon na walang tao ng mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon? Alam ko, isa lang ang hangarin nila, 'yun ay mapasakanila ang kumpanyang matagal ng iniingatan ni Daddy. 

“Sa huli sa akin ka pa rin, Isabelle” saka humalakhak ito. Pero hindi siya sa akin nakatingin, kundi kay Miss M? Napakisap ako.

“Nagkakama…” hindi na natapos ni Miss M ang sasabihin, kinuha ni Eduard ang tali sa mga kamay ni Miss M  at hinatak palayo. Namilog ang mga mata ko. Hindi ba alam ni Eduard na hindi siya si Isabelle? 

“Sa akin pa rin ang huling halakhak, Isabelle” si Eliza na nakangising parang demonyo habang nakasunod sa likuran ni Eduard. Tumigil sila sa ‘di kalayuan at napasinghap kaming lahat ng tutukan ni Eduard ng baril si Miss M. Bumilis ang pintig ng puso ko. Parang 'yung eksena ngayon ay nakikita ko lang sa bawat katapusan ng isang pelikula.

“Hindi ako ang kalaban mo Eduard, kundi sila” nakita kong nanginginig si Miss M. “Hindi ako si Isabelle!” sigaw nito. “Siya ang totoong Isabelle” turo nito sa akin.

“Sino ang maniniwala sa’yo?” sigaw rin sa kanya ni Eduard. “Pagkatapos kitang patayin mapapasaakin na ang kumpanya ng ama mo. Ahh hindi pala, pagkatapos ko kayong pataying magkapatid” at tumingin kay Carmela.

“Anong ginagawa mo Eduardo?” boses ni Diaz iyon, nakatayo siya sa bukana ng stadium.

Nakatingin lang ako pero anytime aatake ako, nakawala na ang tali sa kamay ko. 

Tumawa si Eduard, “Ito na si Isabelle Rommel, nasa kamay ko na siya.hahaha”. Hawak nito sa braso si Miss M habang nakatutok ang baril sa ulo nito.

So hindi alam ni Eduard na ako si Isabelle? Paano nangyari yun eh magkasabwat sila? Naguluhan ako bigla. 

Nakita kong nangunot ang noo ni Diaz ng makita si Miss M. Agad itong tumingin sa direksiyon ko. Parang nalito ito.

“Nooo! I’m not Isabelle!” naginginig na sabi ni Miss M.

“Hahaha, katapusan mo na Isabelle” at tinulak nito si Miss M sabay putok dito. Sumigaw si Carmela. At lahat kami natulala. Narinig naming ang sigaw ni Miss M.

“Dadddyyyyy… ako si Mica” nakatingin pa rin ako habang nakikitang nakabulagta si Miss M. Inilipat ko ang tingin kay Eduard at kapwa sila nakatingin na nagulat kay Miss M. Tinignan ko si Diaz na parang nagulat rin, dahan-dahan itong lumapit sa babae.

“Mi..ca?” paanas na sabi nito habang parang maiiyak na.

“Da…ddyy…” mahinang sabi ni Miss M.

Daddy? Bakit Daddy ang tawag niya kay Diaz?

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon