P-22 (Rambol)

6.5K 80 1
                                    

Napapikit ako at napakapit dahil sa bilis ng takbo ng kotse ni Jeremy. Nagsitayuan yata ang balahibo sa likod ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Diyos ko, kung magppakamatay ka Jeremy 'wag mo akong idamay hayop ka! 

Mga ilang minuto lang siguro 'yun biglang huminto at napadilat ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Akala ko katapusan ko na. Whew! Di pa ako ready, no!

Nasaan kami?

"Get out!" narining kong paanas na sabi niya.

Nilibot ko ang tingin sa labas, ah nasa carpark na pala kami ng condo namin..

Namin? feelingera naman 'to!

Lumabas na ako at lumabas na rin si Jeremy, dire-diretso itong naglakad sa elevator. Ako naman ay napasunod nalang sa likuran niya. Bantulot pa ako kung talagang susunod ako sa kanya? Teka? natatakot ba ako? No way!  Walang imikan kami sa loob ng elevator. Nakatayo lang akong tahimik, ayokong magsalita at baka ano pang masabi ko. Dahil rin siguro sa niyerbyos kanina kaya nawalan ako ng kakayahang magsalita. Pipi lang?

Tiningnan ko siya pero nakatingin lang sa pintuan. Nakaputing damit siya na may tatak ng isang kilalang brand. Nakapants naman siya na kulay blue at pula naman ang shoes katulad ng brand sa damit niya. Tumingin ulit ako sa mukha niya, nagmukhang suplado pa talaga ito dahil sa pagkakakunot ng noo. Nadedepina tuloy ang pilik mata niyang mahaba, para tuloy pilik mata ng babae. Ang ilong niyang kay tangos ay bumabagay sa labi niyang mamula-mula. Shit! bakit kung ano-ano ang nakikita ko?

Ano kaya ang iniisip niya?

Badtrip! bakit 'di ko mabasa ang laman ng utak niya?

Kilala akong mind reader. Oo, nakababasa ako ng isip ng tao kaya alam ko agad paano aatake pag may kalaban. Bakit kay Jeremy hindi? 

"Tutunganga ka lang ba d'yan?" napapiksi ako, nasa labas na pala ng elevator si Jeremy. Bakit hindi ko napansin? Napamura pa ako sa isip, kung ano-ano kasi ang naiisip ko. Muntik ko ng batukan ang sarili ko.

Sumunod nalang ako ulit sa lakad niya.

Nang makapasok kami sa condo agad itong humarap sa akin.

Yung reaksiyon ko..

"Bakit?" hintakutang sabi ko. Nakatingin lang ito sa akin. Maya-maya naramdaman ko ang hintuturo niya sa noo ko.

"Sa uulitin 'wag kang magpayakap doon sa taong iyon!" utos 'yun hindi isang salita lang.

Naguluhan ako "Bakit naman?" at nagtaray na ako. "At hindi ko naman gusto 'yun ah. Bigla nalang yumakap 'yung tao sa akin kasalanan ko ba 'yun?". Oo nga naman, malay ko ba dun sa manyak na 'yun.

Tumalikod ito sa akin "Let me clear this" nakasunod ako dito pero biglang huminto ito at humarap sa akin, napahinto rin tuloy  ako at nagulat. "Ayokong makikipag-usap ka sa lalaking iyon!" saka diretso ito sa sofa.

Nameywang akong tumayo sa harapan niya "At sino ka para utusan ako?". Hindi ako galit, galit-galitan lang makautos kasi parang pag-aari niya ang kaluluwa ko.

"Then get out of my house" walang emosyong sabi niya habang ini-on ang t.v.

"At kung ayaw ko?" nangunot ang noo ko, nakatayo pa rin habang mataman siyang tinitigan.

"So sundin mo ang utos ko" mukhang nayayamot na siya sa usapan namin.

"At kung ayaw ko rin?" tumaas ang isang kilay ko. Grabe! at ako pa ang sinabihan niya niyan? Tsk! hindi mo pa ako kilala Jeremy!

"I'll drag you to that window and throw you out" turo niya sa bintana sa gilid namin. Seryuso pa rin mukha niya habang nakaupo at nakatingin sa screen ng tv. Yung tipong isang maling galaw ko lang talagang ihahagis niya ako sa bintana. 

Napalunok naman ako, gusto ko pang mabuhay no!

