Pinilit nila ang mga sarili nila na nagka-amnesia ako kaya hindi ko sila maalala. Syempre pumayag na rin ako na yun ang isipin nila, ayoko namang isipin nila na nababaliw na yung totoong may ari ng katawang to.
Sa mental development test na ito, hindi ko alam kung saan at kailan ang hangganan pero sana ay maipasa ko na ito para makauwi na rin ako sa sarili kong katawan.
Nagpakilala ang naka damit ng all blue na ang pangalan ay Hani, at ang all green naman na Karen ang pangalan sa akin. Best Friends ko daw sila.Ikinuwento nila sa akin na kami ay nagtatrabaho ngayong buong summer at kailangan na naming umalis bago pa man kami ma late.
Napatigil ako sa paglalakad ng marealized ko kung saan kami pupunta. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid . Some guys are wasted at pasuray-suray na naglalakad palabas ng bar with a prostitute.
"Wait, bakit nga ulit tayo nandito?" I asked kahit na alam ko na ang sagot.
"We need to do this, for your mother's medications Chelsea. Nalimutan mo na ba? Three weeks na tayo dito?" Kunot noong sabi ni Karen. All green parin ang suot niya pero mahaba ang dress na suot niya.
For my mother? Tama ito na nga iyon.
Ang tanging paraan para maipasa ang test na ito ay para matutunan ang kahalagahan ng magulang. Naalala kong sabi ni JC noon.
Ano ba kasing gagawin namin dito? Pokpok ba ang magiging trabaho namin dito?
"Chelsea, tara na malelate na tayo.. " hinila na ako ni Hani papasok ng Bar. All blue parin ang suot niya. Blue dress that lies just above the knee. Ganun din yung suot ko, kaso nga lang pink.
Dumeretso kami sa likod ng stage, and I followed them as they enter a room. Tumigil sila sa harap ng isang babaeng all red naman ang suot. Medyo may edad na siya at sa tantya ko ay nasa mga mid 30's na siya. Ano to zaido? E hindi naman pala ako kailangan dito e. They have all they need, blue, red at green !
I felt a shivered ran down on my spine as I watched the old women stared at me with angry eyes.
"Bilisan niyo na, at kanina pa kayo hinihintay ng mga costumer!" She snapped.
Mas lalo akong kinabahan. Hinihintay ng mga costumer? Oh no!
Nabigla na lang ako ng biglang iabot sa akin ni Hani ang kulay pink na microphone. Relief floods through me . Ibig sabihin hindi kami prosti? Yehey!
Inabot ko yung microphone pero huli na bago ko pa man marealized na hindi nga pala ako marunong kumanta dahil naitulak na kami papuntang stage nung babaeng naka pula.
I watched as the crowd go wild as we enter the stage and literally I frozed.
"K-karen, hindi ako marunong kumanta.." bulong ko kay karen at agad niyang nasapo ang noo niya.
"Hala, oo pala. May amnesia ka.." -Karen
"Patay.. " -Hani.
Nagsimula ng mapuno ng tugtog ang paligid at nagpalakpakan na ang mga tao.
Nagulat naman ako kasi yung kanta, alam niyo kung ano? Breathless..
Syempre alam ko yung kanta, pero hindi ko lang alam sa boses ko kung keri ba niya.
Naunang kumanta si Hani at kinabahan na ako bg sobra. Bumilis ang tibok ng puso ko. At tahimik kong pinagdasal na sana ay mabutas na lang yung stage at mahulog ako doon sa ilalim.
"Karen, tulungan mo 'ko.. " I pleaded at binigyan niya lang ako ng sorry-look bago naman niya simulan ang pagkanta .
Lumapit ako kay Hani.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...