Chapter 2

4K 210 48
                                    

Miserable

"Congratulation, Greyson!" pagbati ni Mama at sinalubong ako pagkababa ko ng stage. Ngumiti ako at binigay ko sa kaniya ang diplomang hawak ko. His eyes glistened in tears and hugged me.

"I'm so proud of you!" sigaw niya.

"Thank you, Mama. This is all for you and Dad." ani ko sabay yakap pabalik sa kaniya.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa amin. Ang iba ay may namamangha, ang iba naman ay may disgusto sa mukha. Hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin at dumiretso kami ni Mama sa upuan kung nasaan si Dad.

Ganiyan naman ang mga tao. Huhusgahan ka nila na parang alam nila ang buong pagkatao mo. Ikaw din ang talo kapag nagpaapekto ka. Kahit naman kasi ipagtanggol mo ang sarili mo, wala kang magagawa. Ikaw din sa huli ang lalabas na mali.

"Greyson," tawag ni Dad nang makalapit kami ni Mama. Tumayo siya at niyakap ako, "Congrats, son. I'm so proud of you. I know you'll be the Summa Cum Laude here in your school."

Ngumiti ako sa kaniya ng humiwalay siya sa yakap, "Thanks to the books you gave to me, Dad. Saka po gusto kong suklian ang pag-aalaga niyo sa akin."

"You don't need to do that, son. Having you in our side is enough. We don't want to pressure you. We just want you to be happy." Uminit ang mata ko dahil sa sinabi niya. He's the best Dad ever. Kahit na hindi halata dahil mukha siyang masungit at strikto pero siya ang tatay na hihilingiin mong sana ay magkaroon ka.

I'm too spoiled even if I don't want to. Yung kasayahan na akala ko binawi noong bata pa ako ay ibinalik nila. I'm so lucky to have them. Hinding hindi ko sila ikakahiya. Kahit maraming humuhusga sa kanila at sa akin.

"I love you, Dad. Kayo ni Mama, mahal ko kayo sobra." sinsero kong sinabi na nakapagpangiti sa kanila.

Umalis na kami ng school at napagpasiyahang umuwi na. May inihandang handaan sina Mama para sa akin at laking tuwa ko ng sabihin niyang dadalo sina Tito Gaze.

Sana ay makita ko ulit si Zeus dahil pagkatapos noong gabing una ko siyang makita ay hindi na siya kailanman sumama kina Tito Caius sa pagpunta sa bahay. It's been more than a year since the last time I saw him.

Hanggang stalk na lang ang ginagawa ko. I tried to stalked him online but his facebook account was private. Ang tanging nakuha ko lang ay ang profile picture niya.

Agad kong ni-save iyon sa cellphone ko. Napakagwapo niya 'don. The picture seemed like a stolen one. Naka-side view siya at malalim ang titig kung saan. Nadepina ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong. Ang ganda ng mata niya dahil parang may eyeliner na nakalagay, but I know it was natural. Lalong umitim ang mga mata niya dahilan na parang nalulunod ka kapag nakatingin d'on.

I tried to follow him but when I woke up in the next morning, my account was blocked. Ikinalungkot ko iyon ng sobra kasabay ng pagtataka. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin 'e hindi pa naman kami nagkikita maliban sa gabing 'yon.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto upang makapagbihis na. Muli akong naligo at nag-ayos, nagbabakasakaling makita ko ulit si Zeus.

I admitted it. It was love at first sight, and he's my first love. Hindi pa ito alam ng mga magulang ko ngunit alam na nila na katulad nila ako. I'm a gay by heart.

Simula noong sabihan nila akong mukhang babae dahil sa buhok ko ay nagpagupit ako kahit ayaw ni Mama. Medyo mahaba parin naman siya pero hindi na natatalian. Mas gusto ko ang naging bagong gupit ko kahit na para akong may bangs kapag hindi ko hinahawi pataas.

"Greyson? Nandyan na sila Tito at Tita mo. Bumaba kana." ani ni Mama habang kumakatok sa pinto. Lumiwanag ang mukha ko at agad lumabas ng kwarto. Nasabayan ko pa si Mama sa paglalakad.

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon