Chapter 3

3.6K 202 101
                                    

Parking lot

Maaga akong gumising para sa unang araw ng klase ko sa college. I have this smile on my face while I'm taking a bath. Inayos ko ang sarili at tinignan ang uniporme na suot ko. Long sleeve white polo with a dark blue necktie na pinatungan ng kulay navy blue na cardigan with black slacks.

"Good morning, Greyson!" bati ni Mama nang makarating ako sa kusina. Nakita ko si Dad na nakaupo habang nakatapat sa laptop niya.

Ngumiti ako kay Mama at binati siya pabalik pati narin si Dad. Umupo na ako at hinintay ang inihandang almusal ni Mama.

Pinanuod ko si Mama, he's 39 years old and yet he looks so young. Habang tumatanda ay parang mas lalong bumabata pa ang itsura niya. Posible pala 'yon. Siguro dahil narin sa pagmamahal at pag-aalaga ni Dad sa kaniya.

Kahit busy ito sa kumpanya ay hindi siya nagkulang ng oras sa amin, lalo na kay Mama. Kung mago-overtime man siya, babawi siya kinabukasan. Sa ilang taong pagsasama namin sa bahay ay bilang lang sa daliri ang naging tampuhan at away nila. Agad inaayos ni Dad, hindi niya hinahayaang matulog si Mama na malungkot. Mahal na mahal nga nila ang isa't-isa.

Biglang pumasok sa isip ko si Zeus. Ganito rin kaya kami sa future?

Nag-init ang mukha ko at agad inalis 'yon sa utak ko. Ang advance ko naman mag-isip. Para namang mangyayari 'yon 'e halos patayin niya na 'ko sa mga tingin niya.

"Casthan!" Umagaw sa pansin ko ang sigaw ni Mama. Napatingin ako sa harapan ko kung saan nasa kandungan na siya ni Dad. Napangiti ako dahil alam kong nahihiya si Mama sa akin kaya pumapalag siya kay Dad.

"Mahiya ka naman!" Pulang pula ang mukha ni Mama habang tinutulak niya si Dad. Hindi siya makatingin sa akin.

"Okay lang, Ma. Parang naglalambing lang sayo si Dad." ani ko sabay tawa.

Nag-umpisa na akong kumain at natatawa na lamang sa paglalambingan nila sa harapan ko.

Pagkatapos ay nagsepilyo muna ako bago tumulak papuntang school. Nagpresinta pa si Dad na ihatid ako ngunit tumanggi ako. Ayaw kong maistorbo ang paglalambingan nila Mama.

Bike ang gamit ko papuntang school. Mas gusto ko 'yon kesa sa kahit anong sasakyan. Tinanong na ako ni Dad noon kung ano ang magiging sasakyan ko papuntang school. He wants to buy a new car for me but I refused. Hassle kasi ang kotse para sa akin. Traffics and some possible incidents. Buti pa yung bike makakasingit ka pa sa daan at hindi naman siya gaanong agaw pansin.

Pagkapasok ko sa parking lot ay puro high-class cars and motorcycles ang nakikita ko. Bilang lang yata sa daliri ko ang naka-bike sa school na 'to.

Bumaba na ako at ni-lock iyon. There are some students passing by and I can feel their stares but I didn't mind them.

"Hey, boy." Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa likuran ko. Maganda siya at mahubog ngunit pulang pula ang labi at napakaikli ng skirt na suot.

"You're new here?" she asked and I nodded. Humakbang siya palapit, while I unconsciously step back. Mukhang napansin niya 'yon kaya tumigil siya. Maarte itong tumawa at umiling.

"You're parking at the wrong place. If I were you, you should park it in another place immediately before the king gets here."

Nalito ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi ako makapagsalita. I'm still not used to talk to other people.

She smiled at my clueless face, "Good luck, baby boy." she said seductively and turned her back.

Good luck? What does she mean by that?

Nakaramdam ako ng kaba habang sinusundan siyang naglalakad palayo. Ilipat ko daw ang bike ko. At bakit?

Maybe it's just a prank. Ganito ang mga nababasa ko sa novel 'e.

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon