Warning:
Lubhang nakakaiyak po ang mga sumusunod na eksena! Kaya't kinakailangan niyo pong maghanda ng panyo o tissue! Bwahahaha De joke lang...
Hi readers! I just want to say thank you sa mga sumusuporta sa storya ng kambal ko!!! Worth a Thousand Words. Please don't stop supporting her. Sa mga hindi pa nakakabasa n'on, punta lang kayo sa profile namin at hanapin sa works ang Worth A Thousand Words at siguradong hindi kayo magsisisi. On-going palamang po ang story kaya naman mas kailangan pa namin ng support. Thank you!
Enjoy!
---
---Nagpakita si Lloyd ng maraming pictures ni Sarah na kasama siya. Pero hindi basta-basta mga pictures 'yon dahil sa bawat pictures nila ay sweet sila.
"So ano, naniniwala ka na ba?" Tanong niya sa akin habang binubulsa niya ang cellphone niya.
Maniniwala na ba ako?
Mukha naman siyang katiwatiwala tyaka nagpakita ng pruweba diba? Pero ano bang tamang gawin? Dapat ba akong sumama? Paano na si Brandy? Ikakasal na sila ni Sarah, pero kung totoong may plano silang magtanan ni Sarah at Lloyd e baka ito rin ang gusto ni Sarah?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Mahal kita at ako rin ang mahal mo kaya sumama ka na sa akin." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at tinitigan ko lang muna 'yon.
Ano ba Mandy?! Think Fast! Okey, sasama ba ako o hindi? Ang gulo naman!
Kailangan ko pa ng ibang impormasyon para mapagdugtong ang mga nangyayari, at magagawa ko lang 'yon kung malalaman ko naman ang storya nitong si Lloyd.
Okey, sasama na ako! Masusundan naman ako ni JC kung saan man ako pumunta e.
Hahawakan ko na sana ang kamay ni Lloyd ng bigla akong may narinig na boses sa isip ko. Si JC.
"Wag kang..sasama.." napaatras ako bigla. Yung boses ni JC parang nahihirapan siyang huminga. Biglang sumikip ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Alam kong may nangyayari sa kanya..
Pero pagharap ko sa likod ko, nakita ko si JC na nakahandusay sa lupa at napapalibutan siya ng mga taong naka-itim at shades. Binubugbog nila si JC.
"Hindi mo talaga alam kung kailan mo ititikom 'yang bibig mo no?! Hindi ka talaga marunong sumunod! " Napalingon ulit ako sa direksyon ni Lloyd pero ibang tao na ang nakatayo doon.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya ng nakakaloko. Nakasuot siya ng all black pero ang mas umagaw ng atensyon ko ay ang nakatatak sa leather jacket niya. Grey Intelligence.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi mag sink in lahat ng impormasyon na narinig ko sa loob lang ng limang segundo.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko sa sobrang takot. Nakita ko na lang na may nilagay siya sa palad kong isang bilog na itim at ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko bago ko maramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.
Paggising ko nakita ko agad ang mukha ni Sarah sa silver metal na dingding ng kwarto kung nasaan ako.
Nakatali ang mga kamay ko sa likod . Ng ilibot ko ang tingin ko ay nakita ko si JC na nakahiga sa isang gilid habang nakatali ang dalawang kamay sa likod kaya umusog ako hanggang sa makalapit na ako sa kanya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong tumataas at baba pa ang dibdib niya, ibig sabihin buhay pa siya.
Napahagulgol na lang ako ng titigan ko siya. Bugbog sarado.
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Teen Fiction"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...