Chapter 4

2.5K 129 6
                                    

Strawberry shortcake

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naiwang nakatayo dito sa parking lot. Nagising lang ang diwa ko nang tumunog muli ang speaker ng school.

Oo nga pala, kailangan palang pumunta ng hall. I shook my head to erase Zeus in my mind. Wala akong magagawang matino kung hahayaan ko siyang manatili sa isip ko.

I glanced at my broken bike, I can't leave it like that.

Lumapit ako doon upang sana igilid man lang 'yon ngunit may dumating na isang lalaki. From the way he looks, he's a security guard.

He looked at me and smiled, "Bike mo ba ito? Ako ng bahala. Inutusan ako ni Sir Zeus na ayusin ito. Maaari na kayong pumasok sa loob ng school."

Natagpuan ko na lang sarili ko na tumango sa kabila ng kalituhan. "T-Thank you po." ani ko at tinalikuran na siya.

Kailangan ko munang pumunta ng banyo bago sa Hall. I can't go to classroom with this condition. Baka magtaka sila sa magulo kong itsura.

Kinuha ko ang school map sa aking bag dahil hindi ko pa naman kabisado itong school. It took me a few minutes until I found the boys' comfort room. Pumasok ako doon at nakahinga ako ng maluwag dahil walang ibang estudyante.

Kailangan ko nang mag madali dahil mukhang nasa hall na silang lahat.

I stared at the mirror and sighed to what I saw. I looked awful. Magulo ang aking buhok at natatakpan ang mata ko. I pushed it back and washed my face. Mapula ang aking mata at ilong dahil sa pag-iyak kanina.

Pagkatapos kong magpunas ng mukha ay lumabas na ako at nagdali-dali sa Hall. Muntikan pa akong naligaw, mabuti na lang at nasundan ng tenga ko ang ingay.

Pagkapasok ko ay puno ng estudyante ang hall. I can feel their stares as I tried to find a seat. Sa pinakalikod ako napunta. Hindi na ako nagtaka 'don dahil nahuli ako sa pagpunta dito.

The noise lessened when a guy in mid-forties climbed in the stage. I know him, he's the principal.

"Good morning, Olympians!" masigla niyang pagbati. Some of the students greet him back, some are not and I'm one of them.

The Principal starts to discuss about the school, rules and regulations, upcoming events, their expectations on us but what caught my attention is when I saw Zeus climbing on the stage too.

"And now let's hear the speech of the son of the owner of this school, Mr. Prince Zeus Dark!" Nagsipalakpakan ang ibang estudyante habang ako ay nakatitig lamang sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatayo sa harapan ng lahat. He didn't even bother to change his cold expression.

Nagsimula siyang magsalita kaya nanahimik ang lahat. Mas tinalo pa niya ang presensya ng Principal sa harapan ng mga ito. Halatang malaki ang respeto kay Zeus ngunit nararamdaman kong ang iba ay dahil din sa takot.

I wonder why.

Hindi ko mapagtuunan ng pansin ang sinasabi niya. I'm just admiring how cold and deep his voice is, the way his lips reddened more when he's licking it, the way his adams apple moves and everything he does infront of me. Siya lang ang nakikita ko, sa kaniya lang naka-focus ang paningin ko. I don't want to look away or even blink!

Nagtama ang paningin namin at agad tumalim ang tingin niya. Ayan na naman ang pamatay niyang tingin ngunit kahit na 'ganon ay ang lakas parin ng kabog ng puso ko.

Seriously? There's something wrong with you, Greyson.

"... my school, my rules. Mess up with me and I'll show you hell." Tumaas ang balahibo ko sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay para sa akin lang ang banta na iyon. "Dismiss."

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon