P-47 (The Plan)

5.1K 64 0
                                    

"So ano ngayon ang plano mo?" boses ni Eline. Pagkagaling ko sa MBH dumiretso na ako sa kanya at sinabi ang mga natuklasan ko.


"Kontakin mo si Rob". Sisimulan ko na ang lahat, ngayong natuklasan na nila na buhay ako kailangan ko na ring gumalaw. Hindi maaaring hihintayin ko pa kung kailan ako gagawa ng hakbang. Gumagalaw din ang oras at sa bawat pagdaan ng araw may mga panganib na dumarating.


Kahit plano muna para atleast may back-up ako kung anuman ang mangyari.


"Ngayon na?" tanong nito.


Lumingon ako sa kanya na naiirita.


"Hindi bukas na, tinatamad ka ba?" patuya kong sabi.


Binatukan ako nito, packing-tape naman! Naiinis ako ngayon, sisinghalan ko sana siya pero..


"Opssssss, pag nagsalita ka bubusalan ko 'yang bunganga mo" pigil ni Eline.


Alam niya ang ugali ko kaya alam rin niya paano magrereact sa sitwasyon. Napabuga nalang ako ng hangin. Hindi pwedeng pairalin ang inis ngayon, kailangan kalma muna para makapag-isip ng mabuti. Huminga ako nang malalim. Napatingin ako kay Eline. Ang mas magandang solusyon palamigin ang ulo. Hindi kailangang pairalin ang bugso ng damdamin.


Dinayal niya ang telepono "Robi Domingo, este Robi punta ka dito ngayon sa boutique. Kung tinatamad ka rin sige bukas na" napangiti ako sa tinuran ni Eline, sarap ding batukan ito gaya ng ginawa sa akin eh. Kaya bestfriend ko siya dahil magkapareho kami ng ugali.


Si Rob ang kaibigan namin mula pa nung college ni Eline. Isa siyang tattoo artist at may shop rin ng mga iba't-ibang klaseng baril. Maaasahan na namin siya mula noon pa.


Nung una nagulat sila sa pagsisiwalat ko na ako si Isabelle, mapagkakatiwalaan ko naman sila kaya sinabi ko ang katauhan ko. Kailangang maintindihan nila kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob sa lahat nang ito.


"Grabe naman pala ang pinagdaan mo, bakit 'di mo sinabi sa amin?" matiim ang pagkakatingin ni Robi. Sa tagal din ng pagkakaibigan namin alam ko galit din siya.


"Hayaan mo na pinili ko naman ito" tumingin ako sa malayo.


"Doon na nga tayo, pero kaibigan mo kami, tutulungan ka namin" umuoo naman si Eline sa sinabi ni Robi. "Saka hindi basta-basta lang 'yan ang pinagdadaanan mo". Maasahan ko talaga sila. Bakit hindi ako sa kanila pumunta noon para humingi ng tulong? Tulong kung anong gagawin sa magulo kong buhay. Pero dahil nga magulo ayoko na silang idamay. Kaya iyon, gumawa ako ng mga bagay o desisyon na pagsisihan ko sa huli.


"Kaya ko naman ...."


"Yun na nga eh, parati mo nalang sinasabi na kaya mo. Pero ano ang kinahihitnan ng mga desisyon mo?" hindi ko alam kung galit na si Robi. Nilapitan naman siya ni Eline at sinasabihang tama na. Alam kong iniisip din nila ang kaligtasan ko.


Pinahiran ko ang luha na tumulo sa mata ko. Letche! Narinig kong napahinga ng malalim si Robi. Pumunta ito sa tabi ko at niyakap ako. Humagulgol naman ako at lumapit na rin si Eline. Alam nila na sa mga oras na ito, sa kanila ko nalang naibubuhos ang nasa loob ko. Sa dinami-dami ng problema ko naiistress na ako at lahat. Hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas ng loob at mabuti na andyan sila ngayon.


"Sshhh, tama na bes" alo ni Eline. "Naiinitindihan ka naman namin".


Kumalas ako sa kanila. "Alam ko naman na nag-aalala lang kayo. Pero kaya ko naman".


"Ayan ka na naman sa kaya mo" agaw ni Robi sa sasabihin ko pa.


"Oh siya tama na 'yan" sabi ni Eline.


Pagkatapos naming mag-usap ay inilahad ko na ang plano sa kanila.


"Kailangang malagyan ng track detector ang kotse ni Carmela" tumingin ako sa kapatid ni Rob na si Eli, kasama niya itong pumunta dito sa boutique.


Bigla itong napatigil at tumingin sa aming lahat "Wag ninyong sabihin sa akin ninyo iaatang ang paglalagay niyan" tumango kaming lahat. Padabog itong naglakad at umupo sa sofa. "Bakit akoooo?" exxage na turan nito. Oo, isa siyang binabae.


"Dahil malapit ka kay Carmela" sabi ni Eline.


Padabog itong naupo sa tabi ko. Tinitigan ako ng mariin. Napalunok ako, parang may kung anong gustong sabihin sa akin si Eli.


"Eh hindi ko na masyadong nakakasama 'yun, may sarili ng mundo 'yun eh" at napakamot sa batok "Isay, malala na yata si Carmela" malungkot na sabi nito na ikinakunot ng noo ko.


"Anong ibig mong sabihin?" pinaharap ko siya sa akin.


"It's for you to find out" pa misteryosong sabi pa niya.


Kinabahan naman ako na hindi mawari. Kailangan ko ulit makausap si Carmela, gusto kong kamustahin ang totoong kalagayan niya. Nung huli ko siyang makita ay alam kong may kakaibang nangyari sa kanya. Hindi ko mapigilang kabahan. Siya nalang ang natitirang kakampi ko, ikamamatay ko pag nawala siya sa akin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya sa pag-iwan dito pero alam kong nagkamali ako. Kaya ngayon babawiin ko siya, lahat gagawin ko para sa kanya. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Hell no!


Napakuyom ang kamao ko.


Humingi na muna ako ng isang baril kay Rob, proteksiyon ko lang kung sakaling ano man ang mangyari.



Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon