Chapter 5

2.4K 120 5
                                    

Damien

Kinabukasan ay parang ayokong bumangon sa kama. Gusto ko na lang magkulong sa loob ng kwarto at 'wag ng lumabas buong araw.

"Anak, gising kana ba? Nakahanda na ang almusal sa baba. You're Daddy is waiting for you." narinig kong sinabi ni Mama mula sa labas ng pinto ko tapos ang mga hakbang niya papalayo.

I guess I can't lock myself in my room, huh? Paniguradong magtataka sila kung hindi ako papasok ngayon lalo na at pangalawang araw pa lang ng klase.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Zeus ang dahilan dahil ayokong magkagulo ang pamilya namin at pamilya nila Tito Caius.

Pinili ko ang school na 'yon kaya dapat tiisin ko. I chose to follow my feelings so I need to face the consequences.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at sinaluhan sila Mama at Daddy sa breakfast.

"How's your first day, Greyson?" Ang baritonong boses ni Daddy and nagpahinto sa akin sa pagsubo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. And the last thing I want to do is to lie to them.

"A-Ayos lang po?" That stupid answer came out of my mouth. Kumunot ang noo ni Daddy sa aking sinagot at ako naman ay halos gustong sabunutan ang sarili sa sinagot.

Tumikhim ako at ngumiti sa kaniya, "I mean, ayos lang po. Kahit po nakabisita na ako d'on ay medyo naliligaw parin po ako." I laughed a little to ease the tension I've made.

Daddy Casthan stared at me for a few seconds before he nodded. "That's nice, then. So... you meet Zeus?"

Nabitawan ko ang kutsara ko sa pagkabangit niya sa pangalang ni Zeus. Agad kong dinampot 'yon at umaktong parang walang nangyari.

Uminom ako ng tubig para maibsan ang kaba. Baka dahil dito ay aksidente kong masabi ang mga pinag-gagawa sa akin ni Zeus.

It's white lies, okay? I just don't want to bring conflict between the friendship of my parents and Zeus' parents.

"O-Opo. He gave a speech on the stage yesterday." maikli kong sinagot. Umiwas ako ng tingin nang tanging titig lang ang isinagot ni Daddy Casthan.

It's like he's reading me and he know's that I'm lying.

"You should be friends with Zeus. He's second year in college, right? Magtanong ka about lessons they tackled last year para may advance knowledge ka about your course. Same course lang kayo, 'di ba?" si Mama naman ang nagsalita.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at panigurado'y mukha na akong constipated sa harapan nila.

"S-Susubukan ko po, Mama."

"Don't try it, do it! Para naman hindi kayo nagkakailangan tuwing bumibista dito sila Tito Gaze mo."

"B-Baka busy din po kasi siya, ayoko pong maka-istorbo."

Tumango-tango si Mama, "Sabagay... but then, try mo parin, okay? Hindi lang si Zeus, your classmates too! Tapos imbitahan mo sila dito kung may group project kayo or assignmets. Hindi ba't masaya 'yon?" I can't help but to smile to my Mama's tone of voice. Mas excited pa siya sa akin.

My parents knows that I'm not good at engaging with others that's why they are taking this opportunity to make me friends with other people.

"Opo, opo..." natatawa kong sinabi. I saw a glimpse of smile to Daddy's Casthan lips too. He's staring at Mama with so much love in his eyes.

After that, I went to school riding my bike. Mabuti na lang at naayos agad ito dahil wala sana akong magagamit ngayon. Hindi din nalaman nila Mama na nasira ang bike ko kahapon. And that's a good thing for me.

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon