Chapter 13

2.4K 151 28
                                    

Call

“Sir Greyson?” I snapped out of my thoughts when I heard Kuya Albert calling my name.

“P-Po?” Kumurap ako upang pasimpleng maalis ang luha.

“Nandito na po tayo.”

Tumingin ako sa labas at nakita ang bahay. Nakauwi na pala kami and my mind was too occupied to notice that.

Maliit akong ngumiti sa aming driver at bumaba na ng kotse. I checked the time, and it’s already quarter to 2 a.m.

Sana ay tulog na sila Mama dahil hindi ko alam kung anong maisasagot ko kung kukumustahin nila ang event. I just want to lay on my bed and rest my mind from everything.

The lights were dim when I entered the house. My parents are sleeping, and that’s a good thing. Nang makarating ako ng kuwarto ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Nangangati ako sa mga lupang nadikit sa akin nang itulak ako ni Zeus kanina.

My tears were falling while I was washing myself. It hurts so much. Pakiramdam ko ay isa akong laruan na tinapon pagkatapos pagkasayahan. He played with my feelings, and as much as I would like to hate him, alam kong malabo.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pang-aabuso at pamamahiya sa akin ay parang lalo lang ako nahuhulog sa kaniya. I’m so stupid, and I hate it.

I hate that I love him.

I hate that even after what happened tonight, I still want to see him and feel his warmth on my skin again.

I looked in the mirror and touched my swollen lips. Pumikit ako nang mariin at inalala ang itsura ni Zeus kanina habang hinahalikan ako.

How can he even do that? He’s disgusted at me, but he can still look like he’s enjoying the kiss that we shared.

He must be a great player.

Humiga na ako ng kama at nag-iwan ng mensahe kina Ali at Damian na nakauwi na ako. I can still remember their worried faces when I went back at our table and tell them I’m going home. Alam kong ramdam nilang ‘di ako okay pero hindi na sila nagtanong at hinayaan na lang ako umalis.

I’m just thankful to have them. Despite experiencing hell at that school, in the end, I know I will still have my friends.

Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ako pinapatulog ng utak ko. Every time I close my eyes, I can see Zeus kissing me and the disgusted face of the girl while looking at me.

Sinubukan ko takpan ang aking mukha gamit ang unan para makatulog ngunit hindi gumagana. Napaaray pa ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw para tignan ang likod ko sa salamin. Nagulat ako sa laki ng pasa na nakita ko. My skin is so pale; that’s why it’s too obvious. Napansin ko din ang mga pasa ko sa ibang parte, lalo na sa aking braso.

Nadagdagan ang mga iniisip ko dahil dito. Kailangan ko ‘tong maitago mula sa parents ko dahil sigurado ay hindi nila ako titigilan sa pagtatanong kung saan ko nakuha ang mga pasang ‘to.

I sighed and went back to my bed. At dahil hindi ako makatulog ay naisipan kong gamitin ang phone ko. Balak kong mag-browse sa social media hanggang makatulog ako.

Bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas at tumingin nang makakain. I went to our counter and sat on a chair while distracting myself with my phone.

Buti na lang at walang pasok bukas kaya ayos lang magpuyat ngayon and I can also take a break from Zeus.

I am overthinking about what will happen on Monday. Natatakot ako na baka kumalat ang balita na hina-harass ko si Zeus at mag-iba ang tingin sa akin ng mga estudyante.

The Love Of Homophobic (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon