"Are you in pain?" narinig kong may nagsalita.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko ang mukha ni Mr Diaz.
Umiling ako. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama kung saan limang araw na akong nandito. Nakabenda pa ang mukha ko dahil sa operasyon. Plastic surgey. Ano kaya ang itsura ko? Hindi naman kasi nila pinakita sa'kin kung sino ang magiging kamukha ko. Tiyakin lang nilang maganda! Hmmmp!
Naupo si Mr Diaz sa silyang nakaharap sa kama ko. Napakisap ako ng dalawang beses at tinuon ang paningin sa bintana. Ayaw ko siyang tingnan, hindi ko alam parang ang lungkot ko ngayon na hindi ko maintindihan. Siguro dahil sa lahat ng mga nangyrai ngayon. Para kasing lahat ay bago, at sa isang kisap lang nawala ang lahat. Na nandito ako ngayon sa Japan at iniwan ko ang pamilya ko doon. At pinalitan ko ang anyo ko. Sino kayang nasa wastong pag-iisip ang gagawa ng ginawa ko? Yung walang kasiguraduhan ang magiging buhay dito. At ang misyon na hindi ko naman maintindihan. Ah! siguro marami lang talagang bumabagabag at hindi ko talaga maintindihan pa sa ngayon, sa ngayon! Pero pasasaan ba't darating din ang araw na lahat ng yun ay mabibigyan ng kasagutan.
"Alam kong hanggang ngayon naguguluhan ka pa rin, Isabelle" matiim ang tingin sa akin ni Mr Diaz. Tiningnan ko siya, alam niya ba ang iniisip ko?
Tumingin ulit ako sa labas ng bintana kung saan nakita kong maaliwalas at maaraw. Alas diyes na ng umaga, at ako naman ay nakahiga lang dito sa kama naghihintay na gumaling ang sugat na dala ng kahapon. At magdadala sa akin sa hinaharap, kung ano man ang kahihinatnan ng ginawa ko at desisyon kong ito sana man lang tama at para sa ikabubuti ko.
"Hindi mo ako pinwersa, kusang loob ko naman itong ginawa" ngayon ako naman at nakatitig sa mukha ni Mr Diaz pero siya naman ngayon ang umiwas. Parang may ayaw na ipaalam sa akin ang kanyang ginawang pag-iwas.
Lahat sa pagitan namin ni Mr Diaz ay may lihim. Lihim na alam kong matutuklasan ko rin sa hinaharap.
"Balang araw maiintindihan mo rin ito Isabelle kung bakit ko ito ginagawa" tumayo siya at tumalikod sa akin paharap sa bintana. "Hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat, na magiging maayos ang buhay mo dito sa Japan. Pero alam kong kaya mo 'yan, at kakayanin mo 'yan. Kilala kita saan ka man magpunta at kahihinatnan nito alam kong matalino ka sa pagharap". Tumungo ako, bigla ang ginawa kong pagpunas sa luhang namalisbis sa pisngi ko. Hindi ko napigilan eh. Siguro dala lang lahat sa pagod at mga aalalahanin ko.
Bumukas ang pintuan sa gawing kaliwa ko. Iniluwa ang dalawang doctor na nag-aasikaso sa akin at isang Nurse na may dalang trolley.
Unang pinansin ng dalawang Doctor si Mr Diaz at nag-usap sila sa salitang Japanese. Pumunta naman sa tabi ko ang Nurse na may dalang trolley. Ngumiti siya sa akin at inaayos ang mga nasa trolley na dala.
"Ngayon na daw kukunin ang benda sa mukha mo, Isabelle" tinig ni Mr Diaz.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro sa excitement iyon. Agad na pumunta sa gawi ko ang dalawang Doctor na nakangiti sa akin.
"We'll going to take your bandage, Miss Isabelle" sabi ng isang Doctor na matanda sa isa. Napatango lamang ako. Hindi pa rin maiwasang hindi ako kabahan, siyempre nakasalalay pa rin ang kinabukasan ko sa mukhang hindi ko alam kong maayos ba at bagay rin ba sa akin? Ah! pero wala na akong pakialam ang mahalaga sa ngayon ang isipin ko ay ang sakripisyo na ito. Ginawa ko ito hindi lang para sa sarili ko kundi para din sa pamilya ko. Ako ang haharap sa huli kung anuman man ang mangyari.
Puwesto na ito sa gilid ko at dahan-dahang tinanggal ang benda sa mukha ko. Di ko naman mapaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Napakuyom pa ang kamay ko. Parang biglang tumigil ang pagpintig ng puso ko pati ang siguro ang pag ikot ng orasan. Pinagpawisan ang kamay ko.
Habang ginagawa nila iyon ay naisip ko, ano na kaya ang magiging buhay ko pagkatapos nito? Saan ako dadalhin ng kapalaran kong ito? Saan ako pupulutin dahil sa MISYONG ito? Hay, bahala na!
"Beautiful" anas ng isang Doctor. Lahat sila nakanganga sa harapan ko. Ako naman :Hello bakit? Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Nararamdaman ko pa rin ang bakat ng benda sa pisngi ko. Gusto kong haplusin ang mukha ko pero natatakot ako baka kasi may mga sugat pa iyon.
Nakita kong may kinuhang bagay ang Nurse sa aparador sa gilid ng kama ko, at binigay iyon sa akin. Isa pala iyong salamin, katamtaman lamang ang laki niyon. Binigay niya sa akin.
Iniangat ko iyon, naginginig pa ang mga kamay ko. Hanggang sa magpantay na sa aking mukha. Ang una kong reaksyon ay napatulala lang. Parang may ibang taong nakaharap sa harapan ko. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at hinimas ang mukhang na 'yun. Napakaganda niya! Singkit ang mata na parang Japanese, matangos ang ilong na mas matangos pa sa aking ilong dati, manipis na labi. Ah! perfect! At napangiti ako sa repleksyong iyon. Ako ba ito? Akin na ba ang mukhang ito? Pero saan ito kinopya ni Mr Diaz? Baka may kapareho akong mukha at mapagkamalan ako. Ah, bahala na ang mahalaga sa ngayon ay bago na ang mukha ko. Bago na ang lahat sa akin. Malayo na ako sa nakaraan at hinding-hindi na ako makikilala ng kahit na sino. Iibahin ko ang buhay ko dito, para sa hinaharap babawi ako.
Nagsisimula na...
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AksiHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...