Mason
Kung may ibang tao lang ang nasa sitwasyon ko ngayon, malamang na pipiliin nilang mag-drop out kaysa patuloy na magtiis sa pang-aapi na paulit-ulit na nararanasan ko.
Nasa isip ko rin ang opsyon na umalis, subalit sa kabila ng mga nangyari sa akin sa kamay ni Zeus ay hindi ko mapigilan manghinayang. Ayokong iwan ang mga kaibigan ko, lalo at ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng tunay na kaibigan.
Natatakot akong muling makipagkilala sa ibang tao at muling mag-adjust sa bagong kapaligiran. Ang pagtitiwala sa iba at pagbuo ng mga bagong kaibigan ay hindi madali para sa akin. Lalo na't naranasan ko na ang kalupitan ng isang taong hindi ka kayang tanggapin.
At hindi ko maiwasan mag-isip na kung paano kung mas malala pa ang maranasan ko sa ibang school?
Kung dito ay sumasaya pa ako, paano kung sa ibang school ay mas lalo lang akong magsisi?
Saka bukod pa doon ay alam kong magtatanong ang magulang kung pipiliin kong umalis sa school na 'to. At siguradong malalaman ni Tito Gaze iyon at magtataka.
Hindi ko na kayang magsinungaling pa. At ayoko nang umisip ng dahilan para lang itago 'tong nararamdaman ko para kay Zeus at para lang walang magkagulo.
Tumingin ako sa pamilyar na estudyanteng nasa harapan ko. Kasulukuyan siyang pinapakilala ng aming propesor.
"Today, we have a new student joining us. Please welcome Mason, who has recently transferred to our school."
Mason adjusted his large-rimmed glasses with a gentle smile playing on his lips. He stood quietly, taking in the room with curious eyes that seemed to absorb every detail. As he scanned the faces around him, his gaze finally met mine, and there was a subtle gleam of recognition in his eyes, as if he's happy to see me.
"Kilala mo 'yan?" tanong ni Damien kaya napatingin ako sa kaniya.
Umiling ako, "No, but I've seen him already." sagot ko, walang balak sabihin na nakilala ko siya dahil kay Zeus.
Bumalik ang tingin ko kay Mason na ngayon ay naglalakad papunta sa pwesto ko. Akala ko ay ako ang pakay niya ngunit nang lumagpas siya para umupo sa likuran namin ni Damien ay nakahinga ako ng maluwag.
"Why are you always wearing turtle neck, Grey?" panibagong tanong ni Damien, nanliliit ang mata niya sa akin at parang alam ang tinatago kong sekreto.
Ramdam ko ang pag-iinit ng tenga ko sa tanong niya, "Because I want to," maikling sagot ko at iniwas ang tingin.
"Oh, really?" he sarcastically asked and tried to pull the neckline and I immediately moved away from his hand.
"What are you doing?" mariin kong tanong ngunit mahina dahil nag-uumpisa nang magturo ang guro sa harap.
"You are the only one I’ve seen wearing a turtleneck for five consecutive days," dagdag pa niya at sinusubukang hilahin ulit ang neckline ko.
Hinampas ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin, "You'll stop or you will stop?"
Tumawa siya ng mahina, "Nasaan ang option ko doon?"
Umirap ako at nagfocus na sa harap. Ngunit wala pa mang limang minuto ay nakaramdam ako ng pangangalabit sa likuran ko.
Lumingon ako kay Mason. Nahihiya siyang tumingin sa akin, "I'm sorry to disturb you... I just want to know if you have extra pen?"
Tumango ako at kinuha ang pen sa bag ko. I handed it to him, "Here," sabi ko at ngumiti.
Ayan na naman ang titig niyang nakakailang sa mukha ko. "Thank you..." narinig kong sabi niya. I just smiled and returned my eyes at the front.
"Someone's crushing on him..." tukso ni Damien sa akin.
BINABASA MO ANG
The Love Of Homophobic (BXB)
General FictionI'm Greyson Castro, son of Jaime and Casthan. How can I have the love of a homophobic?