Chapter 12

2.5K 134 21
                                    

Cloud 9

The party went smoothly. After Zeus gave his speech, the party started. May mga nagbigay pa ng special performance, which really amazes us. Ngayon ko lang nalaman na may singing and dance troupe pala sa school na ‘to. I guess I was too focused to survive this school every day, and to Zeus, that’s why I’m oblivious to other things here at school.

Nang dumating ang kainan ay doon tumugtog ang banda. They are doing live songs, and I can’t help but stare at them. Kumikinang yata ang mata ko. This is not the first time I’ve watched live bands; it’s just that it gives me an overwhelming feeling every time I’m listening to them. And I know that I’m most attracted to the main vocalists since their voices never fail to give me goosebumps.

Hindi ko alam kung nasaan si Zeus, after he gave his speech, agad siyang umalis at hindi ko na nasundan kung saan siya pumunta dahil sa dami ng mga estudyante. Gusto ko ulit siyang makita, lalo na ang suot niyang ‘yon. Hindi parin maalis sa aking isipan ang itsura at presensya niya kanina n’ong umakyat siya ng stage.

He’s really a living Greek god.

Pagkatapos ko kumain ay naisipan kong magbanyo. Nagpaalam ako sa dalawa at tumayo. Hindi ko alam kung nasaan ang banyo dito dahil ang alam kong banyo lang ay iyong nandoon sa building namin.

“Kuya, nasaan po ‘yung banyo?” tanong ko sa nakita kong guard.

“Doon po sa may likod. Diretsuhin niyo lang po ‘yang hallway na ‘yan.” Sagot niya habang tinuturo ang daan. Ngumiti ako at nagpasalamat.

While I was on my way there, I fished out my phone to check my messages. I smiled when I saw one from my parents. Nangangamusta lang sila. I typed my reply and hit send before putting my phone back in my pocket.

Natuwa ako nang makita ko na sa wakas ang banyo. Agad akong pumasok para umihi. At naghugas ng kamay pagkatapos.

I was humming on my way out of the comfort room. Rinig na rinig ko ang banda pati rito. Instead of walking back to the party, naakit ang mata ko sa fountain with lights. Nae-emphasized ang liwanag nito dahil madilim ang paligid n’on. I walked into it and took pictures of the gleaming moon above me.

I love this view so much.

Sumasabay pa ang lamig ng simoy ng hangin. I closed my eyes and felt the cold breeze around me. Parang mas gusto ko pang mag-stay dito kaysa bumalik sa loob ng party. Tahimik at peaceful.

Pero syempre, hindi pwede dahil for sure ay hahanapin ako ng dalawa.

I smiled to myself and started walking on my way back when I heard something.

“Z-Zeus…” Lumaki ang mata nang marinig ang pangalan na iyon. It’s the voice of a girl and she's moaning.

“M-more… ah!” Nangilabot ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa ingay na ‘yon.

Malakas ang tibok ng puso ko. Sa kabila ng kaba ay umaasa akong iba ang makikita ko.

And there, I saw Zeus, on top of the half-naked girl, kissing her neck while humping on her roughly. Lumaki ang mata ko at hindi mapigilan ang mapasinghap sa nakita. Agad silang napatingin dahil sa ingay na ginawa ko.

“I-I’m sorry!” Agad kong sinabi at tumakbo palayo doon. My heart is beating so fast, and yet I can feel it clenching painfully.

Biglang umikot ang aking paningin nang maramdaman ko ang marahas na hila sa aking braso. Dumagdag ang matinding takot sa puso ko nang makita ang galit na mukha ni Zeus.

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon