Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pinilit kong iginalaw ang mga kamay ko pero hindi ko siya maigalaw dahil nakatali sa likod ko. Pumungas-pungas akong tumingin sa paligid at nakita kong nakamasid sa akin si Carmela. Katulad ko rin nakatali ang mga kamay niya.
“Carmela!” bulalas ko. Pero walang ekspresyon ang mukha niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid, walang tao. Natigil ang paningin ko sa kanang bahagi ko at nakita ko ang imahe ni Geneva na walang malay. Parang bigla naipon ang lakas sa katawan ko at hinila ang tali sa kamay ko pero mahigpit ang pagkakatali nito.
“Geneva!” tawag ko ngunit hindi manlang gumalaw. Binalik ko ulit ang paningin kay Carmela. “Carmela, okay ka lang ba? Anong ginawa nila say….”
“Sino ka? Bakit ka rin nandito? Bakit ka rin kinidnap?” walang kaemo-emosyong sabi niya sa akin. Ganun pa rin ang mukha niya, hapis at malalim ang mata. Ang dating masayahing mukha ay napalitan na ng malungkot na imahe.
"Car…” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto. Bigla ang pagtingin ko doon, kailangang malaman ko kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kailangang makaalis ako dito para iligtas si Carmela. Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko.
“Gising ka na pala, Isabelle “ saka tumawa na parang nakakaloko.
Parang bigla umakyat ang dugo sa ulo ko sa nakita at sinabing iyon “Anong ibig sabihin nito, Diaz?” nanlilisik ang mga mata ko sa galit.
“Easy ka lang, Isabelle wala pang nangyayari” saka tumawa ulit. Nakita ko na ang totoong demonyong nakangisi ngayon sa harapan ko. Kung makapapatay lang ang tingin ay kanina pa ito nakabulagta sa sahig.
“Isabelle..?” narinig ko ang isang boses at bigla ang pagtingin ko doon, nakita ko ang naguguluhang anyo ni Carmela. Hindi ko nalang pinansin si Carmela at muli akong bumaling kay Diaz.
“Pakawalan mo ako ngayon din!” sigaw ko, pilit kong pinakawala ang kamay ko sa tali. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit, kung ganun tama nga, tama ngang si Diaz ang may kagagawan ng lahat ng ito. Pero bakit? Bakit niya gagawin 'yun? Pero kung nagkakainteres rin siya sa kayamanan namin gaya nila Eduard, posible ngang gawin niya ito sa amin. Pinilit kong magpakahinahon kahit gusto ng lumabas ng litid sa aking leeg dahil sa kapipigil ng galit ko. Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari, biglang sumakit ang ulo ko. Arrrrghhhh! wala akong maisip!
“Not now, Isabelle” tumawa at biglang tumalikod ito palabas sa pintuan.
“Rommel! Rommelll!” sigaw ko. Nagpupuyos ang kalooban ko, parang gusto ko siyang takbuhin at tadtarin ng pinong-pino. Napakuyom ang kamo ko, hindi! Hindi maaari ito. Kailangan kong marinig lahat! Lahat ng gusto kong marinig galing kay Diaz. No! Hindi maaaring tinraidor niya ako all through out. Hindi maaaring binilog niya lang ang ulo at ginamit ako. Damn! Damn that man!
“Isabelle, tama na ‘yan” narinig kong turan ni Geneva. Tumingin ako dito at nakita ko nalang na maraming sugat sa mukha niya.
“Anong ginawa nila sa’yo?” tumiim ang titig ko sa kanya..
Inilihis niya ang paningin “Wag mo ‘kong intindihin”.
Lumipat ang tingin ko kay Carmela, nakita kong nakakunot ang noo niya.
“Carmela…” mahinang sabi ko. Nahintakutan itong napatingin sa akin.
“Sino ka ba talaga?” naramdaman ko ang panginginig ng boses niya. Pumungay ang mga mata niya at biglang kumislap ang luha sa gilid niyon.
Huminga ako ng malalim, ngayon ko na ba sasabihin sa kanya? Biglang kumirot ang puso ko ng makita ang luhang unti-unting pumapatak sa mata niya. Napamura ako. Shit! Gusto ko siyang puntahan at yakapin, na magiging okay din ang lahat. Gusto kong mag-explain na hindi niya ako kamumuhian. Gusto kong ipaintindi sa kanya ng hindi siya masasaktan, na tanggapin niya ako kahit ganito na ang mukha ko. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa kanya, iniwan ko siya sa gitna ng walang kamuwang-muwang at walang makakapitan. Hinayaan ko siyang malunod sa unos ng buhay na walang kalaban-laban. At ngayon, ngayong pinagdadaanan niya ang hirap ng ganito, ang sakit. Ang sakit-sakit isipin dahil mahal na mahal ko siya. Siya nalang ang tanging natitirang kayamanan ko sa mundo.
Pinilit kong ibuka ang mga labi ko pero parang walang lalabas na salita dito. Ang tanging lumabas lang ay ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Paking-tape naman eh! Gusto kong kumawala dito, takbuhin ang kinaruruonan niya at yakapin siya. Ipaintindi sa kanya na malalampasan din namin ito.
“Car…mela…” ayun may boses na ako. “P-patawarin mo ako, patawarin mo ako kung bakit iniwan ko kayo ni Daddy. Kung… bakit kailangan kong magpakalayo.” nakagat ko ang ibabang labi ko para kasing gusto kong pumalahaw ng iyak. “Alam ko naging selfish ako sa inyo, hindi ko inisip ang mararamdaman n’yo. Pero pinagsisihan ko na iyon. Alam mo kung gaano kita kamahal, Carmela.” Doon ko narinig ang hikbi niya. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nakikita ko reaksiyon niya ng mga sandaling iyon. Kung pwede lang sanang ako nalang ang masaktan ‘wag lang siya.
“Bumalik ako para gawing tama na ang lahat, bumalik ako para bawiin ka kay Eduard”. Sa pagkaalala sa lalaking iyon ay biglang kumulo ang dugo ko. Lintek lang ang walang ganti, Eduard!
Bigla kaming napabaling sa pinto ng marinig naming ang pagbukas nito. Isang lalaki ang pumasok at agad na pumunta sa akin at kinalas ang pagkakatali ko.
“San mo ‘ko dadalhin?” Yun na sana ang pagkakataon ko pero malakas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinila niya ako palabas. Nanlaban ako. Narinig ko ang sigaw ni Geneva.
“Isabelle!”.
At narinig ko rin ang sigaw ng kapatid ko “Ateeeee!” Tsk!
Pumasok kami sa kwartong iyon. Nanlaban ulit ako pero agad niyang tinali ulit ang kamay ko sa pader. Pagkatapos niyon ay umalis na. Bwisit na ‘yun!
Parang nag-iba ang atmosphere sa paligid, parang may tao. Kaya inilibot ko ang paningin sa paligid para lang mapasinghap. May taong nakatali rin sa kabilang pader.
Nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero bigla nalang itong humarap sa akin. At doon ako biglang nanlumo at napasinghap ulit.
“Yuri…” nakita ko ang pasa sa mukha niya, pilit pa ring ngumiti sa akin. Biglang tumahip ang dibdib ko, hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Parang biglang sumikip ang nararamdaman ko. Na parang ilang taon kaming hindi nagkita para maramdaman ko ang pangungulila sa kanya. Oh! Shit, how i miss this man! Biglang lumambong ang titig ko sa kanya, parang gusto kong tumakbo sa harapan niya at yakapin siya.
“Jere…my?”
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AcciónHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...