Eighteen

25 1 0
                                    

I feel betrayed.

Kaibigan ko siya. Hindi ko aakalaing magagawa niya akong lokohin para lang isipin kong niloloko ako ni JC.

"Sorry Mandy. I hope in time you find it in your heart to forgive me." Narinig kong sabi ni Nicole bago ko marinig ang pagbukas at pagsarado ng pintuan.

Niyakap ako ng lola ni JC. Habang tahimik na umiiyak. " Pasensya ka na hija, nangangailangan lang talaga ng trabaho si Nicole. Siguro wala lang siyang choice. Maayos din ang lahat."

"Sana nga po.."

Napahiwalay na lang kami ni lola ng biglang pumasok si Tiffany sa room ni JC at magsisigaw.

"Mandy!!!"

"Bakit? Anong nangyari?"

"You should see this."

Tumakbo kami nina Tiffany papunta sa living room kung saan may binabalita sa TV.

[Breaking NEWS:  Sunod-sunod na pagtigil ng heart beat ng pasyenteng nakaranas ng MDT nakakaalarma na!"] Sabi ng reporter sa balita habang pinapakita yung iba pang mga taong binawian na ng buhay.

NO!

Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ni JC.

Laking tuwa ko ng maayos pa ang paghinga nito.

"Anong gagawin natin? Paano na ang Apo ko?" Naiiyak na sabi ng lola ni JC. Habang sinusuklay ang buhok nito.

"Tiffany.."

"Ano yun frend?"

"Samahan mo ko. May pupuntahan tayo."

Hindi ko kayang mawala si JC sa akin. Hindi ako papayag.

***

"Hindi ba't kayo ang may gawa ng experiment? Dapat alam niyo rin kung papano lulunasan!" Sigaw ko sa scientist.

"Hindi sa hindi ko alam, hindi lang ako sigurado hija. Masyadong delikado."

"Delikado? E hindi pa ba Delikado yung paglagay ninyo sa amin sa whatsoever test na yon?! "

"Mam, pasensya na po pero tapos na po ang visiting hours" sabi ng pulis.

"Anong tapos na! Hindi pa kami tapos! Wala pa nga siyang sinasabi e!"

"Mandy, huminahon ka muna." Sabi ni Tiffany pero mas lalo lang akong nakaramdam ng inis.

"Anong huminahon?!"

"Mandy.."

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. The next thing I knew, hinihila na nila ako palayo.

"Anak, are you okey?" Tanong ni mommy ng salubungin niya ako sa gate at yakapin.

"No, mom. I'm not okey." I said as I cry.

Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Christian na nakatayo sa pintuan ng mansion.
"What are you doing here?"

"Anak, may sasabihin daw siyang importante sayo. Please be good. Iiwan ko muna kayo okey?"

Mom kissed my forehead before going inside at naiwan kaming dalawa ni Christian.

"May sasabibin ka ba? Kung wala, makakaalis ka na!" Sabi ko at nilagpasan ko siya.

"Alam ko na kung papano mo siya maililigtas." Natigilan ako sa sinabi niya.

Seryoso ba siya!

Napakunot ang noo ko at napalingon ako sa kanya.

"Bago ang lahat gusto kong malaman mong mahal kita. And I'm sorry, matagal ko ng alam ang panglunas but I was too selfish to care. " kinuha niya at nilagay niya yung maliit na bote sa kamay ko. "I want you to be happy even if it means that it's not with me "

"Thank you." Niyakap namin ang isa't -isa and after some time we pulled away.

Umuwi na si Christian habang ako naman ay bumalik sa bahay nina JC.

"I'm coming. Wait for me. I love you." I said as I kissed his cheeks.

Ako naman ngayon ang magliligtas sayo..

Nag-iwan ako ng sulat para sa kanila mommy at lola bago ako pumunta sa garden kung nasaan yung lagayan ng dayami.

Tumayo ako sa tapat ng pinto. At huminga muna ng malalim.

Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Pwedeng makabalik ako at pwedeng hindi na. Pero sa ngayon wala ng ibang mahalaga pa.

Ininum ko na ang likido at pumasok sa loob ng pinto.

Humiga ako sa mga dayami at doon hinayaan ang sarili kong hilahin ng antok.

Naririnig ko ang malakas na katok ng pintuan.  Sigaw ni mommy, tiffany at ni lola pero huli na ang lahat nakapikit na ako.

"Mandy.."

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon