Hindi ko alam kung paano nakarating sa bahay pero nagising nalang ako na nakahiga sa kama ko. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay biglang naging blangko ang isip ko. Medyo kumalma na rin ako. Pero ng maisip ko ang mga nangyari kagabi bigla nalang akong nanlamig at nanginig. Samo't-sari ang nararamdaman ko, mula doon sa nalaman kong katotohanan at ang nangyaring kaguluhan ng pauwi na kami.
Bakit hindi ko naisip ito ng umoo ako sa misyong ito? Alam kong buhay din naman ang kapalit ng lahat ng ito.
May narinig akong boses sa labas. Nagtaka ako dahil parang sa labas ng kwarto lang iyon, sino kaya ang kausap ni Jeremy?
Tumayo ako sa kama at dahan-dahang lumapit sa pinto.
"You should go home" narinig ko ang tinig ng isang babae.
"No Mum, I will stay"
"Pero, Jeremy alam mo naman ang nangyari kagabi. Kung hindi pa binalita ni Esmond sa amin hindi..."
"Pero wala namang nangyari, Ma!" tumaas ang tinig ni Jeremy. So nandito pala ang Mommy niya.
"Walang nangyari? Jesus! Look at your face, at kung binaril ka nila? Alam mo naman ang kalagayan natin ngayon anak, marami ang kalaban ng Daddy mo dahil papalapit na ang eleksiyon".
"I don't care Mum, as long na wala namang nangyaring masama I stay! Now if you'll excuse me..."
"Napakatigas talaga ng ulo mo, mana ka talaga sa ama mo!" alam ko galit na ang ginang kay Jeremy. Narinig ko ang pagbagsak ng pinto. Hindi ako gumalaw, nakiramdam ako. Narinig ko ulit ang pagsara ng pinto. Binuksan ko ang pintuan ko at wala na akong narinig na ingay, katahimikan na ang naghari. Gulong-gulo pa ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Tssss.....
Nakita ko ang sarili ko sa harap ng isang shop sa gitna na iyon ng magulong lugar sa Tokyo. Tinitigan ko ang bagay na nakadisplay doon, kumurap ako. Hanggang kailan ko tatakbuhan ang bagay na iyon? Hanggang kailan ako matatakot? Nandito ako para protektahan si Jeremy, oo noon isa lang iyong misyon sa akin batay sa utos ni Mr Diaz. Pero ngayon iba na, pagkatapos kong malaman ang lahat tungkol kay Jeremy, gusto ko na sanang umatras. Para ano pa? Pero nang maisip kong nanganganib ang buhay nila dahil sa mga taong gusto silang saktan ay nanumbalik ang pagmamahal ko bilang kaibigan para sa kanya. Sa kabila naman ng lahat lahat noong mga bata kami ay siya palagi ang nasa tabi ko at handa akong protektahan. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko agad ko namang pinahiran iyon.
"Ito na pala ngayon ang hilig mo.." napatingin ako bigla sa nagsalita sa tabi ko. Nakaharap sa bagay na tinitingnan ko ang mukha ni Cio. Bigla akong napatigil.
"Si Cio at Jeremy ay magkaibigang matalik noong mga bata pa sila" bumalik ang sinabing iyon sa akin noon ni Chandi.
Kung kaibigan ni Jeremy si Cio noon posibleng siya si Lulu? At napasinghap ako. Si Lulu, ang kaibigan ko noong bata pa ako. Pero iba na ngayon ang nakikita ko sa aura nito, parang isa na itong malakas na nilalang na handang lumusob kahit saan mang giyera, giyera pa talaga ang ginamit ko eh.
Tumingin ito sa akin at ngumiti. Masayahin talaga siya hindi katulad ni Jeremy, magkaiba talaga sila o sabihin na nating kabaliktaran. Ngumiti rin ako. Pero agad ang ginawa kong pag hawak sa kamay nito at tiningnan ang kaliwang bahagi na may nunal na malaki sa braso niya. Ito lang ang palatandaan ko kung siya talaga si Lulu.
"Anong ginagawa mo, Yuri?" takang tanong nito sa ginawa ko. Pero hindi manlang niya binawi ang kamay niya na hawak ko. Natigilan ako sa nakita, so confirm nga, siya nga si Lulu. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, at biglang nagbalik ang batang si Lulu sa paningin ko. Gusto ko sana siyang yakapin pero bigla akong napatigil. Hindi! Dapat hindi nila malaman na ako ngayon si Isabelle.
Binitawan ko ang braso niya at ngumiti ulit dito. Tumingin ulit ako sa bagay na tinitingnan namin kanina.
"Takot ako dito eh pero gusto kong harapin ang takot sa puso ko. Gusto ko siyang pag-aralan" tumingin siya sa akin na parang namamangha.
"Ikaw lang ang babaeng nakilala kong takot d'yan pero gustong subukan" at tumawa ito ng mahina pero agad itong naging seryuso. Sa isang iglap hila na niya ako sa kung saan. Naglakad pa kami ng ilang minuto at nakarating kami sa isang building. Pumasok kami doon.
"Teka Cio saan tayo pupunta?" pero hindi manlang ako nito tinignan. Hawak pa rin nito ang kamay ko. Parang biglang bumalik ang panahon noon kung saan parati nitong hawak ang kamay ko. Sumakay kami sa elevator at lumabas kami sa 11th floor. Dire-diretso pa rin ang lakad ni Cio at nakarating kami sa isang kwarto. Binuksan niya at narinig ko nalang ang mga putok ng baril. Bigla ang paghawak ko sa braso ni Cio.
"Relax, diba gusto mong pag-aralan? Dito, dito ako nagshoshooting. Tara" at giniya ako papasok. "May pinaghahandaan kasi ako" at tumawa ito. "Hinahanap ko kasi ang kaibigan ko , ahh hahanapin pa pala. Gusto ko siyang protektahan, ayokong maulit ang nangyari noon sa kanya" at nakita ko ang galit na anyo niya. First time ko siyang nakitang ganoon, galit. Biglang nag-iba ang itsura nito, mabilis magpalit ng emosyon. So hahanapin niya ako?
"Tara, tuturuan kita" at ngumiti ito.
Ilang araw na kaming nagpapractice at medyo nakukuha ko na. Na conquer ko na rin ang fears ko dito, naging usual na sa akin ang paghawak niyon.
"Aba, magaling na ah. Daig mo pa ako sa pag shoot sa target" tumawa lang ako sa sinabi ni Ciong iyon.
Biglang nag ring ang cellphone ko.
Unknown number calling..
Sino na naman kaya ito? Bakit puro nalang unknown number ang tumatawag sa akin? Pag ganito kinakabahan tuloy ako.
"Hello?"
"Yuri? Mama ni Chandi ito?" narinig kong nagsalita sa kabilang linya. Kinabahan ako bigla.
"Bakit po Tita?"
"Pwede bang pumunta ka muna dito sa bahay?" naramdaman ko ang panic sa boses niya. "Kasi si Chandi, ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto at pag pumapasok kami pinapalabas kami at umiiyak" oo nga pala, ngayon ko lang nanotice na hindi ko na nakikita si Chandi na pumapasok, aisshhh busy kasi ako dito.
"Sige po Tita, pupunta na ako ngayon din".
"Anong nangyari?" tanong ni Cio.
"Si Chandi, may kunting problema lang" at umalis na ako.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise [Completed]
AksiHanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? Paano mo haharapin ang hinaharap kung ang kasalukuyan ay isang pagkakamali ng kahapon? To the future...