P-49 (KARMA)

5K 58 1
                                    

Pauwi na ako ng bahay, nasa iskinita na ako ng makarinig ng kaluskos. Kaluskos na parang may nagbabasagan ng bungo sa ‘di kalayuan. Madilim pa naman sa parteng iyon, tanging isang ilaw lamang na sa kalapit na poste ang nagsisilbing ilaw talaga sa iskinita.

Tinigil ko ang kotse at bumaba, dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad sa isang palikong iskinita na nandoon. Wala naman sana akong pake pero sa talagang nacurious ako. Sumilip ako at nakita ko ang limang mga lalaki na pinagtutulungang bugbugin ang isang…wait, babae? Dinadaya lang siguro ako ng paningin ko? Pero babae siya dahil nakikita ko ang mahaba niyang buhok at balingkinitan ang katawan. Pero bakit ang walang kalaban-laban na babae ang pinagpipyestahan nila?

Aiishhhh! Bago pa mag-init talaga ang ulo ko ay sumuong na ako. Ayoko sa lahat ay ‘yung mga taong ginagamit ang lakas para makasakit sa ibang tao.

“Hoy!” sigaw ko. Agad naman silang tumigil sa ginagawa nila at napatingin sa gawi ko. 

“Ang kapal naman ng mukha n’yo at pati ang walang kalaban-laban na babae sinasaktan n’yo!” sigaw ko ulit.

“Huwag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan ka rin!” sabat ng isang malaki ang tiyan, hindi manlang nagulat ng makita ako, ngumisi pa ito. Tumingin ako sa babae na nawalan na ng lakas dahil sa natamong suntok. Naaninag ko ang mukha niya at parang pamilyar siya sa akin. Pero bago pa maalala ng utak ko ay bigla nalang lumapit sa akin ang isang payat na lalaki.

“Ako nang bahala dito, bossing” nakangisi pang sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa “hapunan!”.

‘Yak, over my dead body’ sigaw ng utak ko at binigyan siya ng isang suntok na ikinabulagta niya sa semento.

Agad namang umatake ang iba niyang kasamahan kaya humanda na ako at binigyan sila ng isa-isang sipa at suntok sa mukha. Nagulat nalang ako bigla ng maramdaman ko ang isang sipa sa akin kaya napasubsob ako sa isang gilid, pero mabilis ang responde ko ng makita ang isang kahoy sa harapan ko at iyon ang ginamit sa mga kalaban.

Pagtayo ko ay nakita ko ang babae na pinagsusuntok na rin ang iba pa kaya binigyan ko na sila ng final wave (plants vs zombies.hehe)

Napatumba namin silang lahat at agad kong hinila ang braso ng babae at tumakbo na kami papunta sa kotse ko. Pinaharurot ko na ang sasakyan at nakalayo na kami sa lugar na iyon.

Tiningnan ko ang babae at nakita kong pinapahiran nito ang dugo sa gilid ng labi. Hinugot ko ang panyo sa bulsa ko at binigay sa kanya. Tahimik lamang na kinuha niya ang panyo.

“Bakit mo ‘ko tinulungan?” narinig kong tanong niya pero hindi ako tumingin sa kanya.

Tinigil ko ang kotse sa harap ng isang cafe at inaya itong magkape muna. Pinaunlakan naman niya, naghanap kami ng mauupuan na malayo sa karamihan. Pero nang makaharap ko na siya at makita ko na ang kabuuang anyo niya ay doon ko lang napagtantong kilala ko nga siya. Tingnan mo nga naman!

“Oorder muna ako” sabay tayo.

“So bakit mo ako tinulungan?” ulit niya sa tanong kanina nang makabalik na ako.

Nagkibit lang ako ng balikat “Masama bang tumulong sa kapwa?” Doon sa puntong iyon nakita ko ang paglambong ng mga mata niya.

“Bakit ka nila sinaktan?” naging mailap ang mga mata niya sa tanong ko.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa “Ayoko kasi sa lahat ay ‘yung binubully ng mga malalakas ang mga mahihina”.

Mabilis na binawi niya ang mga kamay niya na parang nahintakutan.

“Pinagbabayaran ko na ang lahat ng kasalanan ko sa kanya” tumingin ito sa akin na parang maiiyak na. Napangiti naman ako pero hindi ko pinahalata, tingnan mo nga naman totoo ngang ‘what goes around comes around’- KARMA!

“Bakit anong nangyari?” mahinang sabi ko.

“Nung college kasi ako may isa akong binubully, ginagawa ko lang naman ‘yun para pagtakpan na mahina ako. Hindi nila alam na nambubully kami dahil wala rin kaming tiwala sa sarili namin. Pero nagsisisi na ako ngayon, pinagsisihan ko na ang lahat ng mga iyon” pinahiran niya ang luha sa mga mata.

“Nasaan na siya ngayon?”

“Patay na siya” nanginginig siya habang sinasabi iyon “hindi manlang ako nakahingi ng kapatawaran sa kanya. Alam kong mabait siya, pero ginanun ko lang siya” at napahikbi ito.

“Shhhhh, alam ko na kung saan man siya ngayon napatawad ka na niya” at ngumiti ako sa kanya.

Minsan kasi ang pagpapatawad mahirap gawin lalo na pa gang taong gumawa ng masama sa’yo ay hindi mo talaga malilimutan. Pero palayain mo lang ang hinanakit sa puso mo magiging maligaya ka sa pagpapatawad na gagawin mo.

Sa buhay ganyan lang ‘yan, ‘yung mga taong nanakit sa’yo noon hayaan mo lang ipanalangin mo na lang sana maging masaya sila sa ginagawa nila. Hindi dahil ginawan ka nila ng masama ay gagantihan ka mo rin sila ng masama. Instead, gantihan mo sila ng kabutihan, makikita mo uusigin sila ng kanilang konsensiya at marerealize nila na hindi maganda ang kanilang ginagawa.

“Eh anong connect doon sa mga taong nanakit sa’yo kanina?”.

Medyo nag-atubili pa itong sabihin nung una “Kasi…kasi.. ipinag-uutos ni “ hininaan nito ang tinig “ni Mr Diaz na patayin ako”.

Nagulat ako sa narinig.

“Alam niya kasi na marami akong alam tungkol kay Isabelle…” kumunot ang noo ko.

Doon sa puntong iyon bigla ko siyang hinila “Sumama ka sa’kin, Geneva”. Nagulat ito na alam ko ang pangalan niya. Oo, siya si Geneva, ‘yung nakalaban ko noon bago ako nakapunta sa Japan. At siya rin ang nagbully sa akin nung college kami. Pero tingnan mo nga naman ang mundo, bilog.hehehe

Dinala ko siya sa boutique, nagulat pa si Eline ng makita siya. Dinala ko siya sa loob ng office at sinabi sa kanya ang pagkatao ko. Gulat na gulat siya sa nalaman.

“So, tutulungan mo ako para makita natin si Mr Diaz?” ito lang ang tanging paraan ko para makita ko si Rommel. Kailangan ko na talagang tapusin ito. Hindi pa rin maka get over si Geneva sa nalaman, nakanganga pa rin ito.

“Isara mo nga ‘yang bunganga mo Geneva” palatak ni Eline. Magkakilala rin sila dahil iisa lang din ang school namin noon. Kaya nga nagulat din siya ng makita si Eline kaninang pagpasok namin.

“Paanong nangyari…”

“Uulitin ulit namin ang kwento ganun ba?” siniko ko si Eline.

“Hindi naman teka.. bigyan n’yo muna ako ng time na iabsorb” ngumiwi si Geneva.

Ngumiti naman ako kay Eline.

“So anong gagawin natin?” tugon ni Geneva nang mahimasmasan ito.

Inilatag ko na ang plano ko para makuha ang chips kay Mr Diaz at maexpose na ang kasamaan ni Eduard.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Si Rob.

“Oh, Rob?”

“Tumawag si Eli, may mga lalaking bigla nalang sumakay sa kotse ni Carmela” bigla ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.

“Nalagay ba niya ang track detector sa kotse ni Carmela?” agad na tanong ko.

“Oo”.

Medyo nakahinga ako “good, pumunta ka ngayon dito”. Pero agad ding kinabahan. Pero hindi, gagawin ko ang lahat para labang ito. Hindi ko hahayaang matalo ako sa huli at may masamang mangyari sa mga mahal ko sa buhay.

‘Yun lang at inend ko na ang call. Sinimulan na ni Eduard ang plano niya, nakuyom ko ang kamao ko. ‘Humanda ka Eduard titirisin kita ng pinong-pino pag may ginawa kang masama sa kapatid ko’.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon