Fifteen

25 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa walang tigil na tunog na naririnig ko mula sa phone ko.

I'm already on edge when I swipe the phone dahil sa kakulangan ng tulog . "What is it this early!?" I shouted.

"Naku mandy sorry sorry! Hindi ko alam na tulog ka pa pala gayong tanghaling tapat na?!" Sarkastikong sagot ni Tiffany at napatingin ako sa orasan .

Damn! Almost one o'clock na!!!? Bigla tuloy akong nakonsensya.

"Sorry Tiffany..."

"It's okey.. bakit ka naman napuyat? Kailangan mo sakin ikwento but wait a sec bago ko pa man malimutan may kailangan pala muna akong sabihin sayo.." naghintay ako but there was only silence..

at nagsimula na akong maasar.  "Tiffany!"

"Oh bakit? Hindi mo man lang ba itatanong?"

"...."

"Oh eto na nga e. Sasabihin ko na.. Hahaha okey here it goes.. " huminga na muna siya ng malalim bago magsalita ulit at ewan ko pero bigla akong kinabahan? "Tumawag na sa akin yung kakilalalang investigator ni dad! Alam na namin kung saan nakatira yung John Clifford Mendez na sinasabi mo!"

Napasinghap ako sa narinig ko. Oh my god! Si JC! Makikita ko na rin siya! Ulit!!!

Hindi na ako nag-isip pa at dali-daling pumunta sa banyo para mag quick shower.

Lumabas na agad ako ng room ko matapos kong magbihis at halos madulas-dulas pa ako sa hagdan habang hinahanap ko ang number ni Tiffany sa call logs ko para tawagan siya.

"Oh! Hello Tiffany!? Oo papunta... napabagal ang pagsabi ko sa last word ng makita ko ang nakatalikod kong mommy mula sa kitchen. Nakaharap siya sa sink at parang naghuhugas ng plato. Muli na naman akong kinabahan.

"Hello! Mandy!? Are you still there? Anong nangyayari dyan?!" -Tiffany.

"Ano ba!? bakit ka ba sumisigaw?"

"At bakit ka naman bumubulong?" Pagkasabi niya 'non, doon ko lang din napansin na bumubulong na nga ako.

"Kasi---"

"Ayy ma'am! Gising na po pala kayo!?" Patay!

Hinarap ko si manang at nagfake ng smile. "Manang..." pilit pa rin akong nakangiti kahit na ..medyo naiinis na ako.

Alam ko kasi na sa lakas ng sigaw ni manang ay paniguradong narinig siya ni mommy. I can feel it. Her eyes is on me!

"Yes ma'am?"

"Wrong timing ka talaga minsan.."

"Po?"

Urgh! I give up!

"Sige po . Punta lang po ako kila Tiffany.." paalam ko kay manang at tumingin siya sa likod ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin at nagsimula na lang akong maglakad papuntang pinto.

"Ah.. aalis ka na agad!? Halika kain ka muna..nak."

Shit.

The last word was almost a whisper but I heared it. Mas malinaw pa sa sikat ng araw. The words cut deep, right in the middle . And sunddenly I'm already close to crying..or sobbing. Urgh! I don't care!

I expelled a heavy breath as I try to calm myself.

"No thanks.. I'm not hungry." As soon as my mouth leave the words my tears started to fall.

Kainis!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ko at doon nagbreakdown.

Her voice. Sa sobrang tagal ko ng hindi naririnig or baka dahil ngayon ko lang personal na narinig? Kakaiba yung feeling. Parang ang sakit? Ang hirap! Ang hirap huminga!

At nung tinawag niya akong anak?! Hindi ko maintindihan pero ang sarap sa tenga! Parang safe na parang ewan?! Hindi ko maipaliwanag..

Makaalis na nga!?

"Oh asan na 'yung talino mo ngayon? Bakit hindi mo gamitin?" I glared at Tiffany na nagdadrive. Kotse niya kasi ang ginamit namin.

"What? I'm serious! Come on.. dati gusto mo siyang makita tapos ngayong nandito na ang mom mo.. anong gusto mo umalis siya ulit?!!!"

"Tama si Tiffany Mandy.. gusto rin kitang intindihin at kampihan but I don't really see the point ng pag-iwas mo sa mom mo. Mom mo siya..hindi mo ba siya na miss man lang?" Christian chimes in.

"Hindi naman sa hindi ko siya na miss or what? pero wala akong memories na kasama siya..and Ewan ko ba?! Baka kasi pagna-attach na ako sa kanya, baka iwan niya ulit ako.."

"Pero paano mo malalaman kung aalis pa ba siya? Sinabi na ba niya? Di ba hindi?" Christian said with a smile.

"Tyaka frend, atleast she's here right? Just here her out. Malay mo naman may malalim na dahilan siya diba? Mabuti nga ang mom mo bumalik ngayon.. swerte mo nga e. Yung iba wala na ." -Tiffany

"Oo hindi lahat binabalikan ang mga iniwan. Kaya sana kung sino na lang 'yung andyan siya na lang ang paglaanan." Napatingin ako kay Christian. Gusto ko sana siyang biruin dahil sa matalingahaga niyang pahayag pero nagbago ang isip ko ng makita kong seryoso lang siyang nakatingin sa kawalan.

May nakita naman akong emosyon sa mata ni Tiffany pero hindi ko na siya natanong dahil huminto na kami sa lugar kung nasaan daw ang bahay ni JC.

Nauna akong bumaba ng kotse at bigla akong kinabahan. Ano ba naman yan?!

"Oh teka! Huy! Saan ka pupunta?" Tiffany  asked ng tumalikod na ako sa bahay .

"Wag na lang kaya tayo tumu--"hindi ko na natapos ang gusto.kong sabihin ng biglang bumukas ang gate ng bahay at may lumabas na matanda.

"Ikaw na ba si Mandy? Tuloy kayo...." napatingin ako kay Tiffany at tinanguan niya ako habang si Christian naman ay sa ibang direksyon nakatingin.

Kinuha ng matanda ang kamay ko.

"Ako nga pala ang lola ni Clipoy. Tawagin niyo na lang akong lola Dy. Maraming salamat sa pagpunta hija. Dahil sa'yo nagkaroon ulit ako ng pag-asang magigising pa siya." napangiti ako. 

Clipoy..

"Syempre naman po. Magigising pa siya.." nginitian din niya ako.

Dinala niya kami sa isang kwarto. Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumigil kami sa tapat ng isang pinto.

Halos hindi ako huminga habang pinapanuod kong pihitin ni lola yung pintuan.

And once the door was finally opened.. tears started ran down to my cheeks.

"JC.."

Tumakbo ako papunta sa higaan niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak. I'm out of words. All I know is that I love him and I miss him.

Gusto ko na ulit marinig ang boses niya at ang tawa niya, makita ang ngiti niya .

God I miss him.

"John!" Nagulat ako ng may boses ng isang babae ang sumigaw kaya napatingin ako sa pinto.

Tumakbo ang babae papunta sa direksyon koat tinulak niya ako para pumalit sa pwesto ko at niyakap niya si JC.

Pero ang mas ikinagulat ko ang sumunod niyang sinabi.

"John.. i love you! please don't leave me.."

---
---

Okey. So the end is near.. mga 5 to 6 chapters left na lang po ito.

Sa mga walang sawang sumubaybay kahit na hindi madalas ang update nito. THANK YOU SO MUCH!

OFFTOPIC. Malapit na matapos ang #PangakoSayo.

The Other Side Of The DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon