P-46 (Devil meets Devil)

5.4K 74 0
                                    

"Goodmorning, Ma'am" bati sa akin ng security guard nang pumasok ako sa loob ng MBH Building.


Kilala na ako ng mga personnel dito kaya hindi na ako nahihirapang lumabas-masok sa building. May meeting ako ngayong 10:00 AM with the CEO and that's my father, si Romualdo Sanchez. 


Hingang malalim muna ako bago pumasok sa elevator papuntang 11th floor. Inexpect ko nang nanduon ang lahat pati na si Eduard at Eliza. Kailangang panatilihin ko ang pagiging matapang ko sa pagkakataong ito.


Dahil kay Eline kaya ko nakuha ang aking savings na ibinigay pa noon ni Daddy at Mommy kaya ito ang gagamitin ko para mag-invest sa kanila.


Huminga ulit ako ng malalim bago lumabas ng 11th floor. Yabag ko lamang ang maririnig habang paliko sa pasilyo papuntang meeting room. Alam ko naman ang daan pasikot-sikot sa kumpanyang ito kaya hindi na ako mahihirapan.


"You don't have the right to do this!" narinig kong may nagsalita.

Naglakad pa ako para makita kung sino ang mga 'yun at napatigil sila, kasabay ng pagtingin sa akin.


"Eduard, mag-usap muna tayo" napatingin kami sa dumating at nakita namin si Eliza.


"Excuse me" sabi nalang ni Eduard at umalis na sila ni Eliza. Nakita kong iritado si Eduard.


Aalis na rin sana ang babaeng naiwan.


"Carmela!" tawag ko na biglang kinalingon niya.


Gusto ko siyang sugurin ng yakap, miss na miss ko na siya. Biglang lumambong ang mata ko, nanghina ang mga tuhod ko. Oh God! how I really missed this young lady. Sa pagkatataong ito lahat ng nasimulan ko, lahat ng nangyari sa akin sa loob ng tatlong taon ay parang naglaho dahil sa nakikita ko sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko.


"Who are you?" tanong nito sa akin. 

Lumapit ako at ngumiti "I saw you with your fiancée Eduard Go sa headlines kamakailan lang, I'm Yuri Hashi from Japan" at tinaas ang kamay ko. Tiningnan niya lang ang nakataas na kamay ko.


"And so?" pataray na sabi niya.


Nagulat ako sa tinuran niyang iyon, hindi ko ineexpect na ganito ang magiging reaksiyon niya. Nasaan na ang dating mahinhin at mabait na si Carmela? Napatitig ako sa mukha niya at nakita ko ang nanlalalim niyang mga mata at humpak na pisngi. Parang naging mas payat pa sa dati ang katawan niya. Nasaan na ang dating ningning sa mga mata niya kapag nagsasalita siya dala ng kainosentihan niya? Saan na ang malambot na ekpresyon sa mukha niya pag nakakakita ng ibang tao?


Pumihit na siya patalikod pero nahablot ko ang kamay niya na ikinagulat niya "Aray!".


Nagulat din ako sa reaksiyon niya, hindi naman masakit ang pagkakahawak ko. Naka blazer siya na mahaba ang manggas na kulay itim.Biglang umilap ang mga mata niya nang tingnan ko ulit.


"I should go now" walang kaemo-emosyong sabi niya. Parang hindi na siya si Carmelang nakilala ko, ang baby Carmelang kapatid ko na mahal na mahal ko. Naglakad na siya patungo sa meeting room. At sumunod na rin ako sa kanya.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon