Glorietta
It’s Saturday morning, and I’m currently here on our porch, sitting while reading a book. Which is not effective for me because all I could think about was the interaction that happened between me and Zeus yesterday.
Pagkagising ko kanina ay naramdaman ko ang pananakit ng mga braso ko at ng leeg ko. Buti na lang ay sa braso lang nagkapasa dahil sa diin ng hawak sa akin ni Zeus at least ay matatakpan ko pa ito.
“Grey? Where are you?” rinig kong tawag sa akin ni mama.
I immediately stood up and went inside. “Here, ma. I was on the porch.” I said when I saw him in the living room. Nakasuot ng casual si mama while dad is wearing corporate attire.
“We’re going now. You sure you're okay here? Ayaw mo bang bisitahin ang company?” dad asked while holding mama’s hand.
I smiled at the sight of them. “Maybe next time. Dami ko pong pending books.” Tumawa ako.
Natawa din sila at nagpaalam na. I waved my hand while watching their car disappear from my sight. Pumasok na ako at bumalik sa porch. I even take a deep breath to focus.
Hindi ko napansin ang oras habang nagbabasa, napahinto lang ako nang tumunog ang cellphone ko. I fished out my phone and saw Damien’s name on my screen. He’s calling me.
“Hello?” I answered the call.
“Morning, bro. I was just calling to see if you would like to join us to look for retro outfits. I invited Alijah and she said she'd only go if you'd come. Kaya sumama kana.” He sounds frustrated kaya natatawa ako.
“Are you asking a favor or are you commanding me?”
“I’m asking for a favor, of course! Do I have to kneel?”
Lalo akong natawa sa iritadong sagot niya. For the past few weeks na kasama ko siya, nakabisado ko na ang ugali niya. “Okay. What time?”
“Now.”
“Are you kidding me? Nakapantulog pa nga ako.”
“Not my fault, and I don’t care. Gusto ko nang makita si Alijah.”
I rolled my eyes and smiled, “Fine. Text me the location.”
“Thanks, Grey. You’re the best!” aniya at agad akong pinatayan ng tawag. I bet he’s calling Alijah now.
Pumasok na ako ng bahay at umakyat ng kwarto para maligo. After that, nagsuot lang ako ng black jogging pants with a white sweater paired with a white leather sneaker. Tinawag ko na si kuya Albert, ang personal driver ko. The meeting place will be at Glorietta. It’s a shopping mall.
“Kuya, magte-text na lang po ako pag magpapasundo na. Thank you po and ingat pag-uwi.” ani ko sa aming driver at bumaba na ng kotse. Agad akong naglakad sa entrance ng mall at kinuha ang phone ko para ipaalam kina Damien na nakarating na ako.
I’m still typing my message when I heard him calling me. Napatingin ako sa kaniyang diresyon at kumaway. Nakita ko din si Alijah sa tabi niya. They look so good together.
“Naghintay ka ba ng matagal?” Alijah asked and I shook my head.
“Kakarating ko lang din. Saan tayo titingin?”
“Before that, gusto niyo bang kumain muna? My last meal was still yesterday.” ani Damien habang naglalakad kami papasok sa loob ng Glorietta.
Sobrang dalang ko lang pumunta dito dahil hindi nga ako pala-labas na tao. The only reason I’m going here is kapag nagpapasama si mama. Kaya kahit hanggang ngayon ay medyo naa-anxious parin sa dami at ingay ng tao. It’s an open space, and yet I feel like suffocating.
BINABASA MO ANG
The Love Of Homophobic (BXB)
General FictionI'm Greyson Castro, son of Jaime and Casthan. How can I have the love of a homophobic?