Binigyan ko ito ng isang tadyak sa tiyan. Yan ang bagay sa'yo, napakawalang-modo mo talaga Jeremy. Pwede mo naman akong ihagis sa labas ng unit mo gaya ng dati bakit sa bintana pa? Eh kung mamatay ako? Sino ang magtatanggol sa'yo? Yun, yun eh, yun yun! 'Wala ka ng makikitang magpoprotekta gaya ko!' sigaw ng maliit na tinig sa isip ko.

"WTF!" sigaw niya habang hawak ang tiyan. Napuruhan ko yata ang gago! Bagay 'yan sa hambog na 'yan.

Dali-dali ang ginawa kong pagtakbo papasok sa kwarto. Lumingon pa ako at patuya siyang benelatan.

Pero bago pa ako nakapasok ay nahila na niya ang buhok. Ang sakit na pati yata anit ko susunod sa paghila niya.

"And where do you think you're going?" narinig kong sigaw niya, ang kamay niya ay nanatili pa rin sa buhok ko.

Hinawakan ko ang buhok ko na hila-hila niya, "Bitawan mo 'ko" sigaw ko. Bigla ang nadarama kong inis sa kanya. Kung hindi lang niya hawak ang buhok ko nabigyan ko ulit siya ng sipa sa ikalawang pagkakataon at titiyakin kong mas masakit pa sa una iyon. 

Tumawa ito "Ginagalit mo talaga ako, Yuri".

Bago pa ako makapag react ay natumba na ako sa sahig dahil sa sipa niya sa tagiliran ko. Namilipit ako sa sakit pero tumayo ako agad. Pasuray-suray ang ginawa kong pagtayo. Kahit masakit pa rin ang buhok ko dahil sa paghila niya ay nagawa ko pa rin mag focus. Yun ang no. 1 rule sa laban: STAY FOCUS! 

Binigyan ko ito ng side kick at natumba ito. Nakita kong ngumiti ito at pansumandali ay nakikipagbunuan na ako sa sahig. Naghilahan kami ng buhok pero syempre ako ang talo. Grabe, si Jeremy ba 'to? Pinapatulan ang babae? Grabe! Ang ginawa ko ay kinalmot ko nalang siya na ikinasigaw ulit niya.

"Shit Yuri!" Agad ang ginawa kong pag ngiti dahil sa sigaw na iyon. Bading ata itong si Jeremy. Una pumapatol sa babae tapos makasigaw wagas? Hahaha parang gusto kong pumalahaw ng tawa.

Pero ikinabigla ko ang ginawa niyang pagpapaimbabaw sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa. 

Kapwa kami na freeze ng mga sandaling iyon. Yung moment na parang nawala ang focus ko at napalitan ng paglipad ng paro-paro sa tiyan ko. Ang dami nila na parang gusto ko sila isuka isa-isa. Epekto ba ito ng pagkalagas ng buhok ko dahil sa sabunot ni Jeremy? Sabunot pa talaga ang ginamit ko no? Pero hindi eh, parang may mali? Parang kakaiba ang nararamdaman ko ng mga oras na 'to. Parang hindi ko maexplain at hindi ko mahanap sa dictionary ang ibig sabihin ng nararamdaman ko. Pero may ibig namang sabihin siguro ang kilig sa dictionary. Teka, kilig? Ako, kinikilig? Saan banda? Ah! baliw na ba ako? Si Jeremy lang naman ito ah? Saka bakit ako magpapaapekto sa kanya? 

Parang may dumaang anghel sa pagitan namin.

Kumisap ako. Kisap ulit baka kako mawala siya sa paningin ko. Pero hindi eh, nandiyan pa rin siya at wala ring katinag-tinag habang nakatingin sa akin. Pareho ba kami ng nararamdaman o ako lang talaga ang OA dito? 

Bakit biglang uminit yung pisngi ko? Ano ba 'tong nararamdaman ko, shit! Ipinilig ko ang ulo ko, sa dinami-dami ng iniisip ko ngayon bakit biglang pumasok ang eksenang ito sa buhay ko? Di ba pwedeng i-cut nalang ang ganitong scene at ifast forward nalang? Hindi ko kasi kinaya, diyoskopo!

Pero bakit parang ang gwapo ni Jeremy ngayon sa paningin ko? 

Ahhhhhhhhhhhhhh!




Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon