Two days.
It's been two days since that night. Naiinis ako sa sarili ko kasi ngayon ko lang naisip kung gaano ka-desperada ang naging itsura ko nung gabing 'yon.
Hindi naman ako nagsisisi na ginawa ko 'yon e. Naiinis lang ako kasi nauwi sa wala tapos nagmukha pa akong patay na patay sa kanya. Hindi nga ba? Ay ewan! Basta! Nakakainis siya! Hindi man lang siya nagpakita!
"Oh shine, ano ba 'yang iniisip mo at halos mapunit mo na 'yang registration form mo?" Inangat ko ang ulo ko at nginitian ko lang si Cheen.
"I'm just pissed that I don't remember anything from the past that's all.." palusot ko. Nandito kami ngayon sa college of architecture at katatapos lang namin magpaenrol.
"Magiging maayos din ang lahat. Tara, uwi na tayo para makapagpahinga ka na." -Cheen
Sa loob ng dalawang araw marami na rin akong nalaman tungkol sa katawang 'to. Tungkol kay Shine. Best friend nito si Cheen na classmate na niya mula pa nung pre-school.
Ate niya si Star. Si Ate Star ay nagtatrabahong cashier sa isang sikat na mall. Yung babaeng umiyak sa balikat ko. Ang Dad Arnel niya ay tatakbo sa darating na eleksiyon bilang mayor. Habang ang Mommy Cindy naman niya ay mas piniling maging housewife para daw maalagaan si Shine. Ayaw din daw kasi nitong matulad ito sa kanya na halos araw-araw na hindi nakakasama ang magulang noong kabataan pa niya.
Parang ako.
Sana nagawa din ito ng mga magulang ko. Sana hindi hanggang phone calls at picture ko lang sila nakakasalamuha.
Sabi noon ni JC ang MDT na to ay tuturuan ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang. Pero hindi ko pa rin naiintindihan. Bakit ko pa kailangan dumaan sa ganitong test e ni hindi ko naman nakakasama ang mga magulang ko. Kanino ko naman mai-aaply ang mga matututunan ko dito?
Hindi ko nga alam kung bakit ko nalagpasan 'yung unang test.
Para sa akin, hindi makatarungan na mga kabataan lang ang may ganito. Dapat sila din meron.
Pero hala! Paano kung meron nga!? paano kung pati sila Mom at Dad din ay nasa MDT ding gaya nito? Pwede kaya yon? Na baka hindi ko sila nakikita ay dahil sa hindi sila pumasa? Hala!
"Shine, si professor miguel oh. Tara lapitan natin. " Cheen shouted pulling me through my thoughts. Hinila ako ni Cheen papunta sa lalaking may edad na."Prof. Miguel!" Cheen shouted at napalingon ito sa amin. "Hi, sir. " Hindi ako nagsalita kaya tinitigan lang ako ng professor. "Ah. Pasensya na po kayo sir. May amnesia po si Shine kaya hindi niya po kayo maalala." Cheen explained at lumipat ang tingin ng prof. Sa akin.
"Oh I see. " napatango siya. But what's more weird ay ang pagngiti nito. "So, kamusta ? Regulars pa rin ba kayo?"
"Oo naman sir. Syempre dahil 'yun sa inyo. Thank you sir." Inakbayan ako ni Cheen and I'm confused. May kakaiba kasi sa professor na ito e. Parang kanina pa siya tingin ng tingin sa akin e.
He chuckled. "Sige mauna na ako sa inyo. Bye girls. " tumalikod na ito at umalis. I find it really creepy how he smiled despite of the news. Para kasing natutuwa pa itong wala akong maalala sa nakaraan.
"Cheen, sino siya?" I asked as we continue our way to the gate.
"Ahh. Si Professor Miguel , prof. Natin sa Differential Calculus last sem."
"Gaano niya ka-close ang mga student's niya?"
"Huh? Bakit mo naman natanong?"
"Hindi mo ba nakita? Parang natutuwa pa siyang wala akong maalala e." I said too loud at napalingon sa akin ang ibang students. Nag peace sign naman si Cheen sa mga dumadaan at hinila na niya ako.
"Shhh. Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Dahil sa kanya kaya pasado ako. Kaya nasa scholarship parin ako. Because of him and...." hinawakan ni cheen ang mga kamay ko. "Because of you too." She smiled
"What do you mean?"
"May pinagawa siya sa'yo noon para mapalitan ang kwatro ko. Pero hindi ko alam kung ano kasi hindi mo na sa akin nasabi pa noon and for that.." niyakap ako ng mahigpit ni Cheen. "Thanks Shine. I love you friend! Kaya...k-kaya dapat magpalakas ka ah." Napakunot ang noo ko kasi parang nagbago na ang tono ng boses niya.
When she pulled away ay nagpupunas na siya ng luha.
"Cheen--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng umiling siya.
"Tears of joy lang 'to. Tara na".
Napatango na lang ako at naglakad na kami ulit.. "Wala ka bang ideya kung anong pinagawa niya sa akin?"
"Wala. Ako nga dapat ang magtanong niyaan e, ang kaso wala kang matandaan ngayon."
"Kailan niya sa'kin yun pinagawa?"
"Sembreak, nung araw din na yon nung pauwi ka na daw galing school ay hinimatay ka kaya wala ka ng napagsabihan."
"Ahhh.." napatango ako. Pero, ako lang ba o may hindi magandang ginawa ang professor na 'yon sa katawang ito?
"Oh, may bisita pala kayo e." Napatingin din ako sa kotseng nakahinto sa tapat ng bahay. "Pano, una na ko ah?" Niyakap pa ako ni Cheen. "Shine. Wag mo kaming iiwan ah. Kahit anong mangyari nandito kami para sa'yo." Napakunot ang noo ko sa narinig ko. When she pulled away ay nakangiti siya. Tapos dali-daling tumakbo. "Bye!"
"Cheen! Anong ibig mong sabihin!?" I shouted pero hindi na niya ako nilingon.
"Shine! Anak!" Tumatakbo papunta sa direksyon ko ang mama ni Shine.
"Bakit po?" Lumapit siya sa akin. Nagtaka ako lalo ng bigla niyang lagyan ng tissue ang ilong ko. Ng kunin ko ang tissue sa ilong ko ay may nakita akong dugo.
Ng ibalik ko ang tingin ko sa mommy ni shine, wala na ito. Magsisimula na sana akong maglakad ng maramdaman ko na parang may nakadagan sa mga paa ko kaya hindi ako makagalaw. Ng tingnan ko kung ano 'yun ay nakita ko ang mommy ni Shine na nakahandusay sa kalsada and my eyes grew wide. Nakahawak siya sa mga binti ko. Napansin ko rin na may dugo ito sa likod.
I instanly covered my mouth and screamed. What is happening?!
"Nagustuhan mo ba?!" Agad akong napaligon sa veranda kung saan ko narinig ang boses at nakita kong nakatayo doon si professor Miguel at may hawak siyang..
Baril.
--
--Author's Note :
Are you a writer too?
Comment down your story links and we'll read it . ♥
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...