Bumaba ako sa sasakyan ko at natanaw ko ang isang mansiyon. Bigla ang pagragasa ng alaala sa isipan ko at nangilid ang luha sa mga mata ko. Sobrang na miss ko ang bahay na ‘to; ang bahay na puno nang masasayang alaala. Biglang lumitaw sa beranda si Mommy, nakangiti na nakaharap sa akin..
“Isabelle” kumaway ito “halika, namiss ka na ni Mommy”.
Biglang lumitaw ang kapatid kong si Carmela gaya ni Mommy nakangiti rin ito “Ate, dali akyat ka na rito”.
Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay bigla nalang umagos na ayaw paawat.
"M-mommy” wala sa loob na ani ko. "Mommyyy" hindi ko napigilan ang pagsinok kasabay ng walang humpay na pag-agos ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang kirot at sakit sa puso ko. Naramdaman ko ang pagbikig ng lalamunan ko dahilan para mas panghinaan pa ako ng loob. Bumalik bigla ang nakaraang alam ko namang hinding-hindi na maiibabalik pa muli.
Pero bigla nalang nawala sa paningin ko ang imahe ni Mommy at kapatid ko, nagpanic ako. “Mommy! Carmela!” mahinang tawag ko pero para sa akin napakalakas iyon. Naalerto ako ng makaranig ng ingit ng gate, nagtago ako sa damuhan. Hindi ko napigilan ang mapahikbi ulit, imahinasyon ko lang pala iyon. Wala na si Mommy, doon sa puntong iyon ay napasubsob ako sa dalawa kong palad. Na mimiss na kita Mommy.
Nang tahimik na ang paligid ay tumayo na ako at nilibot ang bahay patungo sa likuran. Mataas ang pader kaya hindi basta-basta maakyat ito. Hindi naman ako pwedeng pumasok dahil baka magtaka sila at magtatanong kung anong gagawin ko sa loob. Kailangan ko lang talagang makausap si Carmela, kinakabahan kasi ako na hindi ko mawari eh.
Nakatayo na ako sa harap ng isang pader na natatakpan ng malagong halaman. Hinawi ko ang mga halaman at nakita ko ang mga halamang nakatubo sa pader kaya halos hindi na makita ang sementadong pader. Lumingon-lingon muna ako at ng masiguradong walang tao ay pinagkukuha ko ang halaman na nakapalibot sa pader. Mga ilang minuto ko rin sigurong nagawa at tumambad sa akin ang isang pintuan. Oo, pintuan iyon na ginawa ni Mommy noong mga bata pa kami. Si Carmela at si Mommy at ako lang ang nakakaalam ng sekretong lagusan na ito. Hinanap ko ang susi, sa kanang bahagi ay may isang parang butas doon, sinuksok ko ang kamay ko at nakapa ko naman ang susi.
Nanginginig pa ang mga kamay ko ng ipasok sa seradura ang susi at click! Lagusan iyon na nagkokonekta sa kwarto ko at kwarto ni Carmela. Noon kasi pag lumalabas kami na ayaw ni Daddy dito kami dumadaan para hindi niya makita. Madilim at marami ng alikabok ang sementadong daan. Kinuha ko ang cellphone ko at ginawang flashlight. Umakyat ako sa hagdan at tumingin ako sa pinto kung saan ang kwarto ko. Pero nag-iba ang rota ng paa ko at sa kabilang pintuan ito patungo; sa kwarto ni Carmela. May password ang aming pintuan pero alam ko rin ang password ni Carmela, para itong sliding door na nagkokonekta sa closet namin. Nang nasa loob na ako ay dahan-dahan ang ginawa kong paglakad. Nakiramdam muna ako at parang may naririnig ako na iyak. Mula iyon sa labas, pinihit ko ang seradura at dahan-dahang binuksan ang pinto. Natambad sa akin ang nakatalikod na si Carmela habang nakaupo sa ibabaw ng kama nito at umiiyak. Lumapit ako sa kanya habang hindi ko mapigilang mapaluha. Pero napahindik ako ng makita ang dugo sa kama niya. Nakita kong hawak niya sa kamay ang isang blade habang ang kabila ay maraming sugat.
“Carmela!”
Agad itong lumingon at nanlaki ang mga mata “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?”
“Carmela, anong ginagawa mo?” hindi ko pa rin mapigilan ang magpanic. Agad kong sinunggaban ang braso niya at nabitawan naman ang hawak na blade. Nakita kong galit na tumingin ito sa akin.
“Sino ka?!!!” sigaw nito. Agad ko lang siyang niyakap.
“Omg! Carmela anong nangyari sa’yo?”
“Bitawan mo ‘ko” kumawala siya sa pagkakayakap ko pero hindi ko siya binitawan. “Gusto ko ng mamatay, gusto ko na ring sumunod kina Mommy at Ate!Huhuhu. Iniwan nila ako, ang daya nila. Ang daya, daya nila” Hindi ko mapigilang mapahagulgol din dahil sa naramdaman ko kung anong sakit ang naramdaman ngayon ni Carmela.
“Tama na Carmela, hindi ginusto ng Mommy at Ate mo na iwan ka nila. Lumaban ka para sa kanila”
“No, si Ate! iniwan niya ako. Pinangako niyang hinding-hindi niya ako pababayaan pero anong ginawa niya!!!” sigaw niya. Nakita ko ang sakit at hinanakit sa mga mata niya.
“May rason ang Ate mo Carmela, at alam kong mahal na mahal ka niya”
"Hindi niya ako mahal!!” nagwawala na siya. Kinabahan ako at baka marinig nila sa baba ang sigaw nito kaya tinakpan ko ang bibig niya.
Nakatingin ako sa natutulog na si Carmela. Nakatulog siya dahil sa pagod sa pag-iyak. Kinumutan ko siya habang malungkot na tumunghay sa mukha niya. Kay bata pa niya para pagdaanan ang lahat ng ito. Lumambong ulit ang mata ko. Ngayon ko lang na realize napaka unfair ko kasi iniwan ko na lang siya basta-basta. Dahil gusto ko ring kumawala sa buhay na ito ay nagpakalayo ako. Hindi ko manlang inisip ang mararamdaman ni Carmela. Nasasaktan akong nakikita siyang nagkakaganito at ganito pa ang gagawin niya para makaalis din sa magulong buhay na ito.
Nakarinig ako ng kaluskos kaya tumayo na ako dali-daling pumasok sa closet. Kailangang makaalis na ako, marami pa akong gagawin. Pero babalikan kita Carmela, kukunin kita pero hindi pa ngayon, kunting tiis pa Carmela. At lumabas na ako.
Papasakay na ako sa kotse ko ng makita kong may kotseng papasok sa bahay namin. Hindi tinted ang sasakyan kaya nakikita ko ang loob. Naaninag ko sa likuran ang may edad nang lalake at parang pamilyar sa akin ang mukha niya, may kasama itong babae sa loob. Nalipat ang tingin ko sa harapan ng kotse. At ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang mukha ni Jeremy! Alam na alam kong siya ‘yun kahit nakatagilid. Pero anong ginagawa niya dito sa Pilipinas? At sa bahay ko pa? At naalala ko na kung sino ang sa likuran, ang mga magulang niya! Pero anong gagawin nila sa bahay? Naguluhan ako, pero dapat pagtuunan ng pansin ko muna sa ngayon ay ang paghahanap kay Mr Rommel Diaz. At sa parteng iyon, ay pinaharurot ko na ang kotse ko.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
ActionHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...