Papasok na kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang Fashion Show. I can see a lot of rich people na dumalo at mga matataas na opisyal ng Japan.
Tiningnan ko si Chandi sa tabi ko, she’s wearing a Dior long dress. It’s just a plain white side boob and backless dress. Makikita mo rin sa kanya na marunong din siyang magdala ng damit because of her confidence.
I'm wearing a Channel black dress, that was my brand way back in Philippines. Simple but elegant, ‘yun ang parati kong inilalarawan sa Channel (may advertisement ). Tingnan n’yo na lang sa baba ang iniattach kong picture, tamad si Author mag describe eh.
Pagpasok namin pumuwesto na kami sa itinalagang upuan sa amin. Hindi naman kami pansin dahil hindi naman kami kabilang sa kanila, I mean Chandi’s friend is one of the organizer here but still we’re not belong to this ‘expensive and luxurious people’.
Medyo malayo kami sa stage kung saan rarampa ang mga models. Pero okay lang sakto pa rin at makikita sila.
Nakita ko ang malaking pangalan ni Miss M na nakahighlight sa center stage. Is she going to reveal her face to people na nangangarap na makita siya?
“I’m excited to see Miss M.” narinig kong wika ng nasa likod namin.
This time sana nga makita ko na siya, siguro kasing ganda rin siya ng kanyang mga designs. Napatingin ako sa kabilang side ng stage kasi nasa left side kami ng runway at nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Ngumiti ito sa akin at kumaway.
“Oh, it's Cio!” bulalas ni Chandi ng makita niya rin ang nakita ko. “Expected naman na ‘yan kasi nga his father is running as a Minister” nagkibit-balikat lang ito. “Nandito rin sigurado si Jeremy!” dagdag nito na ikinalingon ko bigla sa kanya. Agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.
OA! pangalan lang kinabahan na agad? Ayun na naman si isip kahit kelan talaga napaka kontrabida nito.
“Nandoon siya kanina sa bahay” wala sa sariling sabi ko kay Chandi. Chandi already know about us, I mean ‘yung sitwasyon namin ni Jeremy pero half lang ang naikwento ko sa kanya not totally na from Philippines to Japan. Akala niya I’m only protecting Jeremy from the bad people and I don’t want her to be involve sa aking journey. Naks, journey.hehe
Biglang narinig namin ang host ng event tapos nag-umpisa na ang show. Ang ganda ng mga designs at ang pagdadala ng mga damit ng mga model (daming mga).Para akong na mesmerized sa kagandahan ng mga damit. Halos magkandahaba na ang leeg ko sa katititig. ‘Hayyyyy! It’s beautiful! alleluia’ gusto ko sanang isigaw.
“Napaka unique ng mga gawa niya” nilingon ko si Chandi and just like me na amazed rin siya.
After 1000 years (hehe joke lang), after 1 hour na show, ito na ang time na ipakikilala ang tao sa likod ng mga designs na iyon.
“Ladies and gentlemen, the one and only…. Miss M” hindi talaga ako huminga hangga’t hindi ko nakita ang papalabas na imahe ni Miss M. Para akong batang naghihintay na bigyan ng candy. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siyang makilala basta mayroon something sa heart ko na nagsasabing kailangang ko siyang makilala.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AcciónHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...