P-19 (The beginning of world war Z)

6.8K 75 3
                                    

Maaga akong nagising at naghanda ng almusal, swerte mo Jeremy ako na tagaluto mo. Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto, naghanda na rin ako para pagkatapos kong kumain larga na ako pa school. 

Nakatulog naman ako kagabi, feeling ko nga parang nasa bahay lang ako. At home na at home ang feeling ko. Buti na lang dalawa ang kwarto ng condo ni Jeremy. Hay, napainat pa ako. Maganda din pala dito sa condo ni Jeremy.

Nasa hapag na ako ng lumabas ng kwarto si Jeremy, ni hindi manlang ako tiningnan nito ng paalis na papuntang pintuan.

“Aalis ka na?” tumayo ako at pumunta sa kanya, inaayos nito ang sapatos.

“Yeah” walang kagana-ganang sagot nito.

“Pero teka kumain ka muna..” sabi ko, pero  tumayo lang ito at binuksan ang pinto. 

Agad naman ang ginawa kong pagkilos, tinakpan ko ang mga pagkain sa mesa at kinuha ang bag ko.

“Hoy, hintayin mo ‘ko” at patakbo kong tinungo ang elevator. Mabuti na lang automatic ang pintuan ni Jeremy hindi na kailangan ang susi dito.

Papasara na ang elevator ng maabutan ko, mabuti na lang nga naabutan ko. Humihingal pa ako ng makapasok, tumingin sa akin si Jeremy at nginitian ko siya. Pero inisnab lang ako nito, nainis naman ako at binelatan ko ito habang hindi nakatingin.

Tiningnan ko ang floor na lalabasan namin, kami lang naman kasi ang tao sa elevator nasa B2 kami baba.

Nang pagdating sa B2 ay may ginamit na access card si Jeremy para mabuksan ang elevator.

Lumabas ito at sumunod ako, may lalabasan pa kaming isang pintuan. Ginamit nito ulit ang access card at pagbukas ng pintuan ay nakita ko ang iba’t-ibang klaseng kotse at motorcycle.Napa‘wow’ ako dahil ang aastig ng mga ito.

Namangha ako sa dami ng mga sasakyan. Cool! 

Lumapit si Jeremy sa isang sasakyang kulay blue. Ang gara talaga, kaya lumapit din ako. Parang naglaway ako sa nakita, miss ko ng magmaneho ng kotse. Miss ko na rin ang kotse ko sa bahay. Oh shit! napasnap pa ang mga kamay ko.

Napatingin pa ako sa ibang kotse, nalula ako sa dami, kay Jeremy ba 'tong lahat? Napatingin ulit ako ng lumapit pa ito sa sasakyang una kong nakita, yung kulay blue.

“Diba ito ang Devil Z?” mangha kong sabi ng malapitan ang kotse. Ang ganda, hahawakan  ko pa sana ito ng marinig ko ang tinig ni Jeremy.

“Touch it, and I’ll kill you!”.

Umirap ako. 'Napakahambog talaga ng mokong na 'to!' hmppp!

Bigla ang paglingon ko dito ng mkarinig ng kalabog at nakita kong nakapasok na ito sa kotse. Bubuksan ko sana ang front seat pero bigla ang pagharurot nito. Naiwan akong nakatunganga, pero nakita kong bumalik ulit ang sasakyan nito kaya napangiti ako. Ibinababa nito ang salamin ng kotse.

“Ayun ang labasan” tinuro nito ang pintuan kung saan may pinindot ito at bumukas. Napamulagat ako. Sureness?

“Palalakarin mo ako?” nawala ang ngiti ko at napalitan ng inis.

Nagkibit lang ng balikat ito at pinaharurot ulit ang sasakyan palabas.

“Bwisit ka Jeremy humanda ka sa’kin!” sigaw ko at padabog na lumakad palabas ng carpark na ‘yun. Ngitngit talaga ako, ang bwisit na 'yun! Humanda siya!

Pumara ako ng taxi papunta sa school. Habang daan hindi ko mapigilang mainis sa kanya akala mo kung sino. Mayaman ka lang Jeremy, hindi mo mabibili ang attitude. Kunsabagay 'di niya naman kailangan 'yun kasi wala siya nun at hindi bagay sa kanya ang magkaroon ng 'mabait na image'. Nakakasura! Hindi ko talaga mapigilang mapa mura sa isip, nahahighblood ako. Naisip ko kung unang araw palang namin ito ni Jeremy at talagang todo inis ako sa kanya, ano pa kaya sa susunod na araw? Baka 'di na ako abutin ng ilang araw at mapatay ko 'tong Jeremy na 'to. Umiiling ako dahil sa naisip, hindi! Ano ba 'tong naiisip ko, susme. 

Hanggang kailan kaya ako mananatili sa poder ni Jeremy? Kakayanin ko kaya? Pero kailang eh, dahil ito ang misyon ko. Aja, Yuri! Kaya natin 'to. Napataas pa ako ng kamay ko.

"Miss, nandito na po tayo" napatingin ako bigla sa driver. Nagbayad na ako at bumaba na.

Sa carpark pa talaga ako binaba ng taxi driver kaya nakita ko agad si Jeremy na kasama ang mga barkada nito. Nagtatawanan pa sila habang naglalakad. 

Padabog akong bumaba ng taxi at dali-daling pumunta sa kanila. Yung dali-dali na 'yun ay parang slow-motion para sa akin. Yung isang kamay ko nakakuyom sa gilid ko. Punong-puno ito ng enerhiya. Napangiti ako ng lihim.

“Oh-oh” narinig kong sabi ng isang lalaki na violet ang buhok. Yung iba niya namang kasama ay medyo bumagal ang paglalakad. Nakatingin sila lahat sa akin. Yung iba nakangiti, yung iba naman suplado ang mukha. 

Si Jeremy naman lakad lang ng hindi nakatingin sa akin. Na para talagang hambog! Nakalagay pa ang kamay sa bulsa niya.

Dire-diretso lang ang lakad ko papunta kay Jeremy, papasalubong kasi ako sa kanila. Tumigil sila ng nasa harapan ko na sila, this time tumingin ng matiim si Jeremy akin parang bored pa ang mukha. Ito ba ang lalaking poprotektahan ko? Sabihin n'yo nga sa akin kung bakit niya kailangan ako? Kung ako lan..ihuhulog ko nalang 'to sa bangin para matapos na ang misyon.  

Ngitngit na naiinis akong hindi ko maintindihan, walang babalang umigkas ang kamao ko sa mukha ni Jeremy.

Sapol ang mukha nito, napa ‘oohhhhhhh’ ang mga kasamahan niya. May sumipol pang isa ng makitang hawak ni Jeremy ang panga niya.

Agad akong umalis at walang lingon-lingon. Buti nga sa mayabang na ‘yun. Hmp! Bwisit kasi kala mo kung sino’ pabulong-bulong pa ako habang naglalakad. Sinukbit ko ng maayos ang bag ko. Kakasira ng araw ha!

Pero naramdaman ko na lang na may mga kamay na biglang humawak sa braso ko.

“Aisssshhhh!” inis na hinarap ko kung sino man ‘yun at humanda siya dahil makakatikim ito ng isang sapak katulad ng binigay ko kay Jeremy.

Napatigil ako ng makita kung sino iyun. Si Jeremy! Walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Nakita kong parang may kunting dugo pa sa labi nito.

‘Patay ako!’ ani ko sa isip ko. Napangiwi na lang ako. Pag minamalas ka nga talaga!

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon