Natatakot ba ako? Oo naman. Sino ba naman ang hindi. Ang kaso nga lang kahit na takot ako hindi ko naman pwedeng hayaan na yun ang mangibabaw. Iniisip ko pa lang na may mga taong masasaktan ng dahil sa'kin, hindi na kinakaya ng katawang lupa at konsensya ko.
Bumaba na ako ng taxi at nagpasalamat kay manong driver na hindi na ako pinabayad ng pamasahe ng malaman niyang anak ako ng dating mayor na kasalukuyang kakandidato ulit ngayong eleksyon. Natulungan daw kasi siya nito. Good thing.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Lord, gabayan niyo po ako sa gagawin kong 'to. Sana walang mangyaring hindi maganda.
Dinilat ko na ang mata ko. Handa na sana akong maglakad ng biglang mag-ring ang phone ko. Agad ko 'yung sinagot.
"Hello--"
"Kapag ba nagpakita na ako sa'yo? Hindi ka na tutuloy?" Napahigpit ang hawak ko sa cellphone na hawak ko at agad na lumingon sa paligid. Naging unusual na naman ang tibok ng puso ko.
Gusto ko na siyang makita.
Napahinto ako ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa rooftop ng isang abandonadong building. Na may taas na apat na palapag.
Ang kaso, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niyang matagal ko ng gustong makita. Nasa likod niya kasi ang araw kaya nasisilaw ako.
Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita kong nakalapat ang cellphone niya sa tenga niya. Nakasuot siya ng blue shirt sa ilalim ng brown leather jacket at black pants while the wind is blowing.
Naramdaman ko na lang ang luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko. Andito siya.
Gusto kong tumakbo papunta sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. Miss na miss ko na siya. Kasi naman e! Masyadong nagpapamiss 'tong isang ito e.
Pero mas lalong nakakainis kasi...Effective!
"Nakakainis ka!"
"Oh..teka--" hindi na natapos ni JC ang sasabihin dahil sa biglang pag-alingawngaw ng putok ng baril.
Natigilan ako. Napaatras ako at nabitawan ko ang cellphone. Naramdaman ko ang dulo ng baril sa likod ko.
"Taas ang kamay!" Sinunod ko ang utos niya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang nagsusurrender. "Sinong kausap mo?!" Diniin niya ng kaunti ang baril sa likod ko at nangingiyak akong umiling.
"W-wala po."
"Sinungaling!" Sigaw ni professor Miguel sa tenga ko.
Tinaas ko ang tingin sa direksyon kung nasaan ko nakita si JC pero wala na siya.
"Lakad!" Utos niya habang nakatutok sa likod ko ang baril niya.
Pumasok kami sa loob ng isang warehouse at agad niya akong tinulak ng ma-kapasok kami sa isang kwarto kaya halos masubsob ako sa sahig.
Napaangat ang tingin ko sa unahan at doon ko nakita si Cheen na nakatali sa isang upuan.
"Cheen.." pinanuod kong pumatak ang luha niya sa pisngi niya. Nakatali ang mga binti niya habang ang mga kamay niya naman ay nakatali sa likod niya. Pati bibig niya nakatakip din.
Pero ang mas ikinadurog ng puso ko ay ang makita ang itsura niya... may mga pasa siya sa mukha at bukas ang ilang butones ng blouse niya.
Kahit na hindi pa man kami ganoong katagal na magkasama ni Cheen. Napalapit na siya sa akin. At alam kong pinapahalagahan din siya ni Shine. Ng katawang 'to.

BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Dla nastolatków"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